Kabanata 21

1586 Words
“Tita Mommy!” Ang matinis na boses ni Chiyo ang bumulabog sa katahimikan ng mansion. Kaya sabay na napalingon sa aming direksyon ang lahat ng tao sa salas. Ganun na lang ang labis na pagka-mangha ko ng makita ko si ate Miles, kasalukuyan itong papasok sa isang pintuan. Marahil ay kusina ‘yun. Hindi ako makapaniwala sa laki ng tiyan nito habang may tatlong bata na iisang mukha na kasalukuyang naglalaro sa malawak na salas. Hindi nalalayo ang edad ni Chiyo sa edad ng mga pamangkin ko. At ang higit na nakakatuwa ay halos pareho sila ng mga mata. “Oh my God! Totoo ‘to di ba?” Parang wala sa sarili na tanong ni Ate habang nakatitig sa mukha ng munting si Chiyo. Nang may kalahating dipa na ang layo sa isa’t-isa ng mag-tita ay biglang tumigil sa paglapit ang anak ko at nanlalaki ang mga mata nito na tumitig sa parang bolang tiyan ni Ate Miles. “Mommy! Why, tita Mommy have a big tummy?” Curious na tanong ni Chiyo. Kapwa kami natawa ni ate Miles dahil sa kainosentihan ng aking anak. “Because there's a baby inside, tita Mommy’s belly." Nakangiti kong paliwanag. Natutuwa na lumapit si Ate Miles kay Chiyo at kahit nahihirapan ito ay pinilit pa rin nitong yumuko. Masuyo niyang dinampian ng isang halik ang ulo ni Chiyo saka nanggigigil na kinurot ang pisngi nito. “Bakit hindi ka nagsabi na ngayon pala kayo darating? Para man lang sana makapag handa ako.” Nagigiliw na tanong ni Ate sa akin. Pagkatapos sa aking anak ay mahigpit akong niyakap nito. Ramdam ko ang pangungulila nito sa presensya ko. Gumanti ako ng yakap sa kanya pero sinigurado ko na may distansya sa pagitan namin upang hindi maipit ang malaki nitong tiyan. “Ate, I think malapit ng lumabas si little Miles?” Natutuwa na tanong ko dito habang masuyong hinahaplos ng palad ko ang malaki nitong tiyan. Nasa Estate pa lang kami ay alam ko na babae ang ipinagbubuntis ni Ate Miles dahil ibinalita niya ito sa akin. “Yup, two months na lang at lalabas na ang unica hija ko.” Natutuwa niyang sagot, l feel envy to my sister. Mukhang masaya siya sa piling ni Kuya Xavien at hindi maikakaila na busog ito sa pagmamahal ng kanyang asawa dahil sa magandang awra ni ate Miles. “I’m so happy for you Ate, I wish I have too.” Nakangiti man ako habang sinasabi ito pero ang lungkot ay mababanaag mula sa aking mga mata. “You’re still young Maurine, and time will come ay makikilala mo rin ang lalaking magmamahal, hindi lang sayo kundi pati kay little Chiyo.” Nakangiti niyang wika kaya napangiti na rin ako at muli siyang niyakap. “By the way, hindi ko nga pala nasabi sayo, na naibalik na muli sa atin ang Villa ni Mommy. At iyon ay naisalin na namin ni daddy sa pangalan mo.” Namilog ang mga mata ko at hindi makapaniwala na hinarap ko si Ate Miles. “Oh my gosh! Seriously Ate!?” Bulalas ko dito kaya natatawa siya na tumango bilang tugôn sa tanong ko. Dahil sa labis na kasiyahang nararamdaman ko ay mahigpit ko siyang nayakap mula sa likuran. “Teka, bakit mo nga pala sa akin ibinigay ang Villa, gayung ikaw naman ang naghirap na bawiin ‘yun?” Curious kong tanong, na ngayon ay kasalukuyan na kaming naglalakad papasok sa loob ng dining room. Habang ang aming mga anak ay masayang naglalaro kasama si kuya Harold. “Sinusunod ko lang ang lahat ng bilin ni Mommy, at maging si Daddy iyon din ang gusto. Aside from Villa ay nasa pangalan mo na rin ang fifty percent ng kompanyang Ramirez Ceramic tiles Manufacturer corp. Pero soon mapupunta na sayo ang buong kumpanya dahil naging matagumpay ang sister company nito na itinatag ko, dalawang taon na ang nakalipas. Sa ngayon ay si Harold muna ang pinaghahawak ko para matuto siya sa pasikot-sikot sa negosyo. Dahil may balak ng magsarili ang mokong.” Anya na sinundan ng tawa. “Narinig ko ‘yun!” Sabat naman ni Kuya Harold kaya natawa kaming magkapatid. “You don’t need to find a job, Maurine, our company needs you. Kailangan mong personal na umattend sa isang meeting, para kausapin ang mga bagong investor ng ating kumpanya. Your so smart, little Sis, kahit malayo ang tinapos mo sa magiging trabaho mo ay batid ko na kakayanin mo ang lahat.” Imbes na matuwa ay nakadama ako ng matinding konsensya. Gusto kong ipagtapat sa kapatid ko na hindi ako nakatapos ng pag-aaral sa America. Dahil sa kagustuhan kong matutong tumayo sa sarili kong paa ay mas pinili ko na lang ang magtrabaho at ipunin ang bawat sentimo mula sa sahod ko. Sa totoo lang ay hindi ko naman kailangan na magtrabaho, but for the sake of prinsipyo ay mas pinili ko na tahakin ang landas na sa tingin ko ay tama. I realize na mas masarap pa lang gamitin ang perang galing sa sariling sikap. “T-Thank you, Ate…” ani ko na kunway masaya, pero sa totoo lang ay hindi ko na kayang salubungin pa ang kanyang mga tingin. “ ———///////———— “Mommy, pwede ba akong sumama sayo? Promise Chiyo will behave. Please, mommy…” parang sinasakal ang puso ko dahil sa pakiusap ng aking anak. Pero wala akong magawa dahil talagang hindi pwede. "Sweetheart, Mommy will come back, and I promise that I won't leave you again, okay?" Nangangako kong wika sa malambing na tinig habang mahigpit kong yakap ang munti kong si Chiyo. “P-Promise?” Naniniguro niyang tanong kaya naman natawa kami ni Daddy, dahil inangat pa nito ang munting daliri. “Promise.” Ani ko bago kami nag pinky promise. Isang mariin na halik ang iginawad ko sa matambok na pisngi ng aking anak bago ko siya ibinigay kay daddy. “Don’t worry, Sweetheart, Lolo, will taken care of you.” Malambing na saad ni Daddy bago nito kinuha si Chiyo mula sa aking mga bisig. Mabilis ang ginawa kong pagtalikod para hindi mo na makita ang luha-ang mukha ni Chiyo. Baka kasi sa oras na makita ko na naman ang asul nitong mga mata na tila laging nakikiusap ay hindi na ako tumuloy sa pag-alis. Saktong pagsakay ko ay siya namang pagdaloy ng mga luha sa aking mata, ito kasi ang unang pagkakataon na magkakahiwalay kaming mag-ina ng dalawang araw. Kalimitan kasi ay pinakamatagal na ang apat na oras sa tuwing papasok ako sa mga part time job ko sa America. Mula sa labas ng bintana ay pinagmamasdan ko ang magandang tanawin, kasalukuyang tinatahak namin ang highway papuntang Marikina. Nasa Marikina kasi ang lokasyon ng isa sa mga kumpanya na mag-iinvest sa aming kumpanya. At doon magaganap ang meeting sa pagitan namin ng mga investor. I’m not afraid, or kahit anong kaba ay wala akong nararamdaman mula sa dibdib ko. Hindi man ako nakapagtapos ng pag-aaral pero sapat na ang mataas na self confidence at experience na meron ako. Kaya malaki ang kumpiyansa ko sa sarili na makukuha ko ang tiwala ng mga negosyanteng ‘yun. Naputol ang pagmumuni ko ng biglang nagpreno ang aking driver. Kamuntikan pang masubsob ang magandang mukha ko sa likod ng sandalan ng upuan na nasa aking harapan. “Kuya naman! Sinira mo ang moment ko, may galit ka ba sakin?” Naiinis na tanong ko dito, habang ibinabalik sa dating ayos ang mahaba kong buhok na ngayon ay magulo na. “Pasensya na Ma’am, pero mukhang may nagaganap na holdapan mula sa bus na nasa unahan natin.” Ani ng driver kaya naman mabilis kong sinilip ang unahan ng sasakyan. Halos nasa likuran lang kami ng bus kaya malinaw kong nakikita ang apat na armadong lalaki. Mula salaming bintana ng bus ay kita ko ang takot sa mukha ng mga pasahero habang ang iba ay nag-iiyakan pa. “I-atras mo ang kotse kuya, baka madamay pa tayo!” Utos ko sa driver, Yes, matapang ako, pero kapag baril na ang nasa harapan ko ay never mind na lang dahil ayoko pang mamatay. “Hindi pwede, Ma’am, dahil maraming sasakyan sa likuran natin.” Tila kabado na sagot ng driver sa akin. Mabilis kong nilingon ang hulihan ng kotse at ganun na lang ang panlulumo ko. Dahil ang haba na ng traffic sa bahaging likuran ng aming sasakyan. “S**t! Don’t look here! Don’t look at my car... Oh my gosh!” Ito ang paulit-ulit kong usal habang nakatitig sa isang lalaki na may bitbit na mahabang baril. Subalit, hindi dininig ng langit ang piping dalangin ko dahil ngayon ay patungo na sa aking direksyon ang isa sa mga armadong lalaki. Hindi na ako nag-isip pa at mabilis na binuksan ko ang pintuan saka kumaripas ng takbo! “S**t! Hey! Let me go! Let me go!” Nahintakutan kong sigaw ng may biglang humablot sa braso ko. Ganun na lang ang panggigilalas ko ng hawak na ako ng pangit na lalaking ito. “Aba’t putchang Inglesera ‘to, tatakas ka pa, ha!” Ani nito bago ako hinila patungo sa mga kasamahan nito. Mabilis kong nilingon ang aking driver upang sana’y humingi ng tulong. Subalit ganun na lang ang panlulumo ko ng makita kong malayo na ang tinakbo nito. Walang kwentang tauhan! Ang bwusit mas inuna pang iligtas ang sarili kaysa sa akin!? “S**t! Maurine, ano na naman itong kamalasan na pinasok mo!!!” Ani ko bago humagulgol ng iyak.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD