KABANATA 9

1672 Words

NAGPASALAMAT SI SUNSHINE sa ginawa ko. Napakasaya niya na maranasan ang maligo sa ulan. Kaya nga hindi niya napigilang yakapin ako. Iyon lang pala ‘yun? Uminom ako ng kape pagkabihis ko matapos naming maligo. Si Sunshine, nawala ang pagiging basa niya nang bitiwan ko siya. Hindi na niya hiniling pa na sabayan ako sa pag-inom ng kape. Napansin niya siguro ang panghihina ng katawan ko. Kinagabihan, kahit na nakapagpahinga na ako at nakakain, nakatulog pa rin ako kaagad dahil pagod na pagod pa rin ang pakiramdam ko. Katabi ko si Sunshine pero hindi na niya pinahawakan ang kamay niya. Babantayan na lang daw niya akong matulog. Hindi na lang namin sinilip ang mga multong umuungol sa labas ng bahay. Parang parte na sila ng gabi namin, kawerdohang sound trip hanggang makatulog.                  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD