Rhea Anne Peralta's P.O.V "Ano bang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Umupo siya sa higaan habang ako naman ay nakaupo sa harap ng salamin. Bago ako tumingin sa kanya ay kinalikot ko muna ang cellphone ko at binuksan ko ang recorder ng cellphone ko at hinayaan 'yon sa lamesita. Nakita kong hindi niya napansin ang ginawa ko. "Kailangan ko? Ang kailangan ko ay ipatigil ang kahibangan mo." Sabi niya. Marahas akong napatingin sa kanya. "Kahibangan? Bakit? Hindi ba ako pwede maging masaya, Kuya Gabriel?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sakin at umiling. "May karapatan ka namang sumaya pero bakit pa doon sa lalaking nakabuntis sayo. Bakit sa isang Keefer Alex Miguel pa rin?" Tanong niya na parang concern siya sakin. Hindi ko napigilang mapangisi. "Bakit? Mahal niya ako, Kuya Gabriel. Mah

