K36

1147 Words
FELICITY Napakapit ako kay Bliss at Calib dahil sa kaba. Pakiramdam ko ay katapusan na nang pag-iibigan namin ni Calib. Nagsisimula palang kami ngunit ito mukhang matatapos na. Bahagya naman akong napalunok ng sarili kong laway nang tumingin sa akin ang ina ni Calib matapos niyang makita ang resulta. Lalo akong nagpigil ng hininga nang naglakad ito palapit sa amin. Hindi naman ako natatakot sa kanya ngunit ang ikinakatakot ay baka hindi matuloy ang kasal namin ni Calib dahil lang sa deal. "The result is positive." Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito at napatingin ako kay Calib. Kumindat lang ito sa akin.  Anong ginawa niya? Dinaya niya ang mama niya? "Tulad ng sinabi ko ay irerespeto ko ang kasal niyo kapag nalaman kong anak nga ni Calib si Bliss." Saad nito at mukhang ang aliwalas bigla ng mukha nito.  "Mommy?" Tawag sa akin ni Bliss kaya napayuko naman ako upang pumantay sa kanya. "Ano pong sinasabi niya? Si Mister Daddy po talaga ang real daddy ko?" Bulong nito sa akin. "Well, for now isipin mo nalang na muna na ganoon nga kasi magiging Daddy mo din naman siya diba?" Bulong ko din. "Okay po." Tango ni Bliss.  "Okay then, simula ngayon Lara will be out from this house." Giit pa nito na siyang ikinanlumo ni Lara. "Pero bakit? Hindi pwede!" Kontra ni Lara. "You'll be out. You have no choice." Diretsang sabi naman ng ina ni Calib. Napasimangot nalang si Lara dahil wala naman na siyang ibang choice kung hindi ang umalis.  "I'll take my grandson." Napakunot naman ang noo ko nang dahil sa sinabi nito. "What do you mean mom?" Ani Calib. "We'll go on shopping." Tila nagdalawang isip ako sa sinabi nito at baka hindi niya na ibalik sa akin ang anak ko. "Don't worry my dear, ibabalik ko din naman siya agad. Mga... bukas." Malambing na saad nito sa akin at tila bigla naman akong nakaamoy ng kaplastikan. Hindi bagay sa kanya ang maging malambing. "Hi Bliss, I'm your grandmother. My name is Olivia Jacinto and you can just call me mommyla." Pagpapakilala nito kay Bliss. "Hello mommyla." Kaway naman ni Bliss dito. "Let's go on shopping? I can buy a lot of toys for you."  Napatingin si Bliss sa akin at kay Calib.  "Mabait ka na po ba? Coz the last time I saw you... you're hurting my mom. I'm just thinking of... you might hurt me too." Ani Bliss.  Ang talino talaga ng anak ko. Papayag na akong isama siya ni Olivia basta ibabalik niyang buo ang anak ko. "I'm sorry for that Bliss. I'm your mommyla, of course I can't hurt you." Lambing nito kay Bliss. "Mommy... Daddy? Can I go with her?" Paalam ni Bliss sa amin. Mukhang tuluyan na ngang naging Daddy ang tawag niya kay Calib. "Okay fine." Tugon ko. "Sure kiddo." Tugon naman ni Calib. Hanggang ngayon ba naman 'kiddo' pa rin ang tawag niya sa anak niya. Este... anak-anakan? "Mom magsama ka ng body guards. I won't forgive you kapag may nangyari sa anak ko." Paalala ni Calib. Tatay na tatay ang datingan ah. "Bye mommy, Bye daddy, bye lolo, bye  tito Itchen and Zayne, and bye Lara." Paalam niya sa aming lahat tsaka sila tuluyang umalis. "Felicity, magpapaalam na din muna ako sa'yo." Ani naman ni papa. "Huh? Bakit papa? Aalis ka nanaman?" Sunod-sunod na tanong ko. "Of course, I can't stay here. Wag kang mag-alala at hindi naman na kita pagtataguan muli." Saad nito. "Promise?" Paninigurado ko at baka magtago nanaman siya ulit. "Pangako." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinambit niya. "Sige po. Mag-iingat kayo papa."  Napayakap ako dito bago siya tuluyang umalis.  At ngayon ay lima nalang kaming nandirito maliban sa mga tauhan ng Heaven's Gate. "Pajama party?" Ani Zayne. "Parang gusto ko yan." Pagsang-ayon ni Itchen. "Can I still join?" Ani Lara. "Sure." Tugon ni Zayne.  Ang sarap lukutin ng mukha ni Zayne. Bakit isinama pa niya si Lara? Hmp! "I guess the master have no choice at all. Okay then, let's all prepare for the food and other stuffs." Pagsang-ayon naman ni Calib at napangiti sa akin. Pakiramdam ko ay bumababa 'yong suot kong salawal nang nginitian niya ako. Hindi ko lubos maisip na ang isang devil na tulad ni Calib ay ngingitian ako ng sobrang tamis at walang halong kalokohan. "Kayong tatlo, kayo mag-ayos dito at kami naman ni Felicity ang pupunta sa store." Saad niyang muli. "Are you sure? Baka naman mapapa-trouble nanaman kayo niyan." Sambit naman ni Zayne. "Agree. Mas mabuting manatili nalang  muna si Felicity dito." Ani Itchen. "Bakit si Felicity? Ano bang meron sa babaeng yan? Si Calib dapat ang manatili at hindi Felicity." Sabad naman ni Lara. Hindi niya nga pala alam na anak ako ng pinuno ng Pentagon at mas mabuting hindi niya na malaman pa. "Relax, she's with me. Walang mangyayari sa kanya as long she's with me." Tila natunaw naman ang puso ko sa sinabi nito. "Magbibihis lang ako." Bulong nito sa akin tsaka nagtungo sa kwarto niya. "Lara! Tara na sa kusina." Akybay ni Zayne dito at kinaladkad na ito palayo.  "Ingat kayo." Ani Itchen sa akin then flipped my hair. Tila bigla may hangin naman na dumaan sa amin nang gawin ni Itchen sa akin 'yon.  I just remember the old days. Kilig na kilig ako noon every time he flipped my hair, he tapped head, and so on. Maraming nagbago sa kanya ngunit nanatili pa rin naman pala 'yong charm niya. "Ehem!"  Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Calib pala. I mean si Laures. Yeah, nagpalit siya ng pagkatao at naging Laures naman siya ngayon. "Pwede ba akong sumama?" Tanong ni Itchen kay Laures at nagulat nalang ako dahil bigla niya akong inakbayan. "Do you want me to kill you?" Masungit nitong tugon sa kapatid niya tsaka ako hinatak papunta sa kanya. Si Laures ang hitsura niya ngunit he's acting as Calib at mukha na siyang papatay ng kadugo dahil sa selos.  "Are you jealous? We're just friends." Natatawang giit ni Itchen at mukhang pinagti-tripan niya ang kuya niya. "Just shut your f*cking mouth up. Get out of my sight!" Giit niyang muli. "Bye elay. Ingat ka." Kaway sa akin ni Itchen. "Bye." Kaway ko din dito ngunit natigilan ako sa pagkaway nang maramdaman ko ang matalas na tingin ni Calib sa akin.  "Let's go?" I awkwardly smile at him kahit pa ang talas ng tingin niya. "Maypa-kaway kaway ka pa dyan." He murmured. "Kumaway lang naman ah." Tugon ko. "Kahit na!"  "Ikaw nga maypa-halik halik pa kayo ni Lara eh." Ganti ko. "Iba naman 'yon." Katwiran niya. "Talagang iba ang kaway sa halik." Simangot ko dito. "Ewan ko sa'yo!" Iling niya. Teka nga, bakit ba kami nag-aaway ng ganito? Para naman kaming mga bata. To be Continued... A/N: Abangan ang mangyayari sa pajama party. Kasiyahan nga ba ang magaganap? VOTE AND COMMENT ^^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD