Ilang linggo na ang nakakalipas ay tinantanan na ako ni Jonas, noong mga nakaraang linggo kasi ay feeling ko papatayin na niya ako. Hindi naman niya ako ginugulo na parang sinisigawan pero kapag nasa canteen, nagkakasalubong o nagpapangabot sa gymnasium ay pinapatay niya ako sa titig niyang matatalim na parang pinapahiwatig niyang ayaw niya akong makita at nasisira ko lang ang araw niya sa tuwing nakikita niya ako. Ngunit nagsawa din siya dahil kahit nakakasalubong kami ay hindi na niya ako pinapansin. Its a good thing dahil isang sumpa atang matuturing kapag pinansin ka ng isang Jonas Damon Loyola.
Kapag pinansin ka niya ay dalawa lang 'yan! Either kakilala ka niya at kabarkada o pinansin ka niya para mapaginitan. Ang sabi sa akin ni Jewel, minsan bukod daw sa broken family ay iniwan din siya noon ng girlfriend niya nang walang dahilan.
"Clair!!!" Malayo palang ay sumisigaw na itong si Jewel na akala mo eh may sunog, napapailing nalang ako at natatawa sa asta niya.
"okay Jewel kalma! Hinga tayo" Sabi ko sa kaniya nang nakarating siya sa kinaroroonan ko. Mukha na kasi siyang basang basa ng pawis .
"Hay kapagod! Anyway birthday ko na next month kailangan pumunta ka huh? 6pm sharp susunduin ka ni kuya Yvo sa apartment niyo. I will not accept no as an answer sige text nalang kita may klase pako bye and oh wait, you can bring your friends"
Tignan mo 'yun hindi nako pinagsalita.Next month pa 'yun matagal pa. Cclose na kami ni Jewel pati na rin 'yung ibang Montecillo lalo na 'yung girls madalas kasama namin sila nila Liza pag lunch pag nagpapangabot kami. 6:30 pa ang huling klase ko sa araw na 'to at hindi ko na kaklase sina Liza dahil nasaraduhan ako dati sa isang slot sa oras nila kaya andito ako ngayon kasama ng ibang course pero para sa lahat ay maaga pa ang 6:30. Kadalasan kasi 8:30 ang pinaka late na klase dito sa university na 'to kaya pag ganitong 6:30 palang ay madami pang tao at bukas pa halos ang canteen at lahat ng building dito.
Pauwi nako at dumaan ako dito sa may parking lot ng university dahil mas maliwanag dito. Habang katext ko si Jewel dahil sa sinasabi niya birthday niya nakakapulubi tuloy bibili pako ng regalo sa kanya eh wala akong maisip dahil halos lata lahat ay na sakanya na.
Jewel: Basta huh? You'll come! At saka ipapakilala kita sa parents ko at kay tita Alysa 'yung sinasabi ko sa'yong kamukha mong tita ko :)
Isa pa 'to binanggit kasi niya minsan na kamukha ko daw 'yung tita niyang chinese. Singkit din kasi ako kaunti, well namana ko 'yun kay nanay dahil may pagka singkit din 'yun. Ang isa sa mga singkit sa knila ay si Cyan dahil koreana ang nanay, si Jewel ay Australian ang nanay. Halos lahat silang magpipinsan ay may lahi. Ang magkakapatid daw na mga tatay nila ang pure Filipino samatalang ang mga nanay nila ay ang mga may lahi talaga! .
Ako: Oo na! Pupunta na ako pero baka ma out of place ako dun kasi alam mo na puro rich kids naman ang dadalo eh hamak na sampid ako dun ;D
Hindi na siya nagreply kaya nilagay ko na 'yung cellphone sa bag ko. Nang tignan ko ang loob ng bag ko ay nakalimutan ko pala 'yung tatlong libro ko sa huling klase ko kaya wala akong ibang magawa kundi ang bumalik doon sa classroom. Natigil ako sa mga kumpol kumpol na estudyante dahil nga madami pa talagang tao sa university pag ganto. Minsan dakilang tsismosa talaga ako ay nakikumpol ako sa mga tao at hindi na ko nagulat sa nadatnan kong kaguluhan. Si Jonas lang naman at ang nasa harap niya ay isang babaeng namumula na ang pisngi dahil sa kahihiyan at kakaiyak. Aalis na sana ako ngunit may narinig ako.
"Kawawa naman si Lyka! Balita ko ay natalo yata sila Jonas sa laro nila, saktong dadaan si Lyka at nahuli ni Jonas na medyo tinitigan niya ang badtrip na si Jonas"
Doon na ako medyo hindi talaga nakapagtimpi, walang ginagawa 'yung tao. Hindi naman porket natignan ka lang kaunti eh pwede kanang umastang ganoon. Lalapitan ata ulit niya iyong babae pero dahil medyo pakialamera tayo e lumapit na ako.
"Hep hep, Sumusobra kana!" Lakas tapang kong sabi palapit sa babaeng ngayong nagtatago na ata sa likod ko sa takot, kita ko mga panginginig niya.
Napatigil siya sa kanyang tangkang paglapit ulit ata sa babaeng nasa likod ko na. Medyo nagulat siya sa ginawa ko ngunit mas tumalim ang kanyang titig na ngayong sa akin na nakatuon. Nagsimula naring magbulongan ang mga tao sa palagid.
"Ikaw nanaman?! Diba sabi ko back off!" Pansin sa mga salita niyang iritado siya sobra.
"Back off mo mukha mo! Alam mo bang hindi tama tong ginagawa mo, pati babae papatulan mo!"
"So?! Paharang harang eh!" Balewala niyang sumabat sa'kin.
"Paharang harang ?! Wala siyang ginagawa sa'yo Jonas. Nagkasalubong lang kayo at nagtama lang 'yung tingin niya sa'yo!" Inis ko na ring sabi.
"So you're defeding her huh? matapang ka kasi kaibigan ka ng mga Montecillo? kaya ka nag-sisigasigaan ngayon kasi mayroon sila? well sorry 'coz they are not around this time!"
Nagpintig 'yung tainga ko sa narinig ko, thats it! Lumapit ako sa kanya at isang malutong na sampal na ang nakuha niya sakin> Believe me, mas nagulat pa ako kaysa sa mga tao sa ginawa ko pero what can I do?
"Siya palang ang nakakagawa niyan kay Jonas!"
"She is dead"
"Really dead"
Patay talaga ako nito, iyong mukha niya ibang iba, halimaw na halimaw na 'yung dating. Hawak niya pa rin iyong pisngi niya habang matalim 'yung titig saakin, hindi ata siya makapaniwalang ginawa ko iyon sa kaniya.
"You just slap me?" Nakakatakot na ngisi ang binigay niya sa akin.
Ibang iba kaya napaatras ako at tila gusto ko na lang ibaon ang sarili ko sa lupa.
"A-a--"
"What? speechless now? kanina lang ang nosy mo"
inakbayan niya ako, dito na ko, bumilis na iyong t***k ng puso ko. Iba pala talaga sa feeling kapag sobrang lapit na niya sa'yo. Nangangain ba talaga ng buhay? Masyado ka naman kasing pakialamera Clair, pinapadaig mo masyado ang pagiging matulungin mo sa kapwa. Who's going to help you now huh?
"You are the first Clair, believe me I will never forget this day especially this time and I'll make sure you'll suffer and your friends? Wala silang magagawa" bulong niya sakin habang iniwan ako doon na tulala at wala sa sariling napaupo.