They say that when the both of you are really meant to be together, it will always find its way even if time passes by. I am incomplete, I can sense it, so I find myself going back to the place where I should belong. I felt like I am longing for someone so I find myself finding the people whom I should be together with. Time passes by and destiny brought me here and there, I saw him, Jonas Davon Loyola. He's broken and he's waiting for me. I can't make him wait for me any longer because I'm back.
Jasmin Rose Montecillo is back
-------------
Nandito ako ngayon sa isang bar dito sa San Fernando City La Union, maingay, magulo at sobrang daming tao.Well obviously because its a bar Clair. Hindi lang kasi talaga ako mahilig at hindi nasanay. Nandito lang naman ako kasi sinama ako ng mga kaibigan ko. Kailangan ko daw ng mga bagong makikilalang tao dahil bagong salta ako dito. Taga Baguio naman kasi ako eh. Nandito lang ako dahil sa pag-aaral ko dahil sa scholarship. Ulila nako sa mga magulang ko at tanging ang tiyahin ko nalang na kapatid ni mama ang kasama ko pero naiwan siya sa Baguio. Pinagmamasdan ko ang paligid nang bigla nalang namatay ang malalakas na tunog galing sa speaker at biglang tumahimik ang mga taong kaninay wariy nagwawala.
"The Montecillos are here!"
Kasabay nang sigaw na iyon ay ang mga tili at hiyawan ng mga tao sa paligid ngunit wala parin ang mga malalakas na tunog. Teka ano daw ? Monte- ano?!
"Montecillo Clair!" ani ni Liza na medyo nagpipigil ng tawa at parang nabasa ang iniisip ko.
Sinundan ko ng tingin ang grupo ng kabataang parang kaedad naming isa isang pumapasok sa loob ng bar na nagtatawanan. Kung hindi ako nagkakamali anim na lalake at apat na babae . Bago pa ako magtanong. Nagsalita ang isa sakanila, iyong medyo matangkad at maputing singkit.
"Ano na, Wala bang music man lang! Let's have some fun!"
At parang on que na lumakas na naman ang tunog sa mga speakers at lumakas pa ang hiyawan ng mga tao. Napailing nalang ako. Mukhang napansin iyon ni Mika kaya siniko niya ko.
"Curious much?!" Natatawang tanong niya sakin.
"Sino ba sila? Bakit parang ang big deal naman ng pagdating nila?" Hindi ko na mapigilang magtanong .
Lumapit na din si Liza at Ella saming dalawa.
"Big deal talaga sila, hindi lang dito kundi sa buong La Union I guess" ani ni Ella na may hawak pang alak.
"Isa kasi sila sa mga pinakakilalang pamilya dito sa bayan natin! Tan, Ayala, Loyola, at sila mga Montecillo!" Sabi ni Liza.
Napalingon ako sa kanila na ngayon ay nakaupo na. Ang iba ay sumasayaw sa dance floor. Napailing nalang ulit ako. Rich kids now a days. Bigla nalang sumakit ang ulo ko at tila gusto kong sumuka kaya dali dali akong pumasok sa comfort room ng hindi na nagpaalam sa mga kaibigan ko! Bakit ko ba kasi ininom iyong binigay ni Mika kanina. Tapos nasundan pa ng bigyan ako ulit ni Liza at Ella. Napailing na lamang ako.
Habang nagkakalat sa isang cubicle ay may narinig akong mga babaeng kapapasok sa comfort room
"Have you seen Tanya? Mygod. That b***h, Naghahabol parin kay Kuya!"
"Watch your mouth Jewel! Baka pagalitan ka na naman ni Yvo nyan eh namimihasa kanang magmura "
"But still ate Cyan, Jewel is right, she's a b***h, Pathetic Obssessed b***h"
"I know right Autumn!"
Sabay sabay pa silang tumawa. Wala akong oras sumilip sakanila dahil sobrang nagkakalat talaga ako at dahil nga sobrang nahihilo talaga ako. Patuloy parin akong nagsuka. Napatigil sila sa katatawa at mukhang napansin nila ako
"OhmyGod! Whats wrong miss?!" Ani 'nung isang kulay gray ang mata na kulot ang buhok at maputi.
"Ah! Ano nahihilo lang ako at saka nagsuka" sabi ko nalang.
"You're not used to drink right?! Sinong nagpainom sa'yo?" Tanong 'nung babaeng straight na mahaba ang buhok, fair ang balat at singkit ang mata na napaupo narin sa harap ko .
"Hindi lang sanay sigurong uminom" ngumiti nalang ako kasi bakas na sa kanilang apat ang pag-aalala.
Teka! Sila iyong apat na Montecillong babaeng pumasok kanina kasama pa 'nung anim. Napansin ata 'nung isang morena na hanggang balikat ang buhok na nakatunganga ako sa kanila.
"Miss, may problema ba? Nahihilo ka pa ba?"
Bigla naman akong nagulat kaya napatayo ako at biglang nahilo. Muntik nang matumba buti nalang nahawakan ako nung maputing isang babae pa.
"Woooaah watch it miss. Nahihilo ka pa? Alam mo mabuti pa samahan ka na namin sa mga kasama mo"
Tumayo na din 'yung dalawa kaninang umupo nung nakaupo pa ko sa sahig. Sinamahan niya ako sa mga kaibigan ko pero mukhang hindi ko na sila mahagilap mukhang iniwan na nila ako. Kasalanan ko naman dahil hindi ako nagpaalam.
"So, Did you find them?" Tanong ni miss singkit.
"Iniwan na ata nila ako. Ang alam siguro nila nauna nako." Umiling nalang.
"Really now! Hindi mo kayang umuwi ng ganyan lang miss-" pinutol ko na yung sasabihin ni miss morena
"Clair Hope De Guzman, ang pangalan ko salamat pero pwede niyo na akong iwan pasensya na sa abala."
"Uh? Hindi ka namin pwedeng iwan nalang lalo na nahihilo ka pa, konsensya namin kung may mangyari s'ayo!" Ani ni miss short hair.
"Why don't you just join us here and then ihahatid ka nalang namin mamaya maya" nakangiting sabi sakin ni miss singkit.
"Great Idea ate Cyan, tara na Clair right?" Sabi ulit ni miss gray eyes.
Kaya sumunod nalang ako sakanila sa second floor ng bar na to, sa hinala ko private floor para sa mga elite 'yun. Pagka tungtong namin sa second floor ay nagulat ako dahil hindi lang pala silang sampo ang nandoon kundi mga higit 20 plus na sila ngayon. Agad akong pinaupo sa isang sofa at naglabas ng isang gamot si Cyan ata ang pangalan., 'yung singkit na agad ko namang ininom. Naglapitan narin ang mga kasama niyang lalakeng pumasok kanina samin.
"Jewel Blair Montecillo nga pala" nakangiting sambit ni miss gray eyes.
"Cyan Vanilla Montecillo" sabi ni miss singkit.
"Aya Mariz Montecillo" naglahad pa nang kamay na nakangiti si miss short hair.
"Autumn Marie Montecillo" sabi naman ni miss morena.
Umupo sa tabi ni Jewel yung sumigaw kaninang singkit, I bet magkapatid sila. Magkamukha kasi.
"And who is this? Ngayon ko lang ata 'to nakita dito" Sabay turo pa sakin.
"Well, shes kinda dizzy and her friends left her and we don't want to abandon her so here she goes kuya." Sagot ni Jewel.
"Yvo Jem Montecillo" Tumango tango siya habang pinagmamasdan ako, sa huli ay ngumiti din sakin.
Patuloy pa rin siyang nagsalita
"This is our family, David Blake Montecillo and Travis Jake Montecillo, the brothers of Cyan" turo sa dalawa pang lalaki sa likod ni Autumn.
"Here is Maximo Tris Montecillo, kapatid namin ni Jewel, and this is Akihiro Yuan Montecillo and Adam Karl Montecillo, the brothers of Aya and Autumn"
Mas lalo naman akong nahilo sa dami nilang sampo at dahil sa mga pangalan nila. Ngumiti nalang ako sakanila bilang tugon .
"What happen ba Autumn?" Tanong ni Adam ata, kung hindi ako nagkakamali.
"Well, kuya we went to the ladies room and there we found Clair vomiting and we just help her" walang kagahol gahol na sabi ni Autumn.
"Guys can we just go its past midnight na kaya and I'm so sleepy na" Pagmamaktol ni Jewel na agad namang sinang-ayunan ng ibang babae.
"Ang kj niyo naman, wala pa nga akong type" Sagot naman ni Maximo.
Inirapan naman siya ni Aya.
"we all know na you are a jerk Max. If you want you can stay but please kuya Adam I really wanna go home and besides ihahatid pa natin si Clair"
Tumayo na ang ibang boys bilang pagsuko sa kanilang girls. Agad akong tinanong kung saan ako nakatira at sinabi ko sa may tabi lang ng Francis University sa may apartment, doon kasi ako magaaral kaya doon na din ako nangupahan. Pagkahatid nila sa akin ay agad akong bumagsak sa aking kama at natulog. Hindi ko na naisip na tignan kung nakauwi ba ang tatlo kong kaibigan.