IKAW AT AKO

3289 Words
CHAPTER 8 " Relax Hijo anak, relax..... Everything will be fine..... She's coming. She will come..... Trust her.... " tinatapik tapik ni Mr. Timmy and balikat ng anak bagamat siya ay kabado rin.... Kitang kita kay Timothy na di sya mapalagay. Kahapon nya pang hindi nakikita ang dalaga. May kung anung damdamin ang bumubulusok sa kanyang nararamdaman. Flashback one day before the wedding.... "I want to see her Tito please... Kahit sandali lang po.... " si Timothy na pilit kinakausap ang ama ng dalaga. Pang sampung beses na niya itong pagpunta roon ng araw na yun. At ngayon ngang ala singko na ng hapon ay nagbabakasakali siya. Abala naman ang karamihan sa tabing dagat upang ayusin ang pagdadausan ng kasal. "Hijo....hijo..... Patience.... Pasasaan at magiging asawa mo na sya, relax...., you can see her tomorrow. " sagot naman ni Don Franko habang tumatawa. " I - I really - I really miss her sir I want to see her please.... " mula sa labi niya na sabay na ikinatawa ng mag ama. "Hijo, Hindi mo ba alam ang kasabihan ng tulad naming matatanda? Ang paniniwala na bawal magkita ang dalawang taong ikakasal bago dumating ang araw ng kasal????? Aba'y kapag pumayag kaming masilip mo ang aming dalaga eh baka may masamang mangyari... Ito lang masasabi ko hijo.... Dapat after the wedding... within 9 months may apo na kami ha sa ngayon ay patience...." natatawang wika ng matanda. Wala siyang nagawa. Bigo siyang lumabas ng bahay na yun at uuwe na sana siya sa quarter na kanyang tinutuluyan kasama kanyang magulang ng makita niya ang personal guard nitong si Rex sa may beranda kasama ang babaeng kanyang iniibig. Nag uusap ang mga ito at kahit malayo siya mababakas niyang malungkot ang kanilang mga mata ng biglang binuhat ito ni Rex papasok sa loob. Present time...... Natatakot siyang baka mahulog nanaman siya sa bangin at di niya na kakayaning umahon pa. Totoong nahulog na sya kay Jewel Lyca Cannor ng ganun kabilis. Di sya mapakali sa unahang bahagi ng munting dambana kung saan sila magiging isa. Ang mga kamay niyang laging napapasuntok sa hangin. Ang hininga niyang laging bitin. Ang mga paa niyang si mapakali sa kinaroroonan. Gusto niyang tumakbo kung nasaan ang kinaroroonan ng kanyang minamahal. Minsan na siyang iniwan sa loob ng simbahan na luhaan kaya naman natatakot siyang maulit muli ang pangyayari. Flashback 6years ago..... Nagkakagulo sa loob at labas ng simbahan. Mga nagbubulungang mga bisita ang maririnig.... "Walang bride na dumating mare... kakaawa naman yung lalaki..." "Oo mare ang balita ko kahapon ay may nakakita sa babae na sakay ng taxi at maraming maleta ang dala. Yung kumare ko ang nagsabi nito sakin at kapitbahay lang nila yung Jenly. Ayaw ko namang maniwala at alam ko namang mahal nun si Timothy. " "At nakuuuu...... Anu namang nakain nung bride at baka nauntog din ang ulo nun, katangahan namang iwan areng batang areh oh , mayaman naman eh at napakagwapo pa." Ito ang mga naririnig niya sa mga nag uusap na bisita malapit sa kanyang puwesto. Nasa labas siya ng simbahan at malayo ang tingin. Umaasang darating pa ang kanyang pakakasalan. Paroot parito ang mga paa, hindi mapakali at laging lampasan ang tingin sa kalsada... Wala siyang maalalang dahilan upang ayawan ng babaeng nagpapahirap ng kanyang puso. Si Jenly ang kanyang buhay.... Nasaan na ang kanyang pakakasalan.... Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na wala na sa huwesyo. Napabayaan ang mga transaction ng kanilang negosyo. Lage siyang laman ng bar hindi para sa babae kundi sa alak. Sa araw naman ay tanghaling nagigising at walang deriksiyon ang pupuntahan at ipagtatanung kung may nakakakilala sa dalaga. Araw araw niyang pinupuntahan ang pamilya ng dalaga na kahit sila ay walang alam kung nasaan na si Jenly. Hanggang sa nagkasakit ang kanyang ama at hindi na kinaya ang problemang nalilikha niya. Ang negosyo nila ay tuluyang bumabagsak. Kailangan nila ng malaking halaga para sa pagpapagamot ng ama saka lamang siya natauhan. Present.... Malamig ang dampi ng hangin sa umaga, ang dagat ay tahimik. Binibigyan ng langit ang araw ng napakagandang panahon. Hindi man lang malakas ang hangin kahit Disyembre na. Napupuno ng mga dilaw na rosas ang paligid, at buhay na mga kandilang nagsisilbing liwanag sa madilim na paligid. "Anak, Di pa naman oras.....Huwag kang masyadong mag alala..... Darating si Jewel.... Just wait dear..." pampalakas loob ng ina na si Mrs. Nathy. "Anak, kung ibibigay sayo ng Panginoon ang mga ito , dahil ito ang nararapat. Kayo ay magiging isa kung kayo ang itinadhana, dahil ipinagkaloob ito sa inyo, ngunit kung mayroong mang magaganap na di inaasahan ay maluwag mo sanang tanggapin...... Manalig ka lang. " ani ni Father Harry ng mapansin nyang namumutla na si Timothy. Napapaluha na ang kanyang mga mata at napapihit nalang siya patalikod upang pigilan pang umagos ang mga luha mula sa pagkakabalisa. Lingid sa kanya ay marami ng bisitang nakamasid sa kanya. Malapit nang sumikat ang araw.... May mga nagbubulungan at may iba namang natutuwang pagmasdan sya sa bawat reaksyon ng kanyang mukha at katawan. Paulit ulit na sumasagi sa kanya ang nakaraan. Nang biglang nagsimulang tumugtog ang musikang kanina pa niya inaabangan. Parang bumagal..... ng.... bumagal..... ang oras. Dahan dahan siyang humarap sa entrada...... "Anak hayan na siya..... Matutuloy na anak ko.... " ang ina ni Timothy na nagagalak Inayos naman ng ama niya ang kanyang necktie at ang nagusot na parte ng toxedo nitong suot. "Son, this is it! " ani ni Mr. Timmy na biglang di mapigilan maging emosyonal. At niyakap ng mahigpit ang anak na lalaki. Sa katunayan ay nagpipigil lamang ito kanina pa... dahil ramdam niya ang anak. Maging ang ina ni Timothy ay nagpupunas na ng kanyang mga luha. Nagsimula ng maglakad ang mga maliliit na angel dahan... dahan... ang mga abay...., ang mga ninong at ninang sa pulang carpet. Nang biglang nagbago ang melodiya.... may umaawit na hindi niya malaman kung saan nagmumula... Ang sarap sa pakiramdam..... Biglang bumukas ang malahiganteng kabibe (shell) . Dahan dahan ay may bumaba sa shell na inaalalayan ni Rex..... Mapapansin napapaluha ang matanda na kinuha ang kanyang apo at kasabay na nag lalakad sa carpet..... Sabi nila, balang araw, darating Ang iyong tanging hinihiling At noong dumating ang aking panalangin Ay hindi na maikubli At ang pag asang nahanap ko sayong mga mata At ang takot kong sakali mang ikay mawawala Tuluyan ng nalaglag ang masaganang luha ni Timothy.... At ngayon nandiyan ka na Di maipaliwanag ang nadarama Handa ako sa walang hangan Di paaasahin, Di ka sasaktan Mula noon hanggang ngayon Ikaw at ako Nasa kalagitnaan na ang dalaga ng tumigil siya sa paglalakad, may lumapit dito at may kinuha.....nauna ng lumakad ang matanda sa kanyang unahan. "ahhhh siya ang..... " nausal ng kanyang mga labi at napangiti na patuloy parin ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Nagpatuloy ang awitin ngunit sa pagkakataong ito ay inaawit na nila Ogie Alcasid at Regine Velasquez Alcasid ang awiting "Ikaw at Ako" ni Moyra. Ang babae ay patuloy na sa paglalakad na sinabayan na ng kanyang mga magulang mula ng pinalitan ang lolo nito.... marahan.....at nakatitig sa lalaking nasa unahan... Naubos na ata ang luha niya mula ng makausap niya ang ina. Ito si Jewel... naglalakad na may ngiti na sa labi... Maraming humahanga sa kanyang kagandahan. Tunay nga na lumabas ang ganda ng kanyang damit nung siya ay ngumiti. Ang mga binata na panauhin ay natulala sa kanyang ganda at napapamura nalang na kung saan iniisip nila na kung maaari ay itigil ang kasal. Bakas sa mga mata nila ang inggit sa lalaking nasa unahan na kanina ay pinagtatawanan nila.... "P*tang i*a pare!!!! Na Love at first sight yata ako. Yung puso ko pare ang bilis ng t***k!!!" wika ng binatang namutla "Damn man!!! It's too late!!!! Bakit ngayon ko lang kasi nabalitaan na may anak sila Mr. Cannor na ganito kaganda!!! " Naiinis na wika ng isang kagwapohang lalaki. "Kaya pala hindi mapakali yung Groom tol!! s**t! ngayon lang ako nakakita ng ganyan ka exotic ang ganda!!! " ang binatang napapailing.... " ang ganda pa ng boses bro..... Nakakainlove talaga...." nanghihinayang nitong wika Sila ang bachelor guys na umattend ng kasal instead ang kanilang magulang. Mga kilalang tao na kasosyo sa negosyo ng Cannor company. "Hey dad, why don't you tell me about this goddess lady? Kakainis ka naman dad eh!! wika ng anak ni Mr. Ralp Thompson na sub CEO ng EMJH. "Did I? Hindi ko rin ba nabanggit sayo na siya ang owner ng EMJH kung saan ako nagtratrabaho? " nangingiting sabi nito "What!? Gulat na tinig ni Roy Thompson "What the hell dad! Wala kang nababanggit tungkol dyan!" si Roy na tuluyan ng nainis. "Come on son, I ask you many time to work on her company but your the one na umaayaw!" nakakunot nuo na niyang pahayag dito.... "Oh dad come on kung sinabi mo agad na magandang dilag ang nag mamay ari nun ora mismo magtratrabaho ako!" Si Roy na nagmumula na sa inis. Napapatawa na si Mr. Ralp sa reaction ng kanyang anak. Tinamaan nga ng malupit ang anak nito sa dalaga.... "Oh s**t dad..... Yung puso ko ang lakas ng kabog!!!!! It's pump faster!!!! " Di parin mapalagay na pakiramdam ni Roy Kung kanina ay nakikiisa sya na tawanan ang lalaking nasa unahan, ngayon parang bumaliktad. Siya naman ngayon ang hindi mapalagay. "Hey dad I like her....ohhhh no.... I do love this lady tinamaan ako dad. " si Roy na ngayon ay nasa seryoso ng tinig "Son..... Think hundred times kung gusto mo pang mabuhay. You don't know this family. " sagot naman ng ama nito na may pagbabanta. His son is a womanizer pero ngayon lamang niya nakita ang anak na halos nawalan ng hininga. Napapailing na lamang ito. At sa wakas ay nahanap ko narin Ang aking hinihiling Pangako sayo na ikay uunahin At hindi na itatanggi Ang tadhanang nahanap ko sayong pagmamahal Ang dudulot sa pag ibig natin na magtatagal At ngayon nandiyan ka na Di maipaliwanag ang nadarama Handa ako sa walang hangan Di paaasahin, Di ka sasaktan Heto na ang babaeng kahapon nya pang hinahanap, kanina pa niyang pinanabikang makita.... Ang babaeng gusto nya ng hagkan at yakapin, ang babaeng di sya pinapatulog at di na sya makapag isip ng maayos. Dahan dahan.....naririnig niya ang t***k ng kanyang puso......ang bilis...... Para syang nananaginip at ang sarap sa pakiramdam. Parang lumulutang at sumasakay sa agos ng hangin. Mula noon hanggang ngayon Ikaw at ako..... Napakaganda ng kanyang minamahal kahit may takip ng manipis na tela ang mukha niya ay masisilayan parin ang taglay nitong kagandahan. At ngayon, nandito na Palaging hahawakan iyong mga kamay Di ka na mag iisa Sa hirap at ginhawa ay iibigan ka Mula noon hanggang ngayon Mula ngayon hanggang dulo Ikaw at ako....... Kasabay ng pagsikat ng araw ay ang pag-abot ng magulang nito sa mga kamay ng dalaga patungo sa kanyang mga kamay. "Ingatan at mahalin mo ang nag-iisa naming anak Timothy. " malaautoridad nitong sabi sa binata. "Lawakan nyo ang pang unawa at kayo ay magbigayan... Hijo, maraming angel ang kapalit ng nagiisa naming anak..... Wag mong kalilimutan yan. " Maluha luha namang sabi ng ina ng dalaga. "Mommy....... " namumutlang tutol ni Jewel "Makakaasa po kayo tita , tito. Mamahalin ko po ng buong buo ang inyong anak at hindi pababayaan." agad na sabi ng binata na namumula ang kanyang mga mata ng di maikakatwang galing sa pag iyak. "You can call us now dad and mom Hijo." at sabay na nilang ipinagkaloob ang dalaga sa binata. Nagtama ang mga mata ni Timothy at Jewel. Agad na ngumiti si Timothy at hinagkan ang kamay ng dalaga. Inilalayan niya ito na parang maharlikang prinsesa patungo sa kanyang trono kung saan tatanggap nila ang basbas mula sa kinatawan ng Panginoon. Nagsimula ng magsermon ang pari. Nangaral tungkol sa papasukin nilang sitwasyon bilang mag asawa. Pinalawak ang kaalaman tungkol sa kahihinatnan kung walang pagmamahal sa bawat isa. At ng ang pari ay nagtanong ... "Mayroon ba sa inyong tumututol sa kasalang ito?" tanung ni Father Harry Tahimik ang mga panauhin.... Ngunit may biglang sumigaw " ako po! " wika ng isang binata na namumutla Lahat ng mga panauhin ay napatingin sa taong sumigaw "Ako rin po!" sigaw pa ng isa na anak ni Mr. Ralp. Sumunod na sumigaw sa pagtutol ang lima pang binata..... Si Timothy ay biglang namutla sa kinatatayuan.... Si Jewel ay napanganga sa kanyang nasasaksihan... Ang mga magulang ni Timothy ay biglang nanghina.... Ang magulang ni Jewel ay napakunot lamang ang noo.... Ang lolo ni Jewel na walang mababakas na reaksiyon. Si Rex naman ay gusto narin makiisa kung ito lamang ang paraan para hindi matuloy ang kasalang ito.... Ang pari ay nagsalita.... "Mr. Timothy Green, nakikilala mo ba ang mga ito upang maging valid na pigilan ang inyong kasal? " "No father! " agad na sagot ni Timothy Muling nagtanong ang pari..... "Ikaw Ms Jewel Lyca Cannor nakikilala mo ba ang mga binatang ito?" "No.... I don't know them at never ko pa po silang naeencounter father... " sagot nman ni Jewel na punong puno ng pagtataka. "So what is the reason why all of you seven Gentleman are objecting in this ceremony? " pagtatakang tanung ng pari. Si Mr. Ralp ay nangangamot na ng ulo at bumubulong ng may diin sa kanyang anak. "Damn you son!!!! What the hell are you doing!!! Di ka ba nag iisip!? " galit na si Mr Ralp. "Sorry dad.... Nadala lang po ako sa unang sumigaw.... " nanginginig namang sagot ni Roy. "Anyone can tell us why? " si Father Harry na muling nagtanong. Tumaas muli ng kamay ang isang binatang unang sumigaw... "Father honestly this is the first time I saw this goddess woman. Im sorry... I just..... I just...... Father nakakahiya man po pero nalove at first sight po ako." pag amin ng isang binata. Ang mga bisita na nagulat ay naguhitan ng ngiti ang mga labi at ang iba ay nagtatawanan. "The others? The same reason? " nakakunot noong tanung ng pari. Yumuko ang mga binatang nag object nung isa isa niya itong tiningnan. "Sorry to say para sa inyo Gentleman... It is not valid.... So that ..... tuloy po ang kasal." seryuso parin ang pari sa pagsasalita "Magiging valid lamang ang objection kung ang reason nyo ay may sapat na dahilan para patigilin ang kasalang ito. At kung kayo ay konektado sa mga ikakasal.... " dagdag pa nito. Nakahinga ng maayos si Timothy. At huling huli ng mata ni Jewel ang paghugot nito ng malalim na hininga. Si Don Franko ay tahimik lamang sa isang tabi at di man lang tinapunan ng pansin ang mga binata. Muling nagsimula ang pari sa kanyang gawain. Pagkatapos nito ay nagsimula na sa mga ritwal na nagpapatunay ng kanilang pagbubuklod. Mga matamis na palitan ng mensahe at pangako at pagsusuot ng singsing bilang simbolo ng kanilang pagmamahalan. At ng matapos...... "I now pronounce.... Timothy and Jewel are now ...... husband and wife. You may legally kiss your bride. " nakangiting saad ni Father Harry at mapapansing binabasbasan ng langit ang umagang iyon dahil sa umaambon habang maganda ang pagsikat ng araw. Itinaas ni Timothy ang belo ng kanyang asawa. Sa pagkakataong ito nag uunahan ng kumawala ang mga luha sa mata ng binata. Sumabog na ang liwanag ng haring araw kaya naman kitang kita ng mga panauhin ang mga nagaganap. Kung paano umiiyak si Timothy SA harap ng babae at halos ng naroroon ay nadadala sa emosyon ng lalaki. Titig na titig si Jewel sa asawa. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at pinawi ang mga luha sa mukha ng lalaki at ngumiti. May kung ano siyang nadarama sa lalaking kaharap niya na masasabing mula sa simula ay totoo ang kanyang nararamdaman dito. Minahal na talaga niya ang lalaking nasa harapan niya. Agad namang hinalikan ni Timothy ang kabiyak ng kanyang puso. At masigabong palakpakan at hiyawan ang maririnig sa paligid. Matagal at banayad na halik na tinutugunan naman sa unang pagkakataon ni Jewel. " Hija ...Hijo .... Baka naman pwedeng mamaya na ulit? Nagugutom na kaming panauhin ninyo. " ani ni Father na halatang kanina pang hinihintay matapos ang halik at nangangamot na ito ng batok. Saka lang natauhan si Timothy at kumawala si sa paghalik sa dalaga at niyakap niya ito ng mahigpit. "Biyaya ng Panginoon ang sumainyo bilang isang ganap ng mag asawa. Humayo kayo at magpakarami !" muling basbas ng pari sa kanila. Ipinangko ni Timothy si Jewel sa kanyang mga bisig at hindi niya ito ibinaba hanggang makarating sila sa kanilang trono sa may reception area. Nagsimula ng magsaya ang lahat. Nagkaroon ng tradisyunal na pagsasaya kung saan may sayawan at sabitan ng pera. Mga pinangarap ng bride na itinupad naman ng groom. May bintahan ng malagkit at kung anu anu pa. Ang mga bisita ay tuwang tuwa dahil sa nasaksihan nila. Ang kikitain nila sa kasalang ito ay mapupunta sa isang pamilya na pinili nilang alayan na ikinakasal rin sa araw na ito . Ito ang kasambahay nila sa mansion ng Cannor na nainlove sa hardenero nila. Di nila lubos maisip na nagaganap pa pala ang ganitong kasalan lalo na makabago na panahon ngayon. Isa isang nilalapitan ng bagong kasal ang mga bisita sa bawat table upang iparating ang pasasalamat sa pag dalo. Si Mr. Ralp ay nahihiyang tumingin sa dalaga ng makita nya itong kasama ang asawang naglalakad at paglapit sa kanila. "Uncle Ralp! Everyone... Thank you for coming. " Si Jewel na siya na mismo ang unang bumati at napansin niyang nahihiya ito at katabi niya ang lalaking kanina ay nag object sa ceremony. "Hija....hijo.... I apologize to what happened earlier.... My son doesn't know what he done." Si Mr Ralp na makikitaan mo talaga ng sensiridad at pagkapahiya sa ginawa ng anak. "Ow.... He is your son po pala Uncle? Hmmm It's okay.... It went well naman po ang lahat.... " tugon ni Jewel ng nakangiti. Kasalukuyan sila ngayong nakatayo. "Hija,....hijo... This is my son, Mr. Mark Roy Thompson. " pakilala ng ama sa kanyang anak. Si Timothy ay nakikipag tagisan ng matatalim na tingin sa binata. Naputol lamang ito ng iabot ni Jewel ang kanyang kanang kamay sa binata na agad namang kinuha ng binata at dinampian ng halik ang maysuot noong cetro gloves na kamay. " If Im not mistaken your the one Uncle Ralp recommended na papalit sa kanya sa paghawak ng company ko. Hope you can accept it para makapagpahinga na si Uncle at makapagrelax. " si Jewel na makikitaan mo ng masayang mukha. "By the way Tim, This is Mr. Ralp Thompson , He is my sub CEO sa EMJH. I call him Uncle dahil wala pa ko mundo, kasama na sya ng daddy ko sa mga pinatatakbong mga negosyo. " pagpapakilala naman ni Jewel sa matanda. Nakipagkamay si Timothy sa matanda at nagpasalamat. Nakipagkamay rin ito sa anak ngunit ang mga kamay nila ay makikitang ng puwersa. "Congrats hija, congrats Mr. Green. Ingatan mo ang asawa mo Mr. Timothy dahil nag iisa lamang iyan. " nagagalak na sabi ni Mr. Ralp. "Makakaasa po kayo." tugon naman ni Timothy. Siniguro nilang napasalamatan nila ang lahat ng bisita bago bumalik sa kanilang trono... Maya maya ay dumating na ang dalawang private chopper na susundo sa mag asawa at sa mga body guards ng mag asawa. Inilabas narin ng mga katulong ang mga luggage ng bagong kasal. All are now prepared. "Time to go hijo. Baka malate pa kayo sa flight ninyo. Please takecare of your wife. Takecare of my grandchild. Kailangan sa pagbabalik ninyo ay may mabuo na" wika ng matanda sa mag asawa. Nagpaalam na sila sa pamilya at sa mga panauhin. Lilipad sila sa Paris para sa kanilang honeymoon. Ihahatid sila ng chopper kung saan naroroon ang private airplane na kanilang sasakyan. Hirap man sa suot niyang wedding gown ay tinitiis ni Jewel hanggang sa makarating sila sa pension house nila in Paris. Isa parin ito sa mga pinangarap nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD