Kharis Elara's Pov "Don't tell me you're mad at me for that?" Inirapan pa ko ni Brittanica pagkaahon nito mula sa pool. Maagap na iniabot sa kaniya ng isa naming katulong ang kulay puting towel na kaagad nitong ginamit bilang pantuyo sa kaniyang katawan. "Of course not, maliit na bagay lang 'yon, hindi mo naman 'yon sinadya 'di ba?" may diin sa bawat salitang tanong ko sa kaniya. I saw her gulped and drink her juice before she darted her eyes back on me. Ngumiti s'ya saka naupo na sa lounger. "S'yempre hindi," she blurted out and forced a laugh, napatango-tango ako at ngumiti lang din sa kaniya. Sumandal na rin ako sa lounger saka ibinalik ang sunglasses sa 'king mga mata. "That's good then, hindi ko pa naman gusto na maging magkaaway tayo Britt, you know I can easily raise hell to

