Rhea Anne Peralta's P.O.V Ng mag-sawa ang mag-ama ko kakalaro ay nakatulog na kaagad si Kean. Binuhat siya ni Keefer at dinala namin siya sa kwarto niya. "Mabilis siyang nakatulog." Sabi ni Keefer habang inaayos niya ang higa ni Kean. Hinalikan naming pareho si Kean bago kami umalis ng kwarto niya. Magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto. "Rhe, can you call Christian to pick me up here?" Tanong niya. Tumango ako. "Sure, I'll call him. Sabi ko at pumasok sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay naramdaman ko ang pagsara ng pinto at ang pag-yakap ni Keefer mula sa likod ko. "I'm gonna miss you again." Bulong nito. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin at tumingin ako sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Do you want to stay here? Bukas ka na lang umuwi." Sabi ko sa kanya. Ngu

