Finale

902 Words
#AngPagsilangNgIsangAnghel Lumipas ang walong buwan at kabuwanan na ni Azi. Ang laki na ng kaniyang tiyan. Hindi niya rin nakaliligtaang pumunta sa inerekomendang doktor ni Doktor Mendez na si Doktora Asuncion. Noong pitong buwan na ang kaniyang  tiyan ay in-ultrasound siya at nalaman niyang isang anghel na lalaki ang anak niya. Iba ang pakiramdam niya parang may umusbong na bagong pag asa sa kanyang loob. Isang gabi malakas ang ulan at nasa kalagitnaan na ng gabi biglang sumakit ang kaniyang tiyan. Nasisiguro niyang manganganak na siya. Nakarating sila sa ospital ng walang nangyari dahil pinahiram sila ng kapitan. Pagkarating sa ospital ay isinalang na siya sa ospital at tinawagan na ang kaniyang doktor. Alas dose pasado ng ipinanganak ang anghel ni Azi. Oktubre a-singko ngayon di ang kaarawan ni Leo. Hindi pa rin maikubli ni Azi ang nararamdaman niya para kay Leo mahal na mahal niya pa rin talaga ang binata. Ang pangalan ng kaniyang anghel ay Lezi Anthony Rozel Villavicenso. Makaraan lamang ang ilang araw at umuwi na rin sila. Si Manang Selya at Anton ang umantabay kay Azi. Natuwa naman si Anton dahil sinunod ko ang pangalan niya kay Lezi. #AngMulingPagkikita Makalipas lamang ang ilang buwan at lumalaki na rin si Lezi. Hinihele niya ang bata sa kaniyang mga bisig dahil kakatapos lamang ni Lezi dumodo. Nakatulog naman ito kung kaya't nilagay niya na ito sa kuna. Bigla namang may kumatok sa kanilang pinto. Pahbukas niya ng pinto nasilayan niya ang pinakagwapong lalaki sa buhay niya. Si Leo. Hindi namalayan ni Azi na umiiyak na pala siya. Hindisa sakit kundi sa sobrang galak. Pinatuloy niya ito sa loob nakita niya ang bata. "Azi patawarin mo ako kung nawala ako ng ilang taon" paghihingi ng tawad ni Leo "Sa tingin mo ba Leo ganun kadali para sa akin na patawarin kita?!...Niloko mo ko ni hindi mo nga kami inalala at inalam kung okay lang ba kami pinabayaan mo ko" umiiyak na turan ni Azi "Ng dahil sayo namatay si nanay tinulungan niya ako para tumakas sa bahay para palayain na ako sa masasamang kamay ni Papa" halos hindi na siya makahinga dahil sa sobrang sikip ng dibdib. Inalo naman siya ni Leo at niyapos. "Patawarin mo ako wala akong alam non, nilasing nila ako, nilagyan nila ng droga ang iniinom ko kaya't nakatulog ako paggising ko may kasama na akong babae... at napag alaman kong ang ama mo ang may pakana non" mahabang pagpapaliwanag ni Leo. Hindi pala siya niloko ni Leo. Kagagawan lahat iyon ng demonyo niyang ama. "Bakit pinabayaan mo kami?" tanong niya rito habang nagbabadya nanamang bumagsak ang mga luha niya. "Hindi ko kayo pinabayaan nagtalaga ako ng  pribadong imbestigador para ipahanap ka. Nahanap ka namin. Noong nahanap kita sinubaybayan ko rin ang pagbubuntis mo" nagulat naman si Azi sa sinabi niya kaya lumaki ang mga mata niya. "Oo, pati ang pagbubuntis mo sinagot ko lahat ng gastusin ang mga perang nagamit nyo tulong ko iyon" pagtutuloy niya, nagulat naman si Azi umusbong  naman ang isang galit sa dibdib niya "Sinubaybayan mo pala bakit hindi mo kami nilapitan? Bakit hindi ka man lang nagpakita sa akin?" umiiyak na sigaw ni Azi kung kaya't nagising ang bata. Kinuha niya ito at hinele. Makalipas lamang ang ilang minuta ay nakatulog na rin ang bata. Sinipat ni Leo ang bata. "Anong pangalan niya?" nakangiti niyang tanong "Lezi Anthony Rozel Villavicenso" nakangiting sabi ni Azi. "Maari ko ba siyang hawakan" tanong ni Leo hindi naman nagdawang isip si  Azi at binigay niya ang bata kay Leo. Ng nasa bisig na ni Leo si Lezi ay hinagkan niya ito at bigla siyang napaiyak "para kang buang bakit ka naiyak?" tanong ni Azi. "Masaya lang ako kasi magkakasama na tayo" masayang sabi nito habang umiiyak niyapos naman aiya ni Azi. "Maraming salamat at di mo ko tinanggalan ng karapatan sa anak natin" nakangiting sabi ni Leo "Magsimula ngayon hindi na tayo maghihiwalay pa sasama na kayo sa akin sa bahay at eksayted na si Mama at Papa na makita nila ang apo nila" nakangiting sabi nito nabigla naman si Azi sa sinabi niya "oo alam nila sila ang tumulong sa akin para mahanap at matulungan ko kayo" nakangiting sabi ko kaya naman niyapos ko na lang siya napakasaya na ng pamilya niya dahil buo na ito. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . #MakalipasAngPitongTaon "Anak wag ka ngang malikot dyan halika na kakain tayo" sabi ni Azi kay Lezi kasalukuyang nasa hardin sila at naghahanda ng almusal " Anak tawagin mo na si mamita at papita mo sabihin mo kakain na tayo" utos ng kaniyang ama. Tumalima naman ang bata ngunit paparating na pala sila pababa na sila sa hagdan. "Magandang umaga apo" bati ng mag asawa sa bata. Hinalikan naman sila ng  bata. "Mama kain na po tayo" pag aya ng mag asawang Azi at Leo. Tumalima naman sila at masayang kumain ng almusal. Napakaraming pagsubok ang dinaan nila. Pero sila pa rin hanggang ngayon masasabi nilang hindi sila para sa isa't isat ngayon pero sa huli sila pa rin . Ang mga pagsubok na dumarating sa buhay ay siyang sumusubok at humuhubog sa inyong kakayahan upang maging matatag at malakas ang pag harap mo sa mundo. Ang kwento nila  Azi at Leo ay Not A Love Story dahil ito ay TRUE LOVE na siyang laging maghahari sa mga puso ng bawat tao. . . . . . . . . . . . . . . . Naging matatag ang pagsasama ni Azi ay Leo mayroon na silang anim na anak at lahat ng iyon ay galing sa sinapupunan ni Azi. At sila'y namumuhay ng payapa at matiwasay. . . . . . . . WAKAS..... Salamat sa inyo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD