"Nagkabalikan na ba sila?" Tanong sila ng tanong sa akin tungkol kay Angel at Jonas. Aanong malay ko pagkatapos nung dinner namin nung nakaraan ay hindi na kami nagkasama. Nagkibit balikat ako. "Hindi pa ba natauhan si Davon? Ibang klase din tibay ng puso niya" sabi ni Maximo sa gilid. Nandito nga pala kami sa "Ayces Sweets" isang pastry shop na business ng pamilya nila Autumn. Hinihintay namin sina Jonas at sina Alon. Nakakahiya mang sabihin pero ibibigay kasi 'yung invitation ko para sa party na gaganapin na next next week na inorganize ng pamilya Montecillo para saakin. Naibigay ko na din kasi kina Liza iyong kanila. "Alam mo Maximo hindi mo maiintindihan 'yung pagmamahal ni Jonas 'coz youre not capable of loving" sabi ni David. "Salamat sa suporta pre ah!" Sumbat naman ni Maximo.

