Pagkatapos nung mga oras na sinabi ni Adam ang mga katagang "She is back" ay hindi na ulit nagpakita sa amin si Jonas, hindi ko siya nakikita sa school at tila tumahimik ang ilan sa amin. Natatakot naman akong tanungin kung sino ang dumating. "You're here" Napalingon ako kay Alon na umupo sa tabi ko. "Kanina ka pa namin hinahanap andito ka lang pala sa rooftop" "Nagbabakasakali lang ako na baka andito si Jonas, kanina ko pa kasi siya hinahap hindi siya nagpapakita kahit nung lunes pa" "Jonas? E nasa baba siya kanina e" Nagulat naman ako sakanyang sinabi, kanina ko pa kasi siya hinahanap talaga. "Talaga? Sige Alon puntahan ko lang" Tatayo na sana ako ngunit pinigilan niya ako na parang sinasabing bad idea na pumunta ako dun. "Kung ako sayo, huwag na muna Clair, I mean he's upset an

