Balik school na at nakakasakit isipin na monday na naman, ang hirap bumangon at ang hirap dumilat sa totoo lang kung estudyante ka talaga mararamdaman mo 'to at gugustuhin na lamang na matulog at lumiban sa klase pero para sa isang gaya kong scholar ay walang ganyan. Pinakiusap ko kina mommy na huwag ng ipatanggal ang pangalan ko sa scholars para may motivation ako. "Ate Clair, asan sina Ella?" Andito kami sa canteen. "Papunta palang sila dito eh, ang alam ko may klase pa kasi sila kanina" "Alam na ba nila ate?" Nilingon ko si Autumn na kanina pa ngumunguya. "Hindi pa pero one of this days siguro, kaibigan ko din naman sila and siguro dapat din nilang malaman" Tumango tango silang lahat, hindi namin kasama sina Alon ngayon dahil may klase pa sila, and speaking ofAlon, dapat ko na rin

