Puro puti nanaman ang nakikita ko, oo nandito nanaman kami sa hospital. syempre kailangan naming magpa-DNA agad para makuha din ng mabilis yung resulta. Kasama ko sina mommy, daddy pati na din si Ava, Jonas at Ross. "Tita sasamahan ko po si Clair sa loob, takot po to sa dugo e" sabi ni Jonas sa gilid. Tumango naman si mommy. Nakita kong tinitignan at inoobserbahan ni Jonas si Ava. Yea nasabi na sakin ni Jonas dati na takot nga sa dugo ang totoong Jasmin. napansin ko din si Ava na kanina pa ata hindi mapakali. "May problema ba Ava?" Tanong ni mommy. "Dugo po ba talaga ang kukunin? pwede bang laway nalang? Takot ako sa dugo e" sabi niya Hindi na ako nagulat, syempre expected yun nag-claim siyang siya ang tunay na Jasmin. Tumangi si Daddy at nakipagusap sa mga doktor Pumayag sila sa

