Pagkatapos ng trip namin ay bumalik na kami ng La Union. Nagmamadali na kasi ang mga lalaki dahil nabobored naman daw sila at puro kami lang na pinsan nila ang kasama nila hindi daw sila makapagbabae. I just rolled my eyes. "Bakit ba kasi nagmamadali kayo?! Nakakainis ang dami pa nating pwedeng gawin dun" kanina pa din nagrereklamo si Jewel dito sa van. Akalain mo talagang nagkasya kaming lahat dito. Ayaw kasi nilang maghiwahiwalay kami ng sasakyan "Si Maximo sisihin mo, masyado yang atat mambabae, hindi yan nakakatulog sa gabi ako iniistorbo niyang uminom" pailing iling pa si Adam. "Anong ako hoy kayo tong gusto nang magbar at saka si Yvo sisihin niyo, hindi niya pinatay cellphone niya tawag ng tawag si Kamile sakanya" lumingon siya sa amin dito sa back seat nasa harap kasi siya kasam

