KABANATA 36

1887 Words

IKA-ISA NG NOBYEMBRE ITO NA ANG araw ng misyon ko. Ang araw nang pagpunta ko sa gitnang dimensiyon para harapin ang itim na multong si Emelia upang kunin sa kanya ang bulaklak ng sunflower na lunas sa sumpa. Ito na ang araw na magtatakda ng kapalaran namin ni Sunshine. Araw na walang nakakaalam kung aayon ba sa amin ang tadhana. O tulad sa nakaraan na muling mamamagitan sa amin ang kamatayan. Hinagkan ko ang labi ni Sunshine bago ko siya buhatin palabas ng aming silid. Taiimtim din muna akong nagdasal hawak ang kanyang kamay. Humingi ako ng gabay sa Diyos at sa aming mga magulang. Sa sala, magkatabi kaming nakahiga sa sahig ni Sunshine sa gitna ng bilog na proteksiyon sa aming katawan na ‘di mapasok ng sino mang multo. Hinawakan ko ang kamay ni Sunshine. At muli akong nanalangin sa Diyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD