Matapos ang mahigit kalahating oras na byahe huminto ang sasakyan ni Vincent sa isang malaking building. Agad siyang bumaba at baka sungitan na naman siya ng lalaki. Nang makalabas ay inilibot niya ang tingin sa paligid. "Wow, ang ganda," aniya habang pinagmamasdan ang labas ng boutique. Psyche Chic ang pangalan nito. "You want to have something like this?" Lumingon siya kay Vincent ng magsalita ito at naglalakad palapit sa kanya. Infairness sobrang gwapo ng lalaki ngayon sa suot nitong dark blue na polo, tinupi nito hanggang siko at pinaresan ng itim na jeans at boots. Mukha itong model sa billboard, idagdag pang sobrang tangkad nito. Ang kinis din ng kutis at daig pa yata siya. Kung hindi lang arrogante ang lalaki ay pwede pa siyang humanga dito. Humalukipkip siya at tiningnan itong

