CHAPTER 18
Napayakap si Jewel sa kanyang mga magulang pagkatapos ng game. Talagang naenjoy nila ito.
"Wow dad!!!!! Ang lakas nyo pa po pala!!!!! Congrats Po.., Naku mommy ha tinalo nyo po kami..... Ang hina ng partner ko mommy eh... anu ba yan....." natatawa nitong wika.
Si Roy naman ay nangangamot ng ulo habang nakangiti.
"I'm just kidding Roy, alam ko namang mabigat talaga ako hehe."
"Naku Miss hindi ka naman mabigat..... Talagang pumalya lang ang kamay ko, pasensya na. " depensa ni Roy na kinatawa nilang apat. Bumalik na sila sa kinauupuan.
Nagpaalam naman si Roy kay Jewel at may aasikasuhin ito sa backstage. Ang lahat ng mga palaro ay ideya ni Roy dahil ang wika ng ama nito ay kailangang maging masaya ang gabi.
Napansin naman ni Jewel na wala pa rin ang kanyang asawa kaya naisip niyang sundan nalang ito.
Tumayo na siya at tumungo sa harden. Hindi niya ito mahagilap at wala siyang makitang bakas ni Timothy.
Nang bigla na lamang may humila sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig. Nagpupumiglas siya sa lalaking gumagapos sa kanya.
Gulat na gulat si Jewel sa nangyari. Hindi umuubra ang pagpalag niya dahil sa lakas ng taong nasa kanyang likuran.
Dinala siya nito sa isang sulok na madilim at nakita niyang may dalawang taong nag uusap na walang kaalam alam ang mga ito na siya ay nasa kapahamakan, ginagapos ng isang lalaki mula sa kanyang likuran at pilit na itinatago.
Nakita ni Jewel ang kanyang asawa. Tama ang kanyang asawa. Isinisigaw niya ang pangalan ng kanyang asawa ngunit hindi makalabas ang kanyang boses dahil sa panyong nakapatong sa palad na itinatakip sa kanyang bibig. pilit na siya nitong ikinukubli sa dilim kung saan hindi na siya makita.
Naramdaman niya ang hininga ng taong pumupulupot sa kanya patungo sa kanyang teynga at.....
"Huwag kang maingay! s**t!! "
Nakaramdam siya ng takot at lumuha na ang kanyang mga mata ng muli itong magsalita.
"Keep your eyes opened. Let your ears heard it. Be wise Miss Jewel. Yan ang gustong iparating sayo ni Rex. Calm down. It's me Kim. Shssss " bulong nito sa kanyang teynga.
Biglang kumalma si Jewel at nakahinga ng maluwag. Akala niya ay katapusan na niya. Dahan dahan namang kumalas si Kim sa katawan ng amo niya.
Ipinihit ni Kim si Jewel kung saan makikita niyang mabuti ang nangyayari sa kanyang unahan.
Hindi malinaw ang kanyang naririnig ngunit alam niyang nagtatalo ang mga ito at may boses na umiiyak, ang babae na kausap ang asawa niya.
Hindi rin niya makita ang kasama nitong babae dahil madilim. Pilit niyang inaarok ng kanyang paningin ang puwesto ng dalawa.
Nakita niyang umalis na ang kanyang asawa. At maya maya ay gayun din ang babae.
"Let's go Miss Jewel. I allowing you to use a powder room para ayusin mo ang iyong sarili. Di ka puwedeng bumalik nang ganyan. I know your smart. By the way..... here pinabibigay sayo ni Rex mo....." at inabot ang isang dilaw na rosas.
"Symbolized of jealousy and greed.....tsk! tsk! friendship, care and remembrance...... Buhay nga naman ng tao....." dagdag ni Kim na ipinatong pa ang dalawang kamay sa likurang bahagi ng kanyang ulo.
"Where is he? where is my kuya Rex? " si Jewel
"Far from us. Inutusan nya lang ako the last time na kinausap nya ako. So pag nagkita kami, may utang sya sakin.....triple na ang sisingilin ko hehe" si Kim na nakangiting aso na....
Gumuhit ang kalungkutan sa kanyang mukha. Gusto niyang umiyak ng maalala ang binatang si Rex pero pinili niyang maging matatag.
Nagtatalo ang kanyang isip sa kanyang nakita.
Agad na pumunta si Jewel sa comfort room na kasalukuyang may ilang kababaihan na naroon. Binati siya ng mga ito. Ngumiti siya sa mga ito bilang tugon.
Inayos niya ang kanyang sarili at bumalik sa table kung saan ay makikita na niyang nakaupo na roon ang kanyang asawa.
Nasa likuran lamang niya si Kim.
"Act nothing's happened... Nasa likuran mo lang kami Miss. " bulong nanaman ni Kim sa kanya bago umagwat ng layo rito.
Tumayo naman si Timothy ng makita siya at siniil siya nito ng halik na ikinagulat naman niya. Sweet turns to strange... Hindi siya gumanti ng halik dito at hinayaan na lamang ito.
"Kamusta ang pakiramdam mo Tim? Feeling good na ba? " malamig nitong tanong.
"Yes. " sagot naman niya.
"We can go home if you want. " muli ay wika ni Jewel.
"I'm fine sweetie.... Enjoy the night. "
Tinitigan na lamang niya si Timothy saka bumaling sa harapan ng stage. Maeenjoy nya pa kaya ang gabing ito?
Itinuon na niya ang paningin sa intablado.
"Ladies ang Gentleman , the EMJH grand draw is now opened. Ready na ba kayo? " naghiyawan na ang mga participant.
"May idea na ba kayo sa grand draw natin?" muling umugong ang paligid.
"Ayannnnn ang swerte naman..... Sana isa ako sa mabunot...... yes!!!!!! Nakahit naba??? " lalong humiyaw ang marami.
"Alam na alam nyo na ba? Hmmmm sige na nga. Sampu lang naman.....ahuh! Whatttt????? Sampu lang? may goshhhhh!!!!!Sampu yun oi!!!! Last year ang grand draw natin at tatlo ha.... ngayon ay...ilan nga???? "
"Sampu!!!" sabay sabay na sigaw ng marami at nag palakpakan.
"Ang grand draw natin ay sampu ang makikinabang!!!!! " muli nanamang nagpalakpakan ang mga participants at tuwang tuwa sa balita.
" Wait lang wait lang mga kaibigan.... Katahimikan po muna.... Sa sponsor po ng grand draw tonight, maraming marami pong salamat. Hulog po kayo ng langit para sa aming lahat. Maam Jewel and Sir Timothy , sa Cannor family po sa nangunguna si Don Franco Cannor thank you thank you thank you so much po mula sa aming mga puso!!!!!" kasabay nito ang walang humpay na palakpakan.
"Ayah...... Explain muna ako mga dear co-employees , bago magbunot ang ating boss ng mga pangalan.... Ang sampung manunubot ay makakatanggap ng.... tumataginting na fifteen thousand pesos !!!! plus worth of five thousand pesos of Xmas's groceries!!!!!" muli nanamang naghiyawan ang mga employees.
"Hep! Hep! Hindi pa ako tapos eh.... " makikita at mararamdamang sabik na sabik ang lahat.
"May trip to Palawan for three days with pay po yun!!!!! Kakaluka, sana mabunot naman ang pangalan ko!!!!! " nagsipagtayuan na ang lahat at pumapalakpak kasabay ang hiyawan.
Tuwang tuwa naman ang buong pamilya lalo na si Jewel na isinantabi muna ang kanyang nararamdaman. Ngayon lamang niya naranasan ang pakiramdam na ito. Napakasaya palang magpaligaya ng mga tapat nilang employees. Kung wala sila ay hindi niya mararating ang karangyaan at tagumpay ng kaniyang negosyo.
"Teyka merun pa .... Package yung trip to palawan ha.... Libre na lahat kasi sasakay mismo sa private airplane nila bossing at sa mismong seven star hotel nila magchecheck in yung sampu.!!!! With kasama nyo pa ang mag-asawang Cannor-Green. Grabeh sa swerte ha super exciting sa adventure..... Overload na toh!!!!! Salamat po Mr. and Mrs Cannor na sumagot po naman sa mga activities na gagawin sa palawan!!!! Wowww!!!! At.... Tumahimik po muna ang lahat....para po akong cocollaps na.... Tubig tubig po.... " at agad namang siyang inabutan ng tubig at malawak na ngumiti. Muling umugong ang palakpakan sa loob.
"Naaalala nyo po yung Christmas story nyo na isinabit dyan sa dambuhala nating Christmas Tree? May isa..... Hmmmm isa lang naman..... Isang napakaswerte na mababago ang buhay at...... mag mamay-ari ng HOUSE and LOT!!!!! Sino kayo yun!!!!!? Over na toh ha!!!!! Magcocollaps na talaga ako dito..... Aminin nyo mga kasama ito na ang the best sa pinaka the best Xmas ever!!!! " halos dumagundong ang buong hotel sa hiyawan. Nanatiling nakatayo ang lahat at muling nagsalita ang MC.
"Napakaswerte naman..... kaya halika at tara na simulan na natin!!!!!!!! " muling masiglang sigaw ng MC.
Umugong na ang masigabong palakpakan at biglang kumakabog ang kanilang dibdib. Lahat ay gustong mabunot.
Nakangiti naman si Jewel Lyca na hinalo ang laman ng garapong malaki at iniangat ang papel at kanyang binasa. Halos hindi naman mapigil ang ilan sa kasiyahan ng matawag ang kanilang pangalan. Tuwang tuwa ang lahat ng mga nabunot. Kasama sa sampu ay ang pangalan ni Miss Jenly Rivera. Nakaschedule ang trip to palawan sa first week of January.
At ngayon ay ang mananalo ng House and Lot na si Don Franco ang bubunot.
Mapalad na nakuha ang pangalan ng isang matandang janitor na halos sampung taon ng nagtratrabaho dito. Umiiyak itong umakyat sa stage at halos mawalan na ng ulirat.
Ipinaliwanag ni Mr. Ralp na ang bahay ay kumpleto na sa gamit ay may mga groceries narin. Kahit bukas na bukas ay pwede na silang lumipat. Natuluyan ng nahimatay ang matanda. Hindi namalayan ni Don Franco ang luhang tumulo sa kanyang mata sa katuwaan. Inaamin niya na naisangtabi niya ang problemang kinakaharap. Agad naman inasikaso ng rescue team ang matandang dyanitor at mabilis na nakarecover ang matanda.
"Para sa lahat, ito naman yung pabunos ko sa inyo. Mga co-employees, oras na para sa inyong -seat me much- , hey hey! Walang inggitan ha ..... Kayo ang pumili ng inyong inupuan kaya halahhh hanapin nyo na sa upuan nyo! Enjoy it" ani ni Mr. Ralp na agad namang ikinaingay ng mga employees sa kanilang area. Kababaan ng halaga na ito ay limang libo. Panay ang tamblingan ng kanilang upuan at tawanan at hiyawan ang maririnig. Tuwang tuwa rin ang pamilyang kasamang dumalo.
Ibinigay narin ang lahat ng mga regalo na may mga pangalan sa may mga anak. Bawat isa sa kanila ay uuwe ng may saya sa kanilang mga labi. Lahat ay may mga Xmas groceries pack. Welcome pack at mga napanalunan sa raffle draw.
Hindi na tinapos ng Cannor family ang party. Umalis na ang mga ito. Binigyan naman sila ng sabay sabay na wika ng pasasalamat at masigabong palakpakan.
Nakatulog naman sa byahe si Jewel. Nakahilig ito sa dibdib ng kanyang asawa at yapos naman ito ni Timothy habang si Kim naman ang kanilang driver at katabi nito si Ethan. Nasa likuran naman nila Timothy ang tatlo pa. May mga mobile rin na tauhan ng Cannor sa una at huling sasakyan.
Nang makarating sa kanilang tahanan ay si Timothy na ang naglinis ng katawan nito at pinalitan ang kanyang kasuotan saka niya inasikaso ang sarili at tumabi sa asawa at natulog.
Kinabukasan sa mansion.....
Nag usap ang mag asawang Cannor at ang ama nito. Lahat sila ay napaisip sa nangyari ng gabing iyon. Galit si Don Franco na malamang nagtratrabaho ang Jenly Rivera sa poder ng kanyang apo na hindi man lang nakuha ng informant nya ang detalyeng ito.
Binalita ngayon lang ring umaga na baguhan lamang ang Jenly sa pinagtratrabahuhan nito.
"Katutuhanan na ang lumalapit sa apo ko. Matatag si Jewel at alam kung kakayanin nya ito. Nagkakilala na sila. Wala na akong magagawa. Sa ngayon ay wala tayong gagawin. " ang wika ni Don Franco na malayo ang tingin at inaarok ng kanyang isip saka ito tumalikod at tumungo sa kanyang opisina sa mansion.
Napabuntong hininga naman ang mag asawa.
Mabilis na lumipas ang pasko at bagong taon.
Paalis si Timothy sa kanilang bahay ng mga oras na yun. Napapansin ni Jewel na lagi na itong umaalis ng bahay ng napakaaga at uuwe ng gabi na. Napag alaman rin niyang hindi naman ito pumapasok sa opisina.
Nagpaalam na ang asawa niya at hinalikan ito ng mariin sa kanyang mga labi saka niyakap.
"Mag -iingat ka Tim. " wika ni Jewel kahit bakas sa kanya ang pagtataka ngunit hindi niya kaya itong komprontahin.
"I love you so much sweetie. " at iniwanan pa niya ng halik sa noo bago tuluyang sumakay ng kanyang kotse.
Makalipas ang thirty minutes ay pumasok si Kim sa bahay. Nakita niyang nakaupo si Jewel sa sofa kaharap ang kanyang laptop. Nagtratrabaho ito kahit nasa bahay lamang. Sa second week pa siya magtratrabaho sa opisina after Palawan.
"May lakad tayo Miss. Jewel. Magbihis ka. Disguise your self. At pinabibigay po ito ni bossing. Open nyo nalang if ready na kayo. May be tonight? Tomorrow? or in other day. Just sign it after. " utos ni Kim.
Nagtataka man ay sumunod ito dahil nakuha na nito ang kanyang loob lalo na at pinababantayan siya ni Rex dito.
Matapos magbihis sa kanyang dating hitsura bilang manang ay agad itong sumakay sa kanyang sasakyan. Nasa gitna siya ng Drey at Kim. Si Alan naman ang mag mamaneho at katabi nito si Ethan . Mga nakasimpleng kasuotan lamang ang mga ito.
"Nasaan si Kuya Felix? Si Jewel na hindi makita ang isa sa kasamahan nila.
"Nauna na. " tipid niyang sagot.
"Saan tayo pupunta? " muling tanong ni Jewel.
"Sa Quezon. Mamaya ka nalang magtanung hehe" si Kim na busy sa kanyang kachat.
Napanguso naman si Jewel.
"Kelan mo ba sasabihin sakin kung nasaan ang kuya Rex ko? "
"Ayan nanaman po tayo, bakit mo ba laging hinahanap yun eh ako na ang bago mong partner beyennnn!!!! " tugon nito.
"Im just asking. "
"Miss mo? Naku pohhhhhhh kahit sinu samin walang nakakaalam kung nasan ang kumag na yun. Basta ang sabi samin....alalayan ka namin hanggang wala siya at may inaasikaso lang..... Si bossing nagpapasahod samin pero libre serbisyo namin sa kumag nayun! Tsk tsk! " Pailing iling nitong sagot.
"Nga pala hahawakan ko teynga mo ha, wag kang papalag. Utos din ito ng kumag na yun." at may kinuha itong itim na box.
Naramdaman niya na pinipisil nito ang teynga niya sa pinakatoktok na bahagi nito at biglang may itinusok doon. Napasigaw si Jewel sa sakit. Hinampas ni Jewel sa dibdib ang binatang si Kim.
"Sakit nun ah!!!! " sigaw nito.
" Huwag ka sakin magalit! Parang kagat lamang ng lamgam ehhh.... Sumusunod lang ako sa utos! naman eh sisingilin ko talaga siya ng malaki pagbalik nya! Pinapackage yan ni boss Rex, wala ngang address eh. tang s**t! Mahal ka talaga ng kumag na yun eh. " halos pabulong nitong sabi sa huling pangungusap.
"Anung sabi mo? Anu ba itong inilagay mo? " si Jewel na halos di mahawakan ang teynga at namumula.
"Na disinfect na yan, wag kang mag alala. Di ka mapapano. Di ko nga alam kung anu yan eh. Hikaw. Hikaw na isang paris lang hehe. Ang weird. Medyo itago mo sa matang uwak. Kasi mamahalin ang bato oh, baka ma snatch. Pero tago narin naman siya at hindi halata. " paliwanag nito.
Tumahimik na muli sa loob ng sasakyan. Si Kim naman ay patuloy parin ang pagtipa sa kanyang cellphone. Maya maya ay tumigil ang sasakyan sa parking area ng Heart Center Hospital.
"Anung ginagawa natin dito? " pagtatakang tanung niya kay Kim.
Bumaba na ang tatlo at naiwan sa loob ang dalawa.
"Dito araw araw na pumupunta ang asawa mo. Just be smart Miss Jewel. Balang araw pasasalamatan mo ako. Tara, baba. I'll be your big brother muna. Nasa loob si Felix. " sabay inalalayan niya itong bumaba. Wala na ang tatlo at bigla nalang itong nawala.
Sabay silang pumasok sa loob ng hospital. Nagulat siyang kasabay nilang pumasok doon ang mag-asawang Green, ang magulang ni Timothy. Hinila ni Kim ang braso si Jewel na natutulala at tinahak ang likurang bahagi ng hospital. Mayroon itong park kung saan ay pwedeng magpahangin ang mga pasyente.
"Ito ang importanteng dapat mong makita." sabi ni Kim habang hila niya si Jewel.
Pinihit ni Kim ang katawan ni Jewel sa direksyon kung nasaan ang kanyang asawa. Nakita niya itong nakikipaglaro sa batang babae na nakawheelchair.
Sinenyasan ni Filex si Kim na lumipat ng puwesto.
Bakit nakakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso at napupuno ng maraming katanungan ang kanyang isip.
Hinawakan ni Kim si Jewel sa kanyang balikat na parang nakaakbay at tinahak ang likurang bahagi ni Timothy. Inilapit ni Kim si Jewel sa likurang bahagi ng asawa kung saan ay my bench dito na mauupuan patalikod sa mga ito.
Habang papalapit sila ay malinaw niyang nakikita ang mukha ng batang tuwang tuwa sa kanyang asawa. Naupo ito patalikod sa kanila. Malinaw na malinaw niyang naririnig ang usapan ng dalawa.
"Daddy..... Sige na po bili tayo ng ice cream.... " lambing ng bata.
"Saka na anak kapag nakalabas ka na dito. Promise mamamasyal din tayo. Sa ngayon aakyat na tayo sa taas at may surprise sayo si daddy!!!! Naghihintay na sila sa taas. Happy birthday anak! "
"Promise daddy!? kasama si mommy? "
"oo naman. "
"Wow thank you daddy! Wag mo na kaming iiwan ha..... "
"Hindi kita iiwan.... love kita eh.... oh tara na... "
Tuluyan ng bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. Kanina paring nakaalis ang dalawa sa kanyang likuran. Inabot ni Kim ang panyo niya sa amo.
"We are not yet done Miss Jewel kaya save your tears muna...., wala akong dalang tabo. Sinabi ko na sayong mahal ang presyo ng luha mo eh.... " seryuso nitong sabi.
"May anak ang asawa mo sa babaeng minahal niya noon. Katatapos lamang maoperahan ng anak niya. Ang tanging hiling ng bata ay ang narinig mo kanina. Just be wise..... but your the one who can decide. " seryosong wika ni Kim.
Agad namang nagpunas ng luha si Jewel. Tumayo ito at tumungo na sila sa parking area. Naghihintay ang kasamahan nito sa labas ng sasakyan.
Lulan na sila ng sasakyan at walang imik ang babae sa loob. Malayo ang iniisip. Pagkarating ng bahay ay agad na nagbihis ng swimsuit at nagpagod ito sa pool. Habang si Kim naman ay naka upo lamang sa isang table at may kausap sa kanyang phone.
Naghatid ng makakain si Manang Fe sa labas. Dito na sila kumain ng hapunan.
"Hija nakaready na ang lahat ng mga dadalhin nyo bukas sa Palawan. Iisang luggage lamang ang ginamit ko sa inyo mag asawa. "
"Salamat po. " malamig nitong sagot.
Sabay silang kumaing tatlo ngunit si Jewel ay halos walang nakain. Parang nasasanay na siyang hindi nakakasabay sa pagkain ang asawa. Umakyat na siya sa kwarto. Binuksan niya ang brown envelop na ibinigay sa kanya ni Kim. Tinitigan niya itong mabuti saka pinirmahan.
Late ng dumating ang kanyang asawa ng gabing iyon. Narinig niya ang sasakyang nagpark. Nagtulog tulugan siya nang naramdaman niyang pumasok ito sa kanilang kuwarto. Agad itong lumapit sa kanya at naramdaman niyang hinalikan siya nito sa noo at sa labi. Narinig din niyang ibinulong ang salitang mahal siya nito. Saka ito pumasok ng banyo upang maligo. Nag unahan namang lumabas ang kanyang mga luha.
Kinaumagahan ay maaga silang umalis. Natira si Manang Fe sa bahay kasama ang ilang security.
Ngayon ang flight nila going to Palawan. Mabilis nilang narating ang venue. Kumain muna sila bago sinimulan ang pamamasyal.
Magkahawak ang kamay ng mag asawang naglalakad habang iniikot ang paligid ng hotel kung saan ay sumusunod sila sa tour guide. Sa di kalayuan ay narating nila ang dalampasigan. Puting buhangin na bumuhay sa grupo. Agarang nag sipag hubaran ang mga kasamahan nila.
Nakiisa si Jewel at Timothy sa marami.
Inaya naman ni Jewel si Jenly na kasalukuyang nakaupo lamang sa buhanginan.
"Come join with us Miss Revira. " aya ni Jewel
Nakita ni Jenly si Timothy na sa dagat nakatingin habang nakahawak ito sa beywang ni Jewel.
Naka swimming trunks na si Timothy at naka two piece naman si Jewel na agaw pansin sa mga turista doon.
"Salamat po Maam. Okay lang po ako dito. Magenjoy po kayo. "
Pagkasabi nito ay binuhat naman ni Timothy ang kanyang asawa at dinala sa malalim na bahagi ng dagat. Kitang kita dito ang saya na parang sila ay mga bata na naglalaro.
Damang dama ni Jenly ang sakit sa kanyang puso.
Flashback Xmas party......
" Timothy!?... " gulat na gulat si Jenly sa kanyang nakikita.
Hinatak siya nito sa madilim na bahagi ng harden. Kitang kita sa mga mata ng lalaki ang galit nito sa kanya.
"f**k it! Why are you here!? " matigas na tanung ni Timothy sa dalaga.
"I'm -I'm sorry...... I don't know...... "
"Nananadya ka ba!? f**k!" matigas parin ang kanyang tinig.
"Maniwala ka Ty wala talaga akong alam na sa inyo ito..... Na sa asawa mo ito...... Di ko talaga alam.... " nababahalang sagot niya habang dumadaloy ang masagana niyang luha sa kanyang mga mata.
"How dear you! Bakit nagawa mo sakin toh Jenly ! "
"I'm sorry..... Mahal kita Ty...... Mahal na mahal kita kaya ayaw kitang saktan, kaya nagawa ko yun ty! "
"Damn! Anong tawag sa ginawa mo!?"
"Hindi ko sinasadya Ty..... Maniwala ka..... Hindi ko rin alam na buntis na pala ako nun.... I'm sorry..... Believe me minahal kita ty until now I love you..... "
"Makasarili ka Jen.......... Ang tanga kong naniwala ako sayo!!!!!! Kukunin ko ang anak ko sayo. No matter what!"
"No please! No please ty, I can't leave without her.....She is my life.... Kailangan rin ako ni Anja... Please....."
"You ruined my life Jen. Ngayong nabuo na muli ang buhay ko, muli mo nanamang winawasak!!!! I really really hate you!!!! Please lang.... Stay away form my wife!!!! I love here so much kaya wag na wag ka lang gagawa ng bagay na ikakapahamak mo! Ako ang makakalaban mo!"
Present......
Ibinubulong ng isipan ni Jenly na gagawa siyang muli ng paraan na mabawi ang kanyang minamahal na lalaki para sa kanyang anak. Kahit ang kapalit nito ay makasakit pa siya.