Rhea Anne Peralta's P.O.V Pagod na pagod ang anak ko. Gabi na rin kami nakauwi sa Hotel. He's sleeping soundly. Naglaro silang dalawa ni Keefer. Sobrang naenjoy ni Kean ang presence ng kanyang ama. Gusto pa nga nitong sumama kay Keefer at doon matulog sa kaniya pero hindi ako pumayag. Hindi din naman nagpilit si Keefer. Nung tumingin siya sakin kanina bago kami maghiwalay ay kakaiba ang tingin niya, may galit akong nakita pati na rin lungkot. "Ano kayang nangyari sa Daddy mo at ganun na lang makatingin sakin?" Sabi ko sa natutulog kong anak. Napahinga na lang din ako ng malalim. Wala rin naman akong magagawa kung yun ang itawag ni Kean kay Keefer. *tok*tok*tok* Tumayo ako para pagbuksan yung kumakatok. But I was surprised to see Keefer. Seryoso siyang nakatingin sakin. Hindi ko alam pe

