LARA "Mommyyy I missed you." Akap nito sa akin nang makita ako. I just rolled my eyes. Ang drama niya. "Mommy namiss mo po ba ako?" She asked. "Of course." Tugon ko then gave her a half smile. Kahit kailan talaga ay hindi ako nagkaroon ng amor sa batang ito. Kung hindi lang siya mahalaga sa mga Jacinto ay matagal ko na siyang ipinamigay. Sinira lang naman ng batang ito ang pangarap ko. "Mommy kailan ko po makikilala ang Daddy ko?" Nakangising tanong nito. Argh! Naiinis nanaman ako sa kanya at ang dami niyang tanong. "Soon but for now let me take a rest first. I'm tired." Saad ko tsaka pumasok na sa loob ng bahay. "Kamukha ko po ba siya mommy? Namiss niya rin po ba ako?" Argh! "Serine! I said let me take a rest okay?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili nang dahil sa kakulita

