Kharis Elara's Pov "Ms. Elara, would you like to wear this beige colored bohemian dress or this knee-length lace-like black dress?" Iminulat ko ang aking mata. Mula sa repleksyon ng salamin na nasa dresser ay tiningnan ko ang stylist na ipinadala ni Mamoo rito sa bahay para tulungan akong mag-ayos ng sarili para sa party mamaya. Tumigil ako saglit sa ginagawang paglalagay ng bronzer sa 'king cheek bone saka pumihit nang tuluyan paharap sa kanila. Natulala ako sa dalawang dress na hawak-hawak n'ya at habang tumatagal na nakatingin ako roon ay mas lalo pa 'kong nahirapang pumili. Lumapit ito sa 'kin para iabot ang mga 'yon ngunit hindi ko kaagad ito nakuhang tanggapin. I sighed and closed my eyes out of frustration, pakiramdam ko'y hindi bagay sa 'kin ang kahit na ano sa dalawang damit

