FELICITY
Matapos magkulitan ng dalawa sa kama ay sabay din silang bumagsak sa mahimbing na tulog.
Parang nanibago ata ako na tatlo kami sa kama at hindi ako makatulog. Pinagitnaan namin ni Calib si Bliss. Ewan ko ba at kanina pa ako papalit palit ng posisyon ko ngunit tila hindi ako dinadalaw ng antok ngayon. Ang dami ko tuloy iniisip.
Napabuntong hininga ako bahagyang tumayo ng kama. Lumabas na rin muna ako ng kwarto at nagtungo sa kusina.
Kumuha ako ng gatas sa refrigerator nang biglang sumulpot nalang sa harapan ko si Itchen na siyang ikinagulat ko at muntik ko pang mabitawan ang hawak kong baso.
"Anak ng tikbalang naman Itchen. Papatayin mo ata ako sa takot eh." Saad ko dito at napapakamot nalang ako sa ulo ko kahit hindi naman makati.
"Pasensya na. Hindi lang ako makatulog." Tugon naman nito at kumuha na rin ng gatas sa refrigerator.
"Ako din." Saad ko din.
"Bakit naman?" He asked.
"Hmm... siguro nanibago lang ako kasi nga kasama ko si Calib sa kwarto." Medyo nahihiya pang sabi ko. "Eh ikaw? Bakit hindi ka makatulog?" Tanong ko din rito.
"I'm just... thinking about you." Napakunot naman ang noo ko sa sagot nito.
"Huh? Bakit?" Nagtataka kong tanong ulit.
"Wala naman. Forget about it. Just don't mind me." Iling nito.
"Okay." Napatango naman ako.
Hindi kaya affected siya sa paglipat ko sa kwarto ni Calib? Hay, ayokong maging awkward ang sitwasyon namin so I'd better not to think about it.
"Kilala mo ba si Lara?" Marahan kong tanong dito.
"Of course." Mabilis niyang tugon.
Nagdadalawang isip ako kung magtatanong ba ako kay Itchen tungkol sa babaeng 'yon. Gusto ko sanang malaman ang tungkol sa kanila ni Calib noon. Gusto ko nga sanang itanong 'yon kay Calib kanina kaso naging busy naman siya kakalaro kay Bliss.
"We've known each other since Kindergarten." Kwento ni Itchen at napatango lang ako.
So they're childhood friends...
"Six years ago ay ikakasal na dapat sila but suddenly Lara just run away at their wedding day."
Bahagyang akong napasingap sa sinabi ni Itchen. That was so painful. Yeah, sa tingin ko mas masakit pa nga 'yon kumpara sa ginawa sa akin ni Itchen. Masakit pa 'yon kasi sa mismong araw ba naman ng kasal niyo di ba?
Ganoon pa man, no one deserves to be left hanging alone dahil masakit ang maiwan sa ere at masakit din ang kumapit ng mag-isa sa relasyon na dapat dalawa kayo ang lumalaban.
Bakit may mga tao talagang bigla nalang nang-iiwan tapos bigla ding babalik kung kelan tapos ka nang masaktan? Hindi ko naman sinasabing si Itchen at Lara 'to pero parang gano'n na nga.
"Bakit siya umalis?" Usisa ko.
"Walang nakakaalam dahil bigla nalang siya naglaho na parang bula matapos ang araw na 'yon." Tugon niya habang nakatitig sa kawalan.
"Oh~" nasambit ko nalang at napailing pa ako.
"Good night elay." Ani Itchen at bigla niya akong hinalikan sa noo tsaka naglakad palayo.
Napahinga ako ng malalim dahil sa ginawa niya. Nagulat lang ako. Alam ko namang normal lang sa kanya 'yon dahil likas na ipinanganak siyang gentleman. Itchen is somewhat soft, gentle, and cold. While Calib is harsh, possessive, and hot. Medyo opposite din silang magkapatid.
Bahagya akong napaupo sa upuan na malapit sa pool. Parang gusto ko lang muna mapag-isa dahil maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.
So I guess, six years ago was the worst year ever. Calib was dumped by Lara during their wedding day and I was rapped by unknown person. But on the other hand, there's still a good thing happened because of those incidents.
Una, hindi magiging kami ni Calib ngayon kung natuloy ang kasal nila. Pangalawa, hindi ako magkakaroon ng isang Bliss kung hindi ako nagahasa.
At may isang bagay kaming magkakapareho ni Calib. At 'yon ay pareho kaming iniwan sa ere ng taong mahal namin nang hindi alam ang dahilan. Ang kaibahan lang ay maayos na kami ngayon ni Itchen at matagal ko na siyang napatawad.
Napapaisip din tuloy ako. May sama pa rin kaya ng loob si Calib kay Lara? Or worst, may nararamdaman pa kayang pagmamahal si Calib kay Lara?
"Hay... Felicity." I muttered to may self at napailing nanaman ako. Mababaliw na ako sa mga pinag-iisip ko.
Napahawak ako sa buhok ko nang bigla nalang nabasag ang hawak kong baso.
Namilog ang mga mata ko nang makita kong may palasong nakadikit sa pader na kung saan malapit sa akin at sa tingin ko ay 'yon ang dahilan kong bakit nabasag 'yong basa sa tabi ko.
Agad akong naging alerto at natitiyak kong may ibang tao sa paligid.
Madilim ang paligid at tanging maliliit nalang na ilaw ang nakabukas.
Isang palaso muli ang namataan ko at agad din naman akong nakailag.
Nang makita ko kung saan ito nanggagaling ay mabilis ko itong hinabol bago pa siya makawala.
Nahawakan ko siya braso ngunit magaling siya sa martial art kaya naman napalaban ako sa kanya gamit ang kung fu.
Tanging sarili ko lang ang naging sandata ko dahil wala ni isang armas ang nakadikit sa katawan ko ngayon dahil hindi ko naman inakala na kahit dito sa loob mismo ng Heaven's Gate ay may nakakapasok na kalaban.
Magaling siyang umilag sa mga hataw ko kaya hindi ko siya mahuli-huli.
Hindi ko rin siya makilala dahil balot ang buong katawan ang mukha niya na tila ba isa siyang ninja na may dalang pana.
"Ah!" Napahiyaw ako nang tumama ang suntok niya sa sikmura ko dahilan upang bahagya akong manghina at napasandal ako sa pader.
"Sino ka?" Tanong ko dito ngunit hindi ito nagsalita. Lumapit siya sa akin at sinakal ako habang unti-unti akong inaangat at tila ba may balak talaga siyang patayin ako. Ang lakas niya at nakakaya niya akong i-angat gamit ang isang kamay lamang.
Ramdam ko ang pagkapos ng hininga ko ngunit napasulyap ako sa may gilid at nakita ko 'yong nakadikit na palaso na bumasag kanina sa baso.
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Mabilis ko itong inabot at itinarak sa ibabaw ng balikat nito na siyang dahilan upang mabitawan niya ako.
Bago pa man ako makatayo ay bigla nalang siya naglaho sa paningin ko. Hinanap ko siya sa paligid ngunit mukhang nakatakas na siya.
Napatingin ako sa sahig. May ilang bakas ng dugo ang naiwan niya. Sinundan ko ang bakas na iniwan niya ngunit nawala ito malapit kung saan ang dating kwarto namin ni Bliss.
Sa kwarto ni Lara...
Marahan kong binuksan ang pinto ng kwarto. Nakabukas ang lampshade nito at nakita kong mahimbing nang natutulog si Lara. Nakasuot siya ng damit pangtulog at tila nasa kasarapan na ito ng tulog niya.
Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto. Wala namang kakaiba maliban sa bukas ang bintana nito. Hindi kaya sa bintana dumaan ang ninja killer na gustong pumatay sa akin? Ngunit sino naman kaya? Bakit gusto niya akong patayin? Hindi kaya... kumalat na sa buong underground society ang totoo kong pagkatao? Na anak ako ng pinuno ng Pentagon?
To be Continued...
A/N: Ano sa tingin niyo? VOTE AND COMMENT ^^