Pinagmamasdan ko silang dalawa nag-uusap, masayang nagkwekwentuhan, parang may sariling mundo at kami ditong mga kasama nila ay nagiging outcast. Nasasaktan ako, pero mali alam ko. Hindi dapat kasi alam kong masasaktan lang ako sa huli. Nakita kong nalagyan ng mayonaise yung gilid ng bibig ni Angel ngunit naging maagap si Jonas sa pagpunas nito. Nagthank you naman si Angel at ngumit si Jonas. Hindi ko pa siya nakikitang ganito ngumiti. Ngumingiti siya sa akin ngunit hindi ng ganitong ngiti niya kapag kasama si Angel. "You're jealous" napatingin ako kay Yvo na tumabi sa akin. "Uh? Pinagsasabi mo" inirapan ko nga siya mas matanda parin ako dito. "Well you see if looks can kill, kanina mo pa pinatay sa isip mo si Angel" sabi naman ni Yvo. "Hindi ko alam 'yang sinasabi mo no" again, sagot

