Chapter 78

2401 Words

HALOS tulog na ang lahat nang bumaba si Iris mula sa silid. Nagtaka siya nang makita ang kanyang Lola na nasa kusina. Nakaupo sa harap ng mesa at umiinom ng gatas. “‘La, anong oras pa ‘to? Bakit gising ka pa rin?” tanong niya. “Hindi ako makatulog.” Lumapit siya at naupo sa kaagapay na bakanteng silya. “Ikaw? Bakit gising ka pa?” tanong nito. “Kukuha lang po sana ako ng tubig. Hindi pa rin po ako inaantok.” “Apo, iyong tungkol sa inyo ng boyfriend mo. Totoo ba na ikakasal na kayo?” “Opo, Lola. Kaya ako naparito para ibalita sa inyo ‘yon.” Malungkot itong ngumiti pagkatapos ay hinawakan siya sa dalawang kamay. “Talaga bang mag-aasawa ka na?” “Opo.” “Mahal mo ba siya?” “Sobra po.” Bumuntong-hininga ito. “Apo, maaari ba akong humiling sa’yo?” “Sige po, ‘La. Ano ‘yo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD