Getting to known each other, getting closer

3194 Words
Pag dating nila sa bahay nila cheska ay agad sinalubong si Carl ng mga anak ni Cheska at Jasper "Tito Carl!" sigaw ng mga bata at niyakap ang kanilang tito. "Hello kids! Ito na ang pasalubong ko sa inyo." wika ni Carl at inabot ang mga ito. Ps4 para sa pamangking si James at macbook at magandang headset kay Jasmine. "Thanks tito carl, you're the best!" wika ng mga bata. "Oh ano? Yan agad kids? Hindi nyo na kami naalala ng daddy nyo ah." wika ni cheska. "Ay sorry mommy daddy, namiss lang namin si tito carl." wika ni jasmine at agad itong yumakap sa mag asawa. Bumati at yumakap din ang mga ito kay Menchie. Matapos mananghalian ay nag paalam na si Menchie. "Ate cheska, kuya Jazper, uuwi na ako para maka pahinga pa ako, gusto ko pa matulog. Maaga din ako bukas na PUPUNTA SA OPISINA MO ate cheska." wika ni Menchie at tumayo sa sofa na inuupuan nya. "Yeah sure!" sambit cheska. "Saan ka ba nakatira, menchie?" tanong ni Carl. "Sa bagong pagasa lang." sambit ni Menchie at bumeso sa kaibigang si cheska at jasper. "Oh, lapit lang pala, may imi-meet ako sa sm north, sabay ka na sa akin idadaan nalang kita sa inyo." sambit ni Carl. "Oh sumabay ka na, para hindi ka na mahirapan pang mag commute." wika ni cheska kay menchie. "Isang jeep lang naman, pero sige sasabay na ako." sambit ni Menchie. "Let's go!" aya ni Carl kay Menchie sabay halik sa pisngi ng ate ni cheska at nag paalam na din kay Jazper. Habang nasa sasakyan si Carl at Menchie na nag babyahe patungo sa apartment ni menchie, "Ano samahan kita bukas?" seryosong tanong ni Carl. "Hm? Saan?" tanong ni Menchie. "Kakaumpisa palang natin mag inom kagabi nung napag usapan yung lakad mo bukas after mo sa office ni ate, hindi mo na maalala?" tanong ni Carl. "Ohmayghaad, seryoso ka pala talaga na gusto mong sumama?" natatawang tanong ni menchie. "Oo, kasi yung mga promogirl magaganda eh, 'diba? may single ba sa mga kasama mo bukas?" sambit ni carl. "Wala eh, pero pag nakita ka ng mga yon, magiging single yung mga yon, sigurado." Sambit ni Mencie. Natawa si carl sa sinabi ni menchie, "Talaga? Ehdi isama mo na ako." "Pwede-, hay nakuh kaya nai-stress sayo si tita bea at tito chris eh." sambit ni Menchie. "Mukhang marami ng na kukwento sayo si ate ah." natatawang sambit ni carl. "Hindi naman. Medyo lang." sambit ni Menchie sabay tawa. "Oh dito na ako." wika ni menchie sabay turo ng building kung saan sya naka tira. "Bahay nyo yan?" tanong ni Carl ng makita ang isang mataas pero hindi kalakihang gusali. "Kaloka ka, nakita mo, ang daming pinto? Umuupa lang ako sa isa sa kwarto dyan." sambit ni Menchie. "Ah I see!" sambit ni carl habang tinatanaw pa ang gusali. "Gusto mo pumasok muna?" tanong ni menchie. "But I'm sure ayaw mo, kasi hindi ka sanay pumasok sa ganyang lugar." dugtong pa nya agad sabay tawa at nag bukas ng pinto ng sasakyan ni carl. "Pwede ba tumuloy muna sa inyo?" tanong ni Carl pag baba ng sasakyan. Nilingon ni menchie si carl, "Sure!" sabay paling ng ulo at itinuro ang kamay patungo sa daan paakyat para sumemyas kay carl ng pag-aya. "Mag isa ka lang dito?" tanong ni Carl ng maka pasok sa tinitirhan ni menchie na may maliit na salas, maliit na kusina at maliit rin na kwarto. "Yup!" sambit ni menchie at niligid ng mata ang paligid ng bahay nya. "Sorry, wala akong maooffer sayong coffee, kasi hindi nga ako nag kakape, diba?" wika ni Menchie. "It's okay, no worries!" sambit ni carl. "Asan yung family mo?" tanong ni Carl. "Wala na, high school palang ako nung magka-sunod silang namatay sa sakit." sambit ni Menchie. "Sorry to hear that." sambit naman ni Carl. "Don't be sorry. Tagal na nun, may kapatid akong lalake, nakapag asawa sya ng taga nueva viscaya. Ayun duon na sya tumira." sambit ni Menchie. "Ah so, mag isa ka nalang talaga." wika ni Carl. "Yup! Kaya sobrang happy ako nung nakilala ko si ate cheska and kuya jazper. Kasi tinuturing na nila akong family." sambit ni Menchie. "Pano na nga ba kayo nagka-kilala nila ate?" tanong ni Carl. "Sa resort nyo, lasing na lasing na ako, umiiyak ako sa gilid ng dagat na may hawak na isang boteng alak, ang lakas na yata ng iyak ko kaya napansin na ako ng mga staff nyo. Tinawag nila si ate cheska, nag pakilalang mayari." kwentong sambit ni Menchie. "Inawat ka?" tanong ni Carl sabay tawa. "Bakit ka ba umiiyak ng lasing sa gilid ng dagat?" "Si luis, yung ex ko sabi nya, may overtime daw sila sa trabaho kaya hindi sya makakasama sa akin doon sa launion. Tapos nakita ko sa post nung kasama nya sa trabaho nag iinom, katabi pa nya yung kateam nilang may gusto sa kanya, at parang ang sweet nila." sambit na kwento ni Menchie. "Sure ka ba sa nakita mo? Sweet ba talaga sila?" tanong ni Carl. "Yes, I have proof!" samabit ni Menchie sabay kuha ng cellphone at pinakita ang picture na nakita niya. Pag kita ni Carl ay nag kibit balikat lang sya. "Why? Kita mo din na sweet talaga sila?" tanong ni Menchie. "Well, yeah, sweet sila. But, that doesn't mean na may realsyon sila." sambit ni carl. "Wow hah, ganyan talaga kayong mga lalake eh noh? Nag kakampihan kayo, kahit pa hindi kayo close or mag kakakilala basta kapwa lalake pag tatanggol nyo talaga." "Hey, wait, ako aminado ako na gawain ko yan, but it doesn't mean na, parehas na kami nyang ex mo ah." nangingiting wika ni Carl. "And lahat ng dumaang babae sa akin, malinaw sa kanila na wala kaming labels." dagdag pa ni Carl. "And hindi porket lalake eh ganun agad, friends mo nga diba sabi mo, pag nakita nila ako magiging single sila kahit in a relationship sila." pag depensa ni Carl. Nangiti si Menchie, "You have point!" at nag kibit balikat. "And wait, break na kayo bakit may picture ka pa?" tanong ni carl. "Mahal mo pa?" dagdag pa nitong tanong. "Uhm, oo, pero hindi na masyado." sambit ni menchie. "Mahal mo pa, hindi pwedeng, hindi na masyado, oh bakit hindi mo kausapin? Makipag balikan ka." sambit ni Carl. "Sila na nung girl, pag balik ko dito galing launion, nakipag hiwalay sya kasi sila na, then, after a week nakipag balikan sya kasi yung girl hindi pa daw nakikipag hiwalay sa boyfriend. Binalikan ko, kaso after a week ulit, nakipag hiwalay nanaman sya kasi hiwalay na daw yung girl at yung jowa. Gago diba?" sambit ni menchie. "Gago nga! Ginawa ka lang option." sambit ni carl. "Etoh pa gusto nya na maging kami parin, habang sila din nung girl. Syempre hindi ako pumayag. Hanggang ngayon. Kaya, nung nakita namin ni ate cheska si luis kasama yung girl, gusto sagasaan ni ate cheska eh." kwento pa ni Menchie. "Damn! Kahit ako makita ko yun sasagasaan ko talaga yun." inis na wika ni Carl. "Wag na wag mo nga talaga babalikan yun kahit mahal mo pa." dagdag pa nito. "Never!" sambit ni menchie sabay irap at ngiti nito. "So, may lakad ka pa diba?" tanong ni menchie. "Yup, I am going to meet a friend. Sama ka?" sambit ni carl. "No thanks. Gusto ko mag pahinga." sambit naman ni Menchie. "Alright, so, see you tomorrow. Mag me-message ako sa messenger mo." sambit ni Carl at bumeso kay menchie. "Sure!" Kinabukasan ay maagang nag punta si Carl sa apartment na tinitirhan ni Menchie. "Sino yan?" sigaw ni menchie ng marinig na may kumakatok sa pinto. "Ako!" sambit ni Carl. "Sino?" tanong muli ni Menchie sabay bahagyang binuksan ang pinto. "Oh? Aga mo, pupunta pa ako sa office ni ate cheska, hapon pa yung lakad ko with my friends. And sabi mo mag memesaage ka sakin sa messenger, so akala ko hapon ka pa mag memessage." wika ni menchie. "I know! Gusto na kita samahan sa office ni ate. Hindi nadin ako nag message sayo, para hindi ka na makatanggi pang isama ako mamaya." sambit ni Carl sabay tulak ng bahagya sa pinto at pumasok ng bahay ni menchie. "Landi mo!" sambit ni Menchie na natatawa. "Ayaw mo pa? Hindi ka mahihirpan sa pag travel papuntang morato." wika ni Carl. Pilit na ngiti naman ang tanging naging reaksyon ni Menchie. Nagmadali na si Menchie mag gayak. "Arat na!" wika ni Menchie. Agad silang lumabas ng apartment at bumaba. Pinag buksan ni carl si menchie ng pinto ng kanyang sasakyan. "Wow! Gentleman!" nang aasar na wika ni Menchie. Natawa lang si carl at isinara ang pinto. At habang nag babyahe ay naka tanggap sinmenchie ng menasahe mula sa mga kaibigan nya na kikitain nya. "Change plan." wika ni menchie habang nag babyahe sila. "Hm?" tanong ni carl. "Mag sasama yung isang friend ko ng jowa, tapos yung dalawa mag sasama na din. Hindi na ako sasama. Sorry." sambit ni Memchie. "Sorry for what?" tanong ni carl. "Sorry wala kang magiging chiks mamaya. At hindi na din naman ako sasama, so, sorry." sambit ni menchie. "Porket mag sasama sila ng mga boyfriend nila hindi ka sasama?" sambit ni carl. "Oo, maboboring lang ako don noh." sambit ni menchie. "Bakit ka maboboring? Sasama nga ako diba?" tanong ni carl. "Kahit wala kang magiging chiks don sasama ka? Pano ka?" tanong din ni menchie. "Ano ka ba, sa tingin mo ba, yun lang ba pwede maging dahilan ko bakit ako sasama?" nakangitin kay menchie sambit ni carl. "Eh ano pa? Dahil ba sa akin?" ngiting ngiti na tanong ni Menchie. "Sira, feelingera ka din noh?" natatawang sambit ni Carl. "Ay grabe sya oh. Joke lang. Pero bakit nga?" sambit ni Menchie. "Sasama ako kasi, I want to have new friends." sambit ni Carl. "Eh bakit, marami ka namang friends dito ah?" "Yeah, para lang maiba naman ang mundo ko, hindi lang puro bandmates and business partners na since highschool ko pa kasama." sambit ni Carl. Kibit balikat lang naman ang sagot ni Menchie. "Kaya tutuloy ka mamaya at sasama padin ako." madiing wika ni Carl. "Okay!" matipid na sambit ni Menchie. Mabait si menchie at masaya kasama kaya naman pag nakilala sya ng isang tao ay siguradong gugustuhin syang maging kaibigan. "Hi ate cheska, good morning!" bati ni Menchie sa kaibigan sabay beso. "Hello, thank God you came. Akala ko hindi ka pupunta eh." sambit ni cheska. "You should thank me. Kasi, sinigurado ko na talaga na pupunta sya." sambit ni carl pag pasok ng pinto ng opisina ni cheska na tinataas taas ang mga kilay. "Magkasama kayo papunta dito?" gulat na tanong ni cheska sabay pabalik balik na tingin sa dalawa. "It's not what you think ate cheska, itong makulit mong kapatid gusto talaga sumama sa lakad ko mamaya, kaya sinamahan na ako dito ngayon." mabilis na paliwanag ni menchie. Huminga ng malalim si Cheska, "Okay, give me your resume and all of your documents, here's your job offer, contract, for your bank account application, application for driving lesson, and form for your drivers license, fill-out those forms and sign the contract then ako na ang bahala dyan." paliwanag ni Cheska. "Wait, driving lesson? Driver's license?" nag-tatakhang tanong ni Menchie. "Yes mench, diba sinabi ko na mag-issue ako ng car sayo? Kasi iikot ka sa lahat ng stores. So kailangan mo yon." sambit ni cheska. "Luh, mas sanay ako mag commute ate cheska." angal ni Menchie. "Gaga ka talaga. Ang hassle mag commute." sambit ni cheska. "Natatakot ako ate." angal pa niya. "Hindi ka nga natatakot mag inom at mag paka lasing kung saan-saan tapos pag dadrive kinakatakutan mo?" inis na natatawang wika ni cheska. "Menchie, you need car for that work." natatawang wika ni Carl. "Kailan start ng driving lesson na yan?" tanong ni Menchie. "Tomorrow." "Bukas? Eh, lasing pa ako nun bukas noh." mabilis na sambit ni Menchie. "Nakakainis ka, binibigyan ka na ng trabaho, reklamo ka pa ng reklamo, nakaka loka ka talaga. Wala kang choice." sambit ni cheska. Tinapos ni Menchie ang pinapagawa ni cheska at niyaya ni Carl na mag lunch ang dalawa. "Lunch tayo, libre ko." wika ni carl. "Sure, isama natin si jazper." sambit ni cheska at malapit lang naman rin doon ang opisina ni Jazper. Lumabas sila ng opisina at pumunta sa restaurant malapit lang sa opisina ni cheska. "Hi!" bati ni jazper ng dumating sya. "Bakit magkasama kayo?" tanong ni jasper. "Itong bayaw mo kuya jasper, gusto maka siguro na isasama ko sya mamaya sa lakad ko." mabilis na sambit ni menchie. "Talaga ba Carl?" natatawang tanong ni jazper. "Carl, you know that menchie is like a sister to me and specially to your sister, right? So, she's off limits." wika ni jazper. "Oy, kuya jazper, andito lang ako ah. Naririnig kita. Wag kayo mag alala, kasi never!" sambit ni menchie. Natawa si Carl "Yes kuya, kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Kaya wag kayo mag alala." sambit ni carl at tinaas ng dalawang beses ang mga kilay. "Good, mabuti ng malinaw! Kasi kahit ikaw talaga ang kapatid ko, hindi kita kakampihan." sambit ni cheska at tiningnan ng masama ang kapatid. "I know, as always." wikang padiin ni carl sabay bahagyang nilapit ang mukha kay cheska at sinalubong ng kamay ni cheska ang buong mukha ng kapatid. Matapos kumain ay bumalik na si cheska at jazper sa kani- kanilang opisina. Si jazper ay may architectural firm na ang opisina ay sa morato lang din. Nag stay naman sa restaurant sina menchie at carl. "May advertizing and marketing company ka carl diba? Pano yun nung wala ka?" tanong ni menchie. "Yup, actually, kasosyo ko yung bestfriend ko don, so, hindi lang yun sa akin. Habang wala ako sinolo muna nya lahat ng pag manage. Nag punta ako ng New jersy to have new environment at makasama naman si mom and dad, and naka kuha ako ng mga clients doon na gustong mag market dito sa pilipinas, and yun, napasok na nila ang market dito." sambit ni carl. "Wow! Iba talaga pag mayaman noh, madaling nakaka galaw, madali nyong makuha at mapasok ang mga bagay na gustuhin nyo. In one snap nang yayari lahat." wika ni menchie. "Hindi lahat. Tulad ko, may isang bagay akong matagal ng gustong mangyari pero wala akong magawa." seryosong sambit ni carl. "Weh, meron ka pang hindi nagagawa o nakukuha? Impossible naman yan." sambit ni menchie. "Oo, tignan mo ikaw, nagawa mo ng mag-paramdam ng pag mamahal sa taong mahal mo. And I'm sure naparamdam din ni luis sayo na mahal ka nya, eh ako ba?" sambit ni Carl. "Eh nasa sayo naman ang problema, sa dami ng babae na dumaan sayo imposibleng ni isa doon eh hindi ka minahal. Pero, ikaw ayaw mo silang bigyan ng chance na mahalin ka at ayaw mong bigyan yung sarili mo ng pag kakataon na buksan yung puso mo sa kanila." sambit ni menchie. "Ewan, gusto kong sumubukan, pero hindi kaya eh." sambit ni carl. "Oh wait, papunta na daw sila." biglang sambit ni menchie at inangat ang palad sa harap ni carl. "Oh let's go!" aya ni carl. Habang binabaybay nila ang kahabaan ng morato ay nadaanan ang isang bar, "Yang bar na yan, bar namin yan ng mga friends ko!" wika ni Brix sabay turo sa bar na nadaanan. "Yeah! Naka-punta na ako dyan, dyan kami nag inom minsan nila ate cheska at kuya jazper." sambit ni menchie. "Next time dyan mo yayain friends mo." wika ni carl. "Sige sige, next time." Pumasok na sa isang bar sina menchie at carl, "Girls!" sigaw ni menchie at mabilis na nag lakad palapit sa mga kaibigan hatak-hatak si carl. Agad naman syang hinatak ng isang kaibigan nyang si Jenna para mapalapit sa kanya. "Jowa mo?" tanong nito. "Aray ah. Hindi!" sambit ni menchie. "Guys, si Carl, kapatid ni ate cheska. Walang magawa sa buhay kaya sumama sa akin." pakilala ni menchie. Tumango at ngumiti lang naman si Carl. "And carl, si jenna at jowa nyang si darwin, tapos si Anne, yung jowa nya naman na si brian at si moneth at jowa nyan si sam." pakilala sa mga kaibigan at isa-isa itong kumamay kay carl. "Ang lambot ng kamay, girl." wika ni jenna sabay pisil sa braso ni menchie. Tinignan ni menchie si jenna at sumensyas na tila ba sinasabing, tumigil ka, andyan ang boyfriend mo. "Ah, pwede naman na siguro kami umupo diba?" tanong ni menchie sabay at isa-isang tiningnan ang mga kaibigan. "Ay oo naman girl, go!" sambit ni moneth. "Tara na, upo na tayo." aya ni menchie kay carl. "Wait, ang aga naman natin yata masyado, parang tayo nag bukas nito ah." wika ni menchie. "Ganun talaga girl, para makarami." sambit ni Jenna. "Dami nyonh budget ah." sambit ni menchie. "Minsan lang ano ba." sambit naman ni anne. "Wait, bago bag mo ah. Orig?" wika ni moneth. "Maganda ba? Oo orig toh, bigay to ng mommy nila." sambit ni menchie at turo kay carl. "Ay taray, hindi pa jowa boto na agad." wika ni anne. "Gaga! Super friends kami ni ate cheska diba? So naging friends nadin kami ng mommy nila virtually. Kaya nung umuwi 'to dito, pinadala na sa kanya 'to." sambit ni cheska. Nag inom sila at nagkwentuhan. Alas otso palang ng gabi ay niyayaya na ni Carl si Menchie. "Tama na yan, uwi na tayo, ihahatid na kita." wika ni Carl. "Kj, wait lang." sambit ni menchie. "Maaga ka pa bukas sa driving lesson mo. Lagot ka kay ate pag di mo napuntahan yon. "Yun ba talaga yon, o mag kikita kayo nung girl na kausap mo kanina? Geh na go, uuwi na ako ng mga ten." sambit ni menchie. "Hindi pa kita nililigawan nag seselos ka na?" tanong ni carl habang nangngiti. "Hoy, asyumero ka din noh? Bakit naman ako mag seselos? Umalis ka na nga." natatawamg sambit ni Menchie. "Hindi, iuuwi muna kita, lagot ako kay ate at kuya jazper pag iniwan kita." "Hindi yun, sanay na yung mga yon sa akin. Alam nilang kaya ko sarili ko." sambit ni menchie. "Girls, uuwi na kami ah, kasi hindi pwede malasing ng todo to si menchie, kasi maaga pa sya bukas, tsaka may driving lesson sya bukas, baka ibangga nya yung sasakyan na idadrive nya." paalam ni carl sa mga kaibigan ni Menchie, sabay hugot ng pera sa pitaka nya at inilapag sa lamesa. "Ha, ah, eh-" hindi alam ng mga kaibigan ni menchie amg sasabihin para pigilan si carl at menchie. "Sorry girls, 'till next time." wika ni carl sabay hawak sa kamay ni menchie at bahagyamg hinatak para tamayo na. "Sorry girls, bawi ako next time, at sa susunod hindi na ako mag sasama, para walang kontra." wika ni menchie pag tayo nya. "Kerri lang girl." sambit ng mga kaibigan. Lumabas na ng bar si carl at menchie. "Paka kj mo noh." wika ni menchie. "Iniisip lang kita, kasi mag dadrive ka bukas, hindi pwedeng may hangover ka." "Whateverrr!" inis na sambit ni Menchie. Matapos ni carl ihatid ni carl si menchie sa bahay nito ay nakipag kita si carl sa babaeng nakilala nya sa bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD