FELICITY "Magandang araw sa'yo pinuno." Dinig ko mula sa labas. Mukhang nandito na ang sinasabing 'master' ni Lara. Pagbukas ng pinto ay namilog ang mga mata ko sa tumambad sa akin. "Hello... Felicity." Mataray nitong sabi. Gusto ko siyang sakmalin kaso hindi ako makagalaw dahil nakagapos ang katawan ko. "Ahhh!" Napahiyaw ako nang bigla niyang tinanggal ang duct tape sa bibig ko. "Anong ibig sabihin nito Olivia? Nasaan ang anak ko?!" Bulyaw ko. "Relax... your son is good hands. Sa ngayon, nasa mabuti siyang kalagayan ngunit hindi ko lang alam kung ganoon pa rin kaya bukas." Pananakot nito. "Wag na wag mong sasaktan ang anak ko!" Mariing sabi ko. *PAK* Isang malutong na sampal ang natanggap ko. "How dare you! Ginamit mo pa ang anak mo para lang mapakasalan mo si Calib? Sa ting

