Matapos ang umabot na dalawang linggo, nakuhang makumbinse ni Francis si Hazel na umuwi ng Manila si Hazel. Hawak hawak niya ang kaniyang bag kasama si Francis papunta sa Condo ni Hazel. Ilang hakbang sa pag lalakad napansin nilang mag nag hihintay na babaeng nakatalikod sa pintuan ng unit ni Hazel. Unti unti napatigil si Francis at nawala ang ngiti ni Hazel nang makita si Jessica na kapareho niyang buntis. Napatingin si Hazel kay Francis at bumibigat ang kaniyang pag hinga. "Francis" saad ni Jessica at lumapit sakanila. "What's the meaning of this?" Bulalas nito at lumayo. "Buntis ako at ikaw ang ama." Sambit nito at napabitaw si Hazel sa sobrang pag kakagulat. Hindi nakakibo si Hazel at napatulala. "Hindi ko anak 'yan! Matino ang pag iisip ko at wala kong matandaan na binuntis kita!" Din

