DESPERADO

3837 Words
CHAPTER 4   “Maniniwala ako sa’yo kung ilabas mo ang cellphone mo.” “Sandali,” pinagpapawisan siya kahit malamig naman ang buga ng aircon at malakas pa ang hangin mula sa ceiling fan. “Bilisan mo” Inilabas niya ang cellphone  mula sa kanyang bulsa ngunit ayaw niyang ibigay kaagad. Marami pa sana siyang gustong idelete muna na mga palitan nia ng text. Panigurado kasi mabubuko na siya kung mabasa niya ang lahat ng iyon. Bakit ba kasi hindi niya napaghandaan? Biglang tumunog ang cellphone niya. Si Echo ang nakita niyang tumatawag. Nakatingin sa kanya si Echo. Tinging may bahid na galit. Tinging parang handang manakit. Napako siya sa kanyang upuan. Hindi na niya alam kung paano niya itatago ang nilikha niyang multo. Nabuko na siya sa kanyang pagpapanggap. “Ikaw ang poser hindi ba?” Yumuko siya. Hindi niya alam kung paano niya ihaharap ang kanyang mukha. Gustio niyang maglaho. “Umamin ka na bago pa kita mabugbog! Ikaw si Nicole.” nakita niya ang namuo at nanigas na kamao ni Echo. Nakahanda na ito para suntukin siya. Tumango siya. Nakaramdam na siya ng takot sa maaring gawin sa kanya ni Echo. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapan dahil nasukol naman na siya. Sa puntong ito, siya ang kailangan magpakumbaba, siya ang gumawa ng katarantaduhan at natural lang na magagalit ang naagrabyado. “Kanino mo ninakaw ang mga photos at videos na inilagay mo sa account mong Nicole?” tanong sa kanya ni Echo.                 Tumingin siya kay Echo. Sinubukan niyang magsalita ngunit parang napipi siya bigla.                 “Magsasalita ka ba o hindi? Babanatan na kita!” “Sa former classmate kong si Clair.” “Ah, Clair, Clair pala ang tunay na pangalan ng may-ari sa picture na ginamit mong Nicole.” Tumango lang uli siya. “Ibigay mo sa akin ngayon din ang link ng account niya.” “Bakit?” “Ibibigay mo ba sa akin oh, bubugbugin kita rito? Hindi ako nananakot. Sa tindi ng abala na ginawa mo sa akin, kulang pang paduguin ko ‘yang nguso mo.” Sa takot niyang masaktan ay mabilis siyang sumagot. “Sige, isend ko sa’yo ngayon din.” Binuksan niya ang cellphone niya at hinanap niya ang account ni Clair na kaklase niya nang isang subject at naging kaibigan niya noong college pa siya. Hindi alam ni Clair ang tunay niyang pagkatao. Alam niyang crush siya ni Clair pero hindi niya nagawang patulan dahil hindi naman siya nagkakagusto sa babae. Mabilis niyang isinend ang link ng f******k ni Clair kay Errol. “Nasend mo na?” Tumango siya. “Good.”  “Sorry ha? Nagawa ko lang ‘yon dahil sobrang desperado lang akong makilala ka in person.” “Akala mo natutuwa ako? Sa ginawa mo sa akin, andaming nasayang. Lumiban ako sa trabaho ko ngayong araw na ito at namuhunan ako ng emosyon.” Namumula si Echo. Dala na din siguro iyon ng nainom niya at galit. “Akin na ang pitaka mo!” “Ano? Bakit ko naman ibibigay ang pitaka ko sa’yo?” “Huwag ka nang magtanong, narinig mo naman ang sinasabi ko hindi ba? Akin nang pitaka mo!” “Bakit nga?” “Bigyan mo akong dalawang libo, danyos sa ginawa mong panloloko sa akin.” “Grabe ka!” “Sige tatlong libo kung hindi,” uminom ng beer. Sinaid niya ang laman niyon. “Sinasabi ko sa’yo, tainga mo lang ang walang pasa. Bubugbugin kita, hindi man dito pero aantayin kong paglabas mo dito, gago.” Inilabas niya ang kanyang pitaka. Tatlong-libo mahigit na lang ang laman no’n. “Oh eto na,” Iniabot niya ang dalawang libo. Maluha-luha na siya. “Ikaw na magbayad ng ininom natin ha?” “Anong ako, bayad ito ng mga kagaguhan mo sa akin. Manloloko ka.” “Echo, ano ba, wala din naman akong pera ngayon.” “Yown. Yan ang gusto kong marinig. Pangkain ko na lang dapat o itulong ko na lang sana sa pamilya ko, pinapanload ko pa para lang makachat kang poser ka. Umabsent pa ako sa trabaho ko ngayon, ‘yon pala scammer kang putang ina mo.” “Pinagsisihan ko na. Sana naman mapatawad mo ako.” “Patawarin kita?” umiling-iling si Echo, “Bagay ‘yan sa’yo nang madala ka na. Eto ah, payo ko lang sa’yo, kapag gusto mo ang tao dapat daanin mo sa matinong paraan hindi yung kailangan mo pang manloko. Tandaan mo, pinaglaruan mo yung damdamin ko, gago.” Tumayo ito. Napahawak sa mesa. Mukhang tinamaan na nga talaga ito sa dami ng beer na nainom niya. Tumayo si Culver para alalayan sana si Echo pero itinulak lang nito ang kamay niyang hahawak sana sa braso niya. “Huwag mo akong hawakan. Huwag ka na ding papakita sa akin ha? Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag nakita pa kita.” “Please, Echo. Huwag namang ganito. Sorry na,” tumayo siya. Pilit niyang hinawakan ang braso nito. Nakikiusap. “Sorry? Bakit, alam mo ba yung stress at sakit ng loob na ginawa mo sa akin? Yung nagpaasa ka sa wala naman talaga?” “Wala na kasi akong pera e. Kailangan namin ‘yan.” “Yung pera mo ba? Kailanga moa ng pera mo? Sorry ha, kailangan ko din kasi si Nicole e.” “Pa’no ko naman gagawin ‘yon e ako nga ‘yon.” “E ‘di akin na ang pera mo. Kasi kung madala mo sa akin yung totoong Nicole, ibabalik ko ang two thousand mo. Ano, kaya mo bang ibigay sa akin ngayon?” Naiwan siyang hindi pa din makapaniwala sa kabastusan ng taong hinangaan at minahal niya. Oo nga’t may mali siyang nagawa pero ang kuhaan pa siya ng pera at tratuhin siya ng ganoon ay isang malaking turn-off. Nanlumo siya. Hindi muna siya umalis doon. Gusto niyang isaksak sa kanyang puso at isipan na tama lang na gantihan siya ni Echo nang matapos na ang lahat ng kahibangan niya dito. Gusto niyang magalit sa ginawa ni Echo sa kanya ngunit pumapasok din sa kanyang isipan na siya din kasi talaga ang unang gumawa ng mali. Ginagantihan lang din siya. Nagbayad siya sa kahera bago siya lumabas. Nasa higit limandaan na lang ang naiwan niyang pera. Pumara siya ng trysikel at nagpahatid na lang siya sa kanilang bahay. Tahimik na ang bahay nila at patay na ang ilaw nang pumasok siya. Sinikap niyang hindi makalikha ng kahit anong ingay. Ginamit na lang niya ang flashlight ng kanyang cellphone hanggang sa nakarating siya sa kanyang kuwarto. Nagtanggal siya ng sapatos at humiga. Binuksan niya ang cellphone niya. Kahit ganoon ang ginawa sa kanya ni Echo ay kailangan pa din niyang humingi ng tawad bago niya isasara na ang bahagi na iyon ng kanyang buhay. Sobrang bigat na ng kanyang pinagdadaanan. Naghihirap na ang kanilang pamumuhay at heto siya’t panlalaki pa ang inaatupag niya imbes na gawan ng paraan ang pinagdadaanan nilang kahirapan. Nagsimula siyang mag-type ng kanyang gustong sabihin na hindi niya nasabi kay Echo ng harap-harapan. “Sorry. Sana maisip mong ginawa ko lang ang bagay na iyon dahil sobra na kitang mahal ngunit makakaasa ka na ito na ang huli kong message sa’yo. I-block na din po kita para hindi na ako makakagulo pa sa buhay mo. Gusto kong ipaalam sa’yo na yung ilang weeks na naka-chat kita, totoo lahat yung ipinaramdam ko sa’yo. Totoo yung ugali, yung pag-aalala at care na naramdaman mo sa akin. Ang hindi lang totoo sa lahat ng iyon ay ang ginamit kong litrato. Pero yung Nicole na nakausap mo, yung Nicole na minahal mo? Ako pa rin ‘yon. Minahal kita. Mahal na mahal pa din kita. Pasensiya ka na sa nangyari. Hindi na sigurado pang mauulit. Ingat na lang lagi.” Pinindot niya ang sent. Nadismaya siya. Bakit nga ba hindi niya naisip na gagawin iyon ni Echo sa kanya. Yung iblock siya? Nagtaka siya, bakit nabuksan pa din niya ang profile nito kanina? Napindot pa niya ang type a message. Ibig sabihin katatapos lang nitong i-block siya. Sinubukan niyang tignan ang f******k nito sa profile niya, friends pa din naman sila? Ibig sabihin sa messenger lang siya naka-block. Paano ba niya ipaparating ang kanyang gustong sabihin ngayon? Naisip niya ang ka-dedelete niyang account ni Nicole. Sinubukan niyang i-open uli iyon. Lumuwang ang kanyang paghinga nang nabuksan pa niya iyon. Hindi pa siya naba-block ni Echo doon kaya mabilis niyang kinopy-paste ang nauna niyang naisulat kanina. Pinindot niya ang send. Pumasok. Ilang sandali pa na-seen na ni Echo. Okey na sa kanya iyon. I-dedelete na uli niya ang account na gumulo sa kanyang buhay. Biglang may nag-pop-up na message. “Sayang, hindi ikaw siya.” Reply ni Echo. “Sorry uli.” Reply niya. “Okey lang. Iniisip ko na lang na siya ikaw muna ngayon. Gusto ko isipin na totoo ka.” “Totoo ako, yung mukha lang na ginamit ko ang hindi.” “Ngunit lalaki ka. Iyon ang pilit ko paring ipinapaunawa sa sarili ko hanggang ngayon. Gusto kong mandiri.” “Naintindihan ko.” “Pwede bang kahit ngayon lang tawagin muna kitang Nicole? Dito naman tayo nagsimula hindi ba? Baka pwedeng dito na din natin tatapusin ang lahat.” “Siguro nga, kailangan nating tapusin na din lahat dito.” “Gusto ko kasing matapos ang lahat ng kahibangan ko sa’yo na ikaw ay si Nicole pa rin at si Culver ay kapatid o kaibigan mo lang? Okey lang ba?” “Kung iyan ang makapagpapagaan sa’yo.” “Nicole, sana maisip mong hindi naman talaga ako masamang tao.” “Alam ko.” “Pasensiya ka na kanina kung kinuha ko ang pera ni Culver ha? Gusto ko kasing makabawi. Hindi ko siya kayang suntukin. Hindi ko siya kayang saktan sa paraang pambarako kaya iyon na lang ang naisip kong paraan.” “Humingi naman na siya ng pang-unawa at tawad sa’yo, hindi ba?” “Oo pero wala kasi ako makitang kahit anong pwede kong makuha na mahalaga sa kanya para maisip niya kung gaano kasakit ang mawalan. Yung akala mo iyong-iyo na, ‘yon pala, binigyan ka lang ng pag-asa sa wala. Gusto ko sana kunin lahat-lahat pati cellphone niya e, pero baka ako mademanda. Galit kaya siya sa akin?” “Bakit mo natanong?” “Kahit ganito ako, nakokonsensiya pa rin kasi ako. Hilo ako pero, alam ko lahat ang nangyari kanina at nagi-guilty din naman ako.” “Siya din naman. Humihingi daw siya ng tawad sa ginawa niya sa’yo.” “Okey na. Naiintindihan ko na siya. Pero sabihin mo sa kanya siya na lang ang mamblock sa akin sa totoong account niya para makaganti din siya sa akin.” “Ayaw mo ba siyang maging kaibigan? Willing siyang makaibigan ka. Kasi sobra ka na daw mahalaga sa kanya.” “Huwag na. Kung mahal niya ako, kailangan niyang unawain na hindi talaga kami pwede at habang magkaibigan kami at mahal pa niya ako, hinding-hindi siya makakamove-on.” “Sabagay.” “Magiging magulo lang kasi ang pagkakaibigan namin. Matutulungan ko lang siyang kalimutan ako, kung tulungan niya ang sarili niya sa paraang iwasan at kalimutan niya ako.” “Kahit daw masakit, iyon ang gagawin niya.” “Paalam na din sa’yo Nicole. Para makaganti ako, ako naman ang mamblock sa’yo dito.” “Naiintindihan kita.” “Minahal ko yung Nicole na ‘to e, pero lahat pala ay pangarap lang. Hindi totoo at hindi magkakatotoo.” “Sana balang araw, mahanap mo din ang totoo.” “Oo, di ba ibinigay ni Culver sa akin yung totoo? Bukas, susubukan ko. Sana kasing-ugali mo siya Nicole. Sana pareho kayo para naman magiging totoong masaya na ako at ipagpapasalamat ko na nakilala ka.” “Kahit pa masakit, hangad kong mangyayari sana ang pangarap mong ‘yan kay Claire.” “Okey. Bye.” “Bye po.” “Salamat at goodnight. Pahabol niya ngunit hindi na niya nasend pa iyon.   Lumuluha siya habang nagta-type siya kanina. Umiiyak sa pagkabigo. Kung sana naging babae siya, may pag-asa pa sanang maging sila talaga ni Echo. Ngunit hindi kailan magiging posible ang isang matagal nang imposible. Hindi naman talaga totoo lagi ang sinasabing “nothing is impossible.” Binuksan niya ang kanyang account at tigib ng luha ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya ang mga mga pictures ni Echo sa huling sandali. Hanggang sa tuluyan na niyang pinindot ang block. Alam at tanggap niyang iyon na ang huli nilang pag-uusap ni Echo. Isinasara na niya nag bahaging iyon ng kanyang buhay. *********************************************************** Bumangon siya. Kumuha siya ng maiinom na tubig sa ref niyang maliit. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa nabasa niya sa f******k ni Echo na papunta na siya sa Saudi. Naaalala niya kasi na ayaw nitong pumunta sa Riyadh? Anong nangyari at dito pa din pala sa Riyadh ang bagsak niya? “Tok! Tok! Tok!” Naputol ang pagbabalik tanaw niya dahil sa mga katok na iyon sa pintuan ng kanyang apartment sa Riyadh, Saudi Arabia. “Sino kaya ‘to?” napakamot siya. Tinungo niya ang pintuan. Humihikab siyang pinagbuksan ang kumakatok. “Oh, bakit?” Dumating ang pangalawang straight na minahal niya. Una si Echo at itong si Kurt na nagpasaya sa kanya at naging sandigan niya sa Riyadh. “Dinalhan kitang niluto kong caldereta.” “Nag-abala ka pa.” “Saka babayaran ko na din yung hiniram ko sa’yo nong nakaraan.” “Gusto mo bang ilibre ko na lang 'yan sa'yo? Alam mo na...,” biro niya. “Baliw. Basta ba lasingin mo ako at bilisan lang natin.” “Sigurado ka ba, seseryosohin ko kahit pagod ako ngayon." "Sige na, gabi na oh. Kunin mo na 'tong ulam mo nang makauwi na ako." " Sigurado ka bang hindi mo na kailangan ‘to? Okey lang sa akin kung may pagkakagastusan ka pang iba.” “Okey na, uutang na lang uli ako sa’yo kapag kailangan ko.” “Sige ha, magsabi ka lang.” “Heto na ang 1000 Riyals at ang tubong beef caldereta.” “Kainis ka naman.” “Bakit?” “Inagahan mo sana nang di ako nagtiis sa kabsa na binili ko sa baba. Di kasi muna ako nakakapagluto ngayon sa panay naming overtime e.” “E, di baunin mo bukas.” “Tama. Gagawin ko talaga ‘yon.” “O paano, tuloy na ako ha?” “Sige salamat sa pagdaan. Alam ko namang di mo ako sasamahan dito mamayang gabi.” “Para kang ano…” natatawang sagot ni Kurt. “Naglalandi lang ano ka ba. O siya… siya.... Alam ko namang mahal mo ako.” “Tama. Paano, salamat uli sa pagpapahiram ha? Sana makaulit.” “Anytime mahal ko.”                 Hinatid niya si Kurt sa pintuan at kumaway pa siya bago niya isinara ang pintuan.                 Binuksan niya ang pitaka niya at isiniksik niya ang dalawang 500. Napabuntong hininga siya. Pera ang dahilan kung bakit nasa Saudi siya ngayon. Ito din ang dahilan kung bakit hindi pa siya nakakauwi sa Pilipinas magmula nang dumating siya dito ilang taon na ang nakakaraan. Muli siyang humiga at ipinagpatuloy ang kanyang nahintong pagbabalik-tanaw sa nakaraan nila ni Echo. ************************************************************************ Kinabukasan nang araw nang kinunan siya ni Echo ng pera sa mumurahing club ay humingi sa kanya ng kapatid niya ng allowance nito ngunit isandaan lang ang kanyang naiabot ganoon din sa isa pa niyang kapatid. Yung sobrang pera niya iniabot niya sa mama niya pamalengke ng pagkain nila. Naluluha siya sa hirap ng kanilang buhay. Hindi na niya alam kung saan siya kukuha ng pang-maintenance ng kanyang mga magulang. Sumasakit na ang kanyang ulo. “Kumusta ang inyong meet-up kahapon? Pasasalamatan mo na ba ako sa ginawa kong set-up?” biro ng katrabaho niyang naging dahilan ng pagkabuking ng kanyang munting sikreto kay Echo. “Ayaw kong pag-usapan,” sagot niya. Dahil sa totoo lang sinusubukan niyang kalimutan na lang ang lahat. Gusto na talaga niyang mag-focus. Napakahirap na nang kanyang pinagdadaanan. Lubog pa siya sa utang. “Naku mukhang hindi naging maganda ang ending. Sabi ko naman kasi sa’yo…” “Pwede ba Darla? Tumigil ka na?” “Eto nga oh, natigil na?” humarap ito sa kanyang computer nakangisi. “Grabe, andami kong iniisip.” “Tulad ng?” ibinaba ni Darla ang salamin niya sa kanyang bibig. “Wala akong pambayad ng bills ko ngayong buwan na ‘to, baka naman…” Biglang tumayo si Darla at akmang aalis. “Tignan mo ‘to,” hinawakan niya ang braso ni Darla para pigilan. “Nagpaparinig palang ako para namang umutot ako sa bilis mong umiwas na maamoy ang binuga kong masamang hangin.” “Naku, mas masama pa sa utot ang entrada mo. Anlaki na nang hiniram mo sa akin. Hindi na kita mabibigyan ngayong buwan. Subukan mo uli mag-advance dito sa opisina.” “Wala na. Kung aadvance pa daw ako, wala na ako sasahurin.” “Anong gagawin mo?” “Hindi ko na alam. Gusto kong magbenta ng kidney o katawan.” “Kidney, delikado mahilig ka pa naman sa maaalat. Sa katawan, hmmnnnn…” tinigan niya pataas pababa si Culver, “Tama, Katawan na lang. Subukan mo sa Quezon circle, marami kang magogoyong bakla. Sa gwapo mong ‘yan mabilis ang singko-mil gabi-gabi.” “Baliw. Tingin mo gagawin ko ‘yon?” “Gurl, may pinsan akong bakla kagaya mo, gwapo, lalaking-lalaki. Hayon panay ang travel dahil lang sa mga sponsors niya. Nakatira na siya sa magarang condo na hindi siya ang nagbabayad. Sabi ko sa’yo, hindi talaga masasabing sumpa ang pagiging bakla. Kung mukha kang artista plus astig at gwapo ka, isa itong malaking blessings na kailangan ipagpasalamat.” “Gaga, alam mong di ko kayang sikmurain ‘yan. Ngayon pa?” “Well, wala naman mawawala sa’yo. Bakla ka naman e. Nasasarapan ka na, kumikita ka pa.” “Tumigil ka na nga.” “Pipilaan ka ng mga gustong magbayad na kagaya mo ding bakla. Aarte ka pa ba ba?” “Nag-aral pa ako at nagtapos kung yun lang din naman pala ang gagawin ko?” “Sabagay, pero di ba kailangan mo ng pera?” Bumuntong-hininga si Culver. Ngunit sa hirap ng pinapasan niya ngayon, hindi na niya alam kung tama bang makinig siya kay Darla. Maghapon siyang wala sa kanyang sarili. Pinag-isipan niya ang sinabi ni Darla. Lahat kasi nautangan na niya. Nagsasabi palang siya ng problema niya, tumatanggi o umiiwas na agad ang mga kaibigan at katrabaho niya. Ang hirap pala talaga ng walang-wala at wala ding matakbuhan pang iba. Matagal nang due ang kuryente nila. Baka isang araw, uuwi siyang wala na silang tubig at ilaw. Problema pa niya kung saan siya kukuha ng pampa-check up ng papa niya at maintenance na mga gamot ng mama niya. Nauna nang umalis si Darla sa kanya. Nag-oovertime na din siya kahit hindi sana kailangan dahil gusto lang niyang madagdagan sana ang kanyang sasahurin. Ngunit alam niyang kahit 24 hours pa siya sa opisina nila, hindi na kakayaning tugunan pa ang mga pangangailangan.  Maliit din lang kasi ang kanyang sinasahod. Pumasok muna siya sa CR ng office nila bago uuwi   . Nagtanggal siya ng longsleeve. Inilagay niya iyon sa kanyang backpack. Tinanggal niya ang pagkaka-tuck-in ng kanyang may kahapitang puting t-shirt. Inilabas niya ang gunting na pinangpa-trim niya sa kanyang bigote at balbas. Tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin nang na-trim na niya ang kanyang balbas at bigote. Naghilamos na muna siya at nagpunas. Hindi naman niya kailangan ng kahit anong ilalagay pa sa kanyang mukha dahil likas na siyang maputi at makinis. Kinagat-kagat niya ang kanyang labi para mamula itong muli. Hindi na siya kasing-fresh noong wala pa siyang pinagdadaanan pero dahil likas naman ang kanyang kaguwapuhan, kusang nalabas na lang din iyon. Huminga siya ng malalim. Ayaw niyang gawin ito pero kinakailangan na. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng parokyano. Pero naaalala niya, marami sa kanyang nagpapalipad hangin na hindi na lang niya pinapansin din. Marami-rami na din ang nagtatanong kung pwede ba siya ngunit lahat iyon nasa ignore at hidden chats. Hindi naman niya dapat gagawin ito ngunit wala na siyang pamimilian pa. Magugutom na ang kanyang pamilya. Sa buong buhay niya, hindi niya alam na papasukin niya ito, kung kailan nakatapos na siya at nagtatrabaho. Tumambay na muna siya sa isang fastfood habang naghahanap siya ng pwede niyang pagbentahan ng kanyang sarili sa unang pagkakataon. Kapit na lang sa patalim. Wala na siyang malalapitan pa sa mga katrabaho niya, kamag-anak at kaibigan. Nakita na niya lahat ang mga nagpaparamdam sa kanya ngunit ni isa do’n wala siyang trip. Mukhang mga bakla lahat. Ngunit pera ang kailangan niya hindi masarap na ka-s*x. I-message na niya lahat. Copy paste. Diretsuhang tanong at kung sino ang may pinakamalaking offer doon na lang siya sasama. Bahala na. Kailangan na niya agad ng pera. “Hi, availbale ako. How much kaya mo? Game ako.” Ganon lang kasimple ang tanong niya at sinend na niya sa iabt ibang tao. Mabilis na nagreply ang lahat. Yung iba mukhang walang pera. Kahit kabastusan, block na niya agad ang mga madaming tanong pero nasa malayong lugar naman. Yung iba na gusto ng relasyon, block din. Iba ang nais lang ay kalandian sa chat. Gustong makalibre. Inisa-isa niya ang mga willing magbayad. Pinili niya ang may pinakamataas ang offer three thousand isang oras. Iyon ang tinutukan niyang kausapin. Hindi na niya tinignan ang profile nito dahil paniguradong hindi din naman niya magugustuhan. Yung mga nasa ignore folder niya, lahat ng mga ‘yon hindi na pumasa sa panlasa. Naroon sila sa folder na iyon dahil lahat ng mga iyon ay rejected. “Hindi mo ba kayang dagdagan kahit 1000 pa sir?” tanong niya. Kinakapalan na niya ang kanyang mukha.” “Sige, magkita muna tayo. Saan ka ba ngayon?” “Jollibee po sa may tulay malapit ng Sogo Guadalupe.” “Hayon, malapit lang ako diyan. Message kita kung nakakuha na ako ng kwarto ha? Sunod ka na lang.” “3000 ba sir?” “Oo, mamaya na pag-usapan ang bayad na ‘yan. Matagal na kitang gusto matikman e. Ano sure ka na ba?” Huminga siya ng malalim. Hindi niya alam kung tama ba siya sa pinapasok niya. “Sige sir. Sure na po.” “Anong number mo?’ “Bakit ho?” “Tatawagan kita kapag naka check in.” Ibinigay niya ang cellphone number niya. Nanliliit siya sa kanyang sarili. Nandidiri sa kanyang gagawin ngunit kumakalam ang kanyang sikmura. Literal na kumakalam dahil hindi na siya nakapag-lunch kanina. Nakaragdag ng gutom niya ang aroma ng iba’t ibang kinakain ng kanyang katabing table. Ni hindi niya kayang umorder ng kahit anong value meal dahil 20 pesos na lang ang nasa pitaka niya. Tinitignan na nga siya ng mga naroon sa fastfood kung bakit nandoon siya ng matagal ngunit wala naman siyang inoorder. Tumayo siya. Nakaramdam siya nang hiya dahil kanina pa nakatingin sa kanya ang lalaking nakatayo na may hawak ng tray ng kanyang order ngunit walang mapagpwestuhan. “Hindi naman kakakain tatambay-tambay pa.” bulong ng lalaki nang madaanan niya ito. Sasagot pa sana siya pero totoo naman ang sinabi niya. Ayaw niyang makipag-away. Umupo siya sa hagdanan na semento sa harap ng Jollibee. Napansin niya ang isang batang nagbibilang ng pera. Mabuti pa ang batang namamalimos, may higit isang daang pisong perang hawak. Siya na Accountant at nag-oopisina, nasa bente lang ang nasa bulsa niya. Hindi niya mapigilang maawa sa kanyang sarili. Napapaluha na siya. Tatlumpong-minuto siyang naghintay hanggang sa tumunog na din sa wakas ang kanyang cellphone. “Dito na ako Room 308.” “Anong sasabihin ko sa reception ng hotel?” “Tatawagan ako ng mga ‘yan. Culver ang pangalan mo di ba?” “Opo.” “Iyon ang sasabihin mo para –iconfirm ko.” “Sige po.” Tumingin muna siya sa paligid bago tuluyang pumasok sa hotel na alam ng lahat na tirahan at pang short-time. Hindi niya inakala na isang araw papasok siya sa ganitong pagkakakitaan. Hindi niya naisip na minsan sa buhay niya ay magiging kolboy siya. Kumatok siya. Nanlalamig. Nanginginig. Kinakabahan. Nang bumukas ang pintuan ay nakita niya ang mataba, maliit, maitim at mukhang kontrabida sa pelikula na lalaki. Gusto na niyang umatras. Gusto na niyang umalis ngunit hinawakan na siya sa braso. “Pasok ka.” Nagpahila siya sa loob. Inisip niyang pera lang ang dahilan. Pipikit na lang siya mamaya. Bilisan niyang magpalabas. Kukunin niya ang pera saka siya uuwi. “Kumain ka na?” “Gutom nga po ako e.” “Gusto mong kumain muna? Ibawas ko sa ibibigay ko sa’yong 3,000?” “Ho?” “Siyempre, 3,000 lang naman ang usapan natin hindi ba?” “Pero.. huwag na lang ho kaya. Uwi na lang ho ako.” “Andito ka na eh, sandali lang to.” Niyakap siya. Halatang libog na libog na. Tinanggal niya ang nakayapos na kamay ng matandang pangit na bakla sa kanya. “Sige dagdagan ko pang 500, ano ba ang kaya mong gawin?” “Kayang gawin? Anong ibig ninyong sabihin?” “Tumitira ka ba?” Nandiri siya. “Hindi ho.” “Nagpapatira?” “Lalong hindi ho.” “E, bakit ang mahal ng singil mo? Sumusubo ka ba?” “Hindi rin ho.” “E anong kaya mong gawin?” “Wala. Magpapachupa?” “Lahat naman kayag gawin ‘yan e. Hihilatang isusubo? Ano, nagroromansa ka? “Ayaw ko ho.” “Okey, baka naman nakikipaghalikan ka sa labi, kahit ‘yon na lang para masulit ko naman ang bayad ko.” Tinignan niya ang hitsura ng kaharap niya. Hindi pa man ay naduduwala na siya. Amoy kasi niya ang amoy emburnal nitong bibig tapos makikipaglaplapan siya dito? “Hindi ko kaya.” “Naglolokohan ba tayo dito?” Tumayo siya. Tinungo niyang pintuan. Aalis na siya. Hindi na niya kinakaya pa ito. “At sa’n ka pupunta? Niloloko mo ba ako tang-ina mo!” Kinabahan siya. Mukhang masamang magalit ang nabooking niya. Hindi niya alam kung ano itong gabi-gabing pinapasok niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD