JUST ONE WEEK

3106 Words
CHAPTER 12 Hindi malaman ni Timothy kung matutuwa siya ng marinig mula sa secretary ang report nito na till next week ay wala pa siyang gagawin sa opisina.... pero anu ang dahilan ng pagpapatawag sa kanya ng ganito kaaga nasa mismong kararating pa lamang niya galing Paris. Sinalubong siya ng secretary sa main entrance ng building. "Goodmorning po sir. Welcome back. "masayang pag bati sa kanya. Tumango lamang si Timothy. Marami ng empleyado sa loob, at mayroon ding morning show ngayon live na ginagawa sa may lobby. Ang mga ilan ay napansin siyang dumating kaya kahit malayo ay nakayuko ang mga ito to show respect. Ang mga ilan naman ay binati siya tungkol sa naganap na kasalan tulad ng mga nakaumpok na grupo na may high position sa bawat departamento na ngayon ay nasa ibaba upang pagtuunan ng pansin ang christmas competition both. Malugod naman niyang pinasalamatan ang mga ito at muli ang asawa niya ang tumatakbo sa kanyang isipan. Parang hindi na niya kayang malayo dito. Namimiss na agad niya ang bawat hagikhik nitong napakacute kapag hinahalikan niya ang kili kili ng asawa. Ang malambot nitong balat na parang marshmallow, ang masarap nitong hugis pusong labi kapag kanya itong hinahaluan, ang mapuputing ngipin na lumalabas kapag nakikipagkulitan, ang ilong niyang mahilig itapat sa kanyang ilong at ang magaganda nitong mga mata na laging gustong makipagtitigan. "Do you have any idea why Sir Cannor call me here urgently? " tanung ni Timothy habang lulan na sila ng elevator. Saglit na nag-isip si Ms. Lim. "Sorry po sir wala po talaga akong idea. If ever.... baka po continuation po ng honeymoon ang ididiscuss ninyo ngayon..... Good news po yun sir pag ganun... " nakangiting wika ni Miss Lim. Lihim na napangiti si Timothy sa sinabi ng kanyang secretary. Hindi lang pala sya ang nag iisip ng ganun. "Good morning Po. Ahm sir pinapaderetso na po kayo ni Chairman sa office niya." bungad ng isang balingkinitang babae pagkabukas ng elevator. Siya si Miss Nathalie Perez ang secretary ng matanda. Agad na dumeretso si Timothy sa kaliwang pasilyo kung saan matatagpuan ang pinakamalaking opisina. Kumatok siya rito at pumasok. **** Maaga silang nakarating ng Sta Cruz Laguna kung saan nakabili si Timothy ng house and lot na kanyang ipinasadya para sa asawa. Isang subdivision ito kung saan ay fully develop na. Napakaganda ng paligid. Clean and Green. Talagang ang nangangalaga ng subdivision na ito may pagmamahal sa kalikasan. May mga punong kahoy na hindi nakakasagabal sa daanan. May mini park din ito kung saan makikita mong may nagjojoging sa ganitong oras. Masaya ang kapaligiran at ang seguridad ay maayos dahil sa mataas ang bakurang pumapalibot sa pribadong subdivision. Tumigil ang sasakyan sa isang gate na may kataasan ngunit nakikita parin ang napakasimpling bahay. Semi bungalow house ito. "Ito na ba? " tanung niya kay Mira. "Yes my dear..... If im not mistaken narinig kong nabili ang bahay na ito three years ago. Ang sabi ng informant ko ibinigay ng lolo mo ang isang larawang nakita niya sa kwarto mo ten years ago kay Sir Timothy noong time na ipinagkasundo ka dito...." seryuso nitong paliwanag. Napaluha si Jewel ng makita ito. Dito niya gustong tumira simula palang ng siya'y nagkaisip. Pinapangarap niya ang ganitong kasimpleng bahay. Kung saan mabilis mong maririnig ang mga simpleng tawanan, at mabilis nagpapangita ang mga tao sa loob ng bahay. Namumukod tangi ito sa lahat. Ang bahay na ito lamang ang may malawak na harden at ibang iba ang estilo ng bahay na ito kung ikukumpara sa mga katabing kabahayan. Bakit nga ba ayaw niya sa mansion na tulad ng bahay ng kanyang magulang? Mas gusto pa nga niya sa kanyang condo mag stay. Bumukas ang automatic gate at pumasok ang dalawang sasakyan. Agad niyang napansin na mayroon swimming pool sa likurang bahagi ng bahay. Pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse ni Rex nang sila'y makababa. Agad siyang umikot sa likurang bahagi ng kabahayan at sumunod naman ang mga kasamahan nito. May nakita siyang dalawang cavana dito. Nang may nagsalita sa likuran.....si Manang Fe . "Ang mga cavana na yan ay para sa mga bodyguards mo Miss Jewel. Ang isang kwarto ay para kay Rex at kay Felix at ang isang cavana naman ay may tatlong bed na para kina Drey. " "Manang Fe....." natutuwang bati ni Jewel sa matanda. "Miss Jewel maligayang pagbabalik po....at welcome po sa bago nyong tahanan. Kinuha po ako ni Sir Timothy at dito na ko nagstay pagkatapos nyong ikasal. Mas matutuwa ka sa loob anak ko...." si Manang Fe na maluha luhang nakita muli ang kanyang alaga. Ang mga bodyguards na sila Drey ay hinakot na ang kanilang mga gamit papasok ng cavana. Ang mga gamit naman ng mag asawa ay hinakot ni Rex papasok sa loob. Napakasimple ng buong kabahayan. May maliit na mini bar, munting kitchen, munting dining at dalawa lamang ang kuwartong medyo nakaangat ng isang metro sa itaas. May dalawa ring kuwarto sa ibaba na di kalakihan ang bawat kwarto ay may maliit na banyo at well designed. Ang kwarto ng mag asawa ang may magandang banyo, may jacuzi para sa dalawang tao. May malaking portrait ng bagong kasal sa may sala. Ang babae rito ay napakagandang tingnan sa kanyang ngiting buhay na buhay na nakatingin SA kawalan habang ang lalaki ay nakangiting nakatingin sa babae. It was a stolen shoot noong sila ay nagkakasiyahan sa pag sayaw. Agad niyang pinuntahan ang kwarto sa itaas kasama ni Mira. "Honey yan ang magiging kwarto nyo ng asawa mo..... Hmmmm.... dapat siya ang nagpapaliwanag sayo nito ehhh.... ang lolo mo kasi eh. ..... And that one ay ang kwarto ng magiging anak nyo. it's empty pa....ang alam ko kayo mag asawa ang magdedesign. " "Wow!!!!!! I love this Mita, oh my God..... " si Jewel ng makapasok na sa kanilang kwarto. Ang atmospher ay relaxing. Brown and nature color. With a bamboo design sa bawat wall..... May little beranda na ginagapangan ng halaman mula sa ibaba na ang harap nito ay isang mini green garden. Tuluyan ng kumawala ang mga luha ni Jewel sa labis na kasiyahan. Pakiramdam niya ay malaya na siya sa kalungkutan at napalitan ng napakasayang buhay..... Si Rex ay umikot sa buong paligid, hindi niya maitatago sa sarili na talagang humanga siya sa pagkakayari ng buong kabahayan. Kopyang kopya ng actual na kabahayan ang nasa larawan. Ang larawang siya mismo ang gumuhit para sa babae. Thirteen years old si Jewel nung nakiusap itong guhitan siya ng gusto niyang bahay. Ito kasi ang assignment niya sa school sa art subject. Ang idrawing ang pinapangarap na tahanan at gamitan ito ng mga desinyo. Naaalala pa niya ng malinaw na nakapikit pa ang dalaga habang nagsasalita at iniimagine ang kanyang munting pangarap. Bilyon ang kakailanganin para mapatayo ang mga ito at hindi pa niya ito kakayanin. Kung tutuusin may lupa ng nabili ang binata sa Mindoro. Ngunit wala pa siyang sapat na halaga para sa ganito kagandang bahay. Kaya niyang magpatayo ng bahay ngunit hindi pa ganito.....Ang limang milyon na kanyang naiipun ay hindi pa sapat at simpleng bahay lamang kakayanin nito. Napayuko siya na napatingin nalang sa lupa. Kahit pa magkaroon siya ng bilyon bilyong pera ay wala naring halaga dahil ang mahal niya ay di na mapupunta sa kaniya. Ang lalaki palang ito ang tutupad sa mga pangarap ng kanyang minamahal na si Jewel.... *** Salo salo silang kumain ng pananghalian. Maraming pinaluto si Timothy para sa asawa na sana ay kasalo nila ngayon. Panay ang tingin ni Jewel sa kanyang cellphone ngunit kahit isang tawag ay wala siyang narerecieve o kaya naman ay text. "Manang Fe, ako na po ang magluluto mamayang hapunan please. Gusto kong pagsilbihan si Timothy. Pakiprepare nalang po ng mga sahog mamaya. Magpapahinga lang po muna ako. " Si Jewel na kinausap ang matanda. Sa kanyang kwarto nakahiga si Jewel sa kanilang kama. Nakakatuwa na yari sa reflection ng bamboo ang kanilang higaan. Namimiss na niya ang asawa....sinubukan niyang tawagan ito ngunit naka off ang cellphone nito. **** Timothy's POV "Timothy. Kamusta ang apo ko? " walang emosyon tanung ng matanda sa kanya. Nakatayo ito malapit sa glass wall at nasa labas ang paningin. Bakit parang ang hindi maganda ang atmospera ng mga mukha nila. Narito ang mga magulang ng kanyang asawa. "Sir ok lang po sa Jewel. Maaaring nasa bahay na po sila ngayon. " tinig ko na patuloy parin akong nag iisip kung anung mayroon sa pag uusapan ito. "Bukas ay ipapasundo ko si Jewel kung nasaan siya ngayon. " malamig na boses naman ng kanyang ama. "Ano pong ibig nyong sabihin!? " gulat kong tugon. "Kalimutan mo muna ang hinihingi naming pabor sa iyo na magkaroon kami ng apo. " dagdag pa ng mommy ni asawa ko. "Teyka Teyka Lang po ma'am sir.... What is this all about!? " natatakot na ako mga oras na ito. Halos walang gustong magsalita sa kanila. Ang aking isipan ay napupuno ng mga katanungan kung bakit at ano ang mga sinasabi nila. Nalilito ako. Ilang pang sandali ay bumuga ng hangin ang matanda at sinasapo ang kaniyang sentido at ang lalim ng iniisip. Ang ama naman ng babae ang nagsalita. "As soon as possible paaasikasuhin ko ang annulment paper nyo ni Jewel ,Timothy . You are no longer to be her husband anymore! Hanggang hindi pa lumalalim ang pagtingin sayo ng anak ko ay kailangan ko na siyang ilayo sayo. " wika ni Mr. Rowel na halos ika sikip na ng aking dibdib. Anu ang kanilang sinasabi at hindi ko man lang ito maintindihan..... "Lalabas ulit ng bansa si Jewel once of this day. Yeahhhh.... Tama ka sa narinig mo Timothy, ilalayo ko sayo ang anak ko.... There's a big WHY on your mind na maaaring ikaw narin ang makakasagot. This is all about Ms. Jenly Rivera. " dagdag pa sa impormasyong binabato sakin ngayon ng ama ni Jewel . "Wh-what is all about her? " pagtatanong ko na ikinagulat ko't kasama na siya sa pinag uusapan ngunit di parin nila ako nasasagot agad. Parang hirap silang magsalita at sabihin sakin kung ano talaga ang nangyayari. "Ohhh come on, I don't know what your talking about sir. Me and that woman are just a part of the past. Jewel if my wife and I love her so much! She is my present and future now... " direkta kong sabi sa mga ito. Nanghihina ang mga tuhod ko. " And that past can hardly affect my daughters heart Mr. Green. Your past will badly hurt her so much kapag ipagpapatuloy pa ninyo ito! Alam ko as her mother na masasaktan siya.... She is innocent.... A fragile woman Timothy. ..... I thought that you are the right one kaya hindi ako pumalag na ikakasal sa iyo ang aking anak, " ang mommy ni Jewel na nagsalita at lumuluha at ramdam ko ang hinanakit nito.... "The files regarding on that woman Miss Jenly Rivera, is on my table Timothy. Take a look and read it. Ikaw na mismo ang magdiskobre what is inside. " ang matanda na itinuro ang folder sa kanyang mesa at muling ibinalik ang tingin sa labas. Agad kong kinuha ang folder. "Pinaimbistigahan ko ang babaeng iyan Timothy since nalaman kong humihingi ito ng oras na makausap ka.... Ang nilalaman ng files na yan ay can cause us lot of controversy starting today... you will be no longer to work here Timothy. Pack all your things and go back to your own company. Ako na ang bahala sa lahat. " si Don Franco na malamig parin ang boses sa pagsasalita. Nangangatal ang mga kamay kung binuksan ang folder. I still really don't know what is happening. I saw a picture of a little girl kid lying on the bed. I saw the picture of the hospital where she is. I saw the picture of Jenly holding the hands of that child while crying. I saw the close up picture of this child that looks like.......? Hindi ko malaman ang mga damdaming nararamdaman ko. Takot o saya. Nabasa kong nasa critical na kalagayan ang bata. Hindi kayang tustusan ang pangangailangan pangmedisina ng inang nag iisang naghahanap buhay para rito. Nalilito na ako.... Naghihirap ang kalagayan ng mag ina. Kumpleto ang mga files tungkol sa pamilyang ito. Mula sa mga bumagsak na negosyo at pagpapakamatay ng ama. At ang matindi pa ay.... May DNA test rin na nagsasabing ako ang ama ng bata. Halos supilin ng kadilim ang paligid ko..... May anak ako..... May nabuong bata na itinago sakin ng halos anim na taon.... Damn..... What the hell is going on..... The child is 5 years old,.... She is two months pregnant nung bigla siyang nawala.... And she never tell it to me..... I hate her more..... Nadagdagan ang pagkamuhi ko sa ina ng anak ko. Akala ko'y ginamit nya lang ako... At pinaglaruan nya ang damdamin ko at ngayon ay itinago pa njya na may anak kami..... Nakita ko ang mukha ng pinakamamahal kong si Jewel..... Ang matamis nyang ngiti..... Oh my God..... Hindi..... Hindi ko kayang mawala sakin ang babaeng pinakamamahal ko... Hindi ko alam pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa asawa ko..... Ang anak ko..... at ang asawa ko.... "Sir.... Sir.... Please... please...... Wag nyo pong ilalayo sakin ang asawa ko...." Di ko na mapigilan umiyak at lumuhod upang magmakaawa sa kanila. "Aayusin ko po ito sir please...... Give me time huwag nyo lang po ilalayo sakin ang asawa ko....... Nagmamakaawa ako.... I truly love your daughter sir Rowel, ma'am..... Please sir..... Don Franco...... Please.... " pagsusumamo ko *** Ramdam nilang mahal na mahal na Timothy ang kanilang anak.... Nagtatalo ang kanilang puso at isip. Bago umalis si Don Franco ay nag iwan ito ng mga salitang hindi dapat balewalain ni Timothy. "I just giving you seven days Timothy to clear this mess..... Or else I'm going to crash your life. Maghihiwalay kayo ng apo ko sa ayaw at sa gusto mo! We're going to meet again after one week. Just give me one effivetive reason para hayaan ko ang pagmamahal mo.... to my dearest grandchild. " mga katagang tumatarak ngayon sa isipan ni Timothy. Kasalukuyan nasa kanyang opisina na si Timothy. Tanghali na ngunit nakatitig lamang siya sa files na nasa table niya. Nag iisip kung anu ang pwede niyang unang gagawin. Pitong araw lamang ang ibinigay sa kanya ng matanda . Agad siyang umalis ng opisina. Sumakay ng kotse at bago pinaandar ang kanyang sasakyan ay niluwagan niya ang kanyang necktie . Tinungo niya ang landas kung saan naroon ang kanyang ama. Kailangan niya ng karamay at taong makakatulong sa kaniya. Ayaw niyang malaman ito ng kanyang asawa. Dahil alam niyang gugunaw ang kanyang pinapangarap mula ng makapiling niya ito. Mahal na mahal niya si Jewel. Ng makarating sa opisina ng ama. Agad niyang isinangguni ang mga pangyayari. Nagulat din ang ama ito. "Timothy, anak kung ikaw ay nagkaroon ng pananagutan sa anak ni Jenly hindi mo dapat ito talikuran. Walang kasalanan ang bata hijo. " agad na sinabi ng ama ni Timothy pagkatapos marinig ang lahat. "Kailangan ka ng apo ko.... Kailangan ka ng anak mo. Unahin mo ang kalagayan ng bata Timothy. Suportahan mo dahil wala ng matatakbuhan ang dati mong nobya. " dagdag pa nito. "Dad I love Jewel so much..... " tinig ni Timothy na nagmamakaawang bigyan din ng pansin ang pagmamahal niya sa asawa. "Kung mahal ka ng iyong asawa ay mauunawaan niya ito..... Ngunit.... Dahil bago pa lamang kayo at nakikita kong ikaw ang hulog na hulog sa asawa mo. Tanggapin mo kung anu ang pwedeng maging kahihinatnan nito. " Awang awa si Mr. Timmy sa kanyang anak. "Oh my God dad.... I can't leave without her please..... She is my life..... She is my everything now..... Help me.... I just only have seven days. My clock now is ticking.! " si Timothy na napapahilamos na ang kanyang mga kamay sa mukha habang nakaupo sa shivel chair. " How about..... Di ko alam kung effective ito anak pero why don't you try. Financial problem ang problema ng mag ina ngayon. Leave it to me. " Lumiwanag ang mukha ng binata. Ngunit may katanungan parin sa kanyang isipan. " The problem here is ayon sa files na nakuha mo... Hinahanap ka ng anak mo. Paano mo naman magagawan ng paraan ito? Mamimili ka ngayon Timothy hijo sa pagkakataong ito. Ang pamilya ng asawa mo, ayaw ng may kahati sa iyo. Ang gusto nila ay buo ka para sa kanilang minamahal na anak.... na apo... Ngunit paano naman ang anak mo na naghahanap ng pagmamahal mo.? " pahayag ni Mr. Timmy na nagsimula nanamang magpagulo ng kanyang isipan. "Maimpluwensyang tao ang pamilya nila anak. Nakita mo naman..... Kung ang anak mo ang pipiliin mo tanggapin mong mawawala sayo ang mahal mong babae..., ngunit pag asawa mo ang pipiliin mo, di mo parin matatakbuhan ang dilim ng kahapon. Di ka makakalapit sa bata Timothy dahil once na nalaman nilang lumapit ka.... Its the end..... Sa seven days na ibinigay nila pag isipan mo anak.....susuportahan kita anu man ang mangyari. Magkasabay na nilisan ng mag ama ang opisina. Umuwe ito sa mansion nila. Wala pang lakas si Timothy na umuwi ng kanilang bahay. **** Jewel's POV Its already 9 o'clock in the evening. No text no call from him. Maaga akong nagprepare ng pagkain for us pero walang Timothy. I cooked his favorite pininyahang manok pa naman..... Nag uumpisa nang lumalaki ang paningin ko, nag babadya ng umiyak. Asan ka na Timothy...... I don't want to call lolo. I trust my Husband. Where are you Tim.... 2:00am Nakita niya ang kanyang asawang mahimbing ang pagkakatulog. Ayon kay Manang Fe umiiyak ang kanyang asawa kanina at katutulog lamang nito. Nakatulugan na ang paghihintay sa kaniya isang oras na ang nakakaraan. Agad siyang naligo. At bumalik kung nasaan ang asawa. Oo, hindi niya kayang di makita ang kaniyang minamahal. Halos paliparan niya ang sasakyan upang makauwe lamang. Kanyang hinalikan ang labi ng babae na ikinagising nito. Napayakap sa kanya si Jewel ng mahigpit at humikbi. "Ang tagal mo naman..... Sabi mo uuwe ka ng maaga.... " si Jewel na umiiyak "I am sorry.... Sorry for everything sweetheart. May inaasikaso lang ako ang i promise na after one week maaayos din ang lahat. Sabi ko diba maghohoneymoon uli tayo.... im sorry kung pinag aalala kita Sweetheart.... " at agad niyang hinalikan muli ang labi ng asawa. Tumugon si Jewel sa kanyang halik.... Namiss nya talaga ang asawa..... At sa unang gabi nila sa bahay ay pinuno nila ito ng masasarap na ungol . "I love love love you so much Sweetheart, you are all mine and I'm yours...... " si Timothy na ibinulong sa teynga ng asawa saka tuluyang nakatulog. *** Dear reader may mga error pa po na word sa bawat sentence.... Di ko pa po siya naeedit...... pagpasensyahan nyo na po. Salamat sa pag babasa. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD