Kharis Elara's Pov "Kharis." Jupiter took an abrupt step and turned to look at me. Nakakunot na ang kaniyang noo nang bumaling ako sa kaniya animo'y iritable na naman s'ya. Mabilis ko siyang tinaasan ng kilay. "Hmm?" I muttered as I shifted my gaze to the piece of paper bag I am holding. Narinig ko siyang bumuntong hininga, napakalalim non na para bang may kung anong bagay ang sobrang pumufrustrate sa kaniya. "Saan mo gusto kumain?" tanong n'ya sa 'kin. Now that he mention it, I started to feel hungry. Iginila ko ang paningin sa paligid para humanap ng masarap na makakainan. "Gusto ko ng pizza at milk tea," sambit ko. He arched his brow at my statement. Luminga-linga rin s'ya sa paligid hanggang sa matagpuan ng mata n'ya ang isang Italian restaurant. "Kakakain lang natin ng pizza kag

