CHAPTER 1
"Lolo, it's your birthday so please hindi po ako ang dapat na kinukulit mo ngayon....ako ang dapat mangungulit sayo ehhhh.... hmmm " paglalambing ni Jewel sa kanyang Lolo.
"Hija, Im just hoping na makalusot lang naman..... magshift ka nalang kasi sa BA course para din ito sa future mo hija.....you need broad knowledge pagdating sa business. Pabirthday mo na sa lolo... I'm getting older you know....Muka lang akong batang tingnan at malakas pero, Hija, tumatanda na ang lolo. Not all the time eh pogeh ang ako, soon babaluktot narin ang likod ko.... Alam mo naman na ikaw lang naman ang apo ng lolo eh..... Ikaw lang ang tatanggap ng lahat ng mga pinaghihirapan namin ng magulang mo. " balik lambing ni Don Franko sa apo.
Si Don Franko Cannor ang half American at half Filipino ngunit pinoy na pinoy ang puso at kilala sa larangan ng industriya. Limang taon ng biyudo, dahil sa car accident at ikinamatay ng pinay niyang asawa.
A multi billionner at kinikilala sa loob at labas ng bansa dahil sa tagumpay ng kanyang mga negosyo lalo na sa impluwensya ng networking channel nya.
Ang CNC stand for Cannor Networking Channel na siya mismo ang nagpapatakbo nito. Bukod dito ay may negosyo pa siyang ang anak at asawa nito ang namamalakad.
Ang CTF stand for Cannor Toy Factory at CRS stand for Cannor Recording Station ang kompanyang pinalalago ni Mr. Frankie Rowel Cannor.
Ang CPC stand for Cannor Pearl Company na ang ina ni Jewel naman ang humahawak na Mrs. Jenny Ferrer Cannor.
Kalat din ang iba pa niyang institution na pinagkikitaan ng milyon buwan buwan na ang mga pinagkakatiwalaan nyang tauhan ang kanyang pinapahawak dito. Mayroon din syang share sa ibat ibang company na ang kinikita nito ay deretso sa safety account ng kanyang apo.
"Naku ang lolo naman ehhhh, kinokonsensya ako....."nakangiti nitong pahayag. Hmmmm don't worry po at pag iisipan ko po ng mabuti." wika niya sabay yakap sa kanyang Lolo.
Sa ganitong sitwasyon sila naabutan ng kaniyang magulang. Ang daddy niyang si Mr. Frankie Rowel Cannor at ang asawa nitong si Mrs. Jenny Ferrer Cannor.
"Papa, bata pa naman po si JL, she just 17. Let us give her freedom for a while? I believe na soon naman eh di nya parin matatakasan responsibilidad nya bilang Cannor." wika ni Rowel sabay kindat sa kanyang anak.
Jewel Lyca Ferrer Cannor, a 17 years old young lady na nag iisang anak nila Rowel at Jenny, a Miracle baby na nakasurvive sa sinapupunan ng kanyang ina. Na sa mura nyang idad makikita mo ang malabirhen niyang mukha.
Ang mata niyang kulay berde, ang kaniyang buhok na kulay mais , ang labi na hinulma na kulay rosas, ang ilong niya na perpekto sa hubog, ang balat niyang porselana at ang katawan niyang likas na namana niya sa ina na kahit sa anung angulo ang ganda ng pagkahubog.
Bukod dito ay may taglay na talino at talento. Nag iisang anak.....
Si Jenny Ferrer Cannor, ang kanyang ina na may sakit sa puso at nagpumilit lamang sila na magkaroon ng anak na hindi na kailanman masusundan pa. In short ang pamilya Cannor ay maliit na pamilya ngunit nabibilang sa bilyonaryong tao sa mundo. At si Jewel lamang ang makikinabang ng lahat ng yaman ng pamilya.
60th birthday ng kanyang grandfather. They going to celebrate it sa tanyag na East Manila Jewel's Hotel.
Ang titulo ng pamamalakad ng hotel nito ay nasa pangalan na ni Jewel Lyca. Yes , simula ng siya ay magcollege natutunan na niyang magpatakbo ng company ngunit mapapansing nakahidden ang identity nito.
Dito sinasanay ni Don Franko ang kanyang apo. May pinagkakatiwalaan ang kanyang lolo na kumakatawan sa apo at nagiging adviser si Jewel Lyca sa lahat ng transaction kapag komplikado.
Dito dinaraos ang mga okasyon ng lahat ng kanilang negosyo maging ang President ng Pilipinas ay ito rin ang pinipiling set up ng kanyang mga okasyon dahil sa magandang pamamalakad nito.
Napakaelegante nilang tingnan sa kahit napakasimple lamang ng mga suot ay nabibigyan ng pansin ang bawat lapat ng damit.
Nilapatan lamang ng manipis na make up ang mukha ng dalawang babae, dahil kahit wala ng make up ang mga ito ay lumalabas na ang angkin nilang ganda.
Si Jewel Lyca na naka semi-long gown na silver at tinirnuhan ng 2inches na hills at black pouch, at ang buhok niyang natural ang pagkabouncy ay malayang nakalugay.
Magkakahiwalay ang mga kotseng kanilang ginamit. Isa sa mag asawa, isa sa kanyang Lolo at isa naman sa kanya.
Nang makarating sa main entrance ng hotel, naunang bumababa ang mag asawa, mamaya na sinundan ng kanyang Lolo ay sabay silang pumasok paloob. Maraming reporter, maraming camera ang panay ang flash SA kanila.
Huling bumababa si Jewel. Lage itong nakahiwalay sa pamilya upang maiwasan ang mga matang mapanganib, alam nilang kapag sa negosyo hinahanapan sila ng butas upang makalapit sa pamilya.
Nais ng pamilya na mabuhay si Jewel ng tahimik. At ang buhay nito ay ipinagkakatiwala ng pamilya sa limang taong binabayaran ng malaki upang siya's ingatan. Mga lisensyado at nagmula pa sa special task force ng kapulisan. Isa na rito si Rex Cantos ang kanyang personal bodyguard. At ang apat naman ay di mo mapapansin dahil para lamang silang normal na tao sa paligid.
Nagpalipas muna si Jewel ng halos sampung minuto bago siya bumaba ng Mercedes. Ipinagbuksan siya ng pintuan ng kotse ni Rex.
Naglalakad na ito pataas ng hagdan ng maout balance siya dahil sa di sinasadyang nahagip siya ng nagmamadaling bisita na agad din naman siyang nasaklolohan. Hawak nito ang kanyang beywang sa saglit na oras.
Humenge ng paumanhin ang lalaki at agad naman itong tinanggap ni Jewel kahit na di man lang siya nito tinapunan ng pansin at nauna nang pumasok sa loob. Napailing nalang siya rito.
"Are you okay Princess?" pag aalala ng binata sa kanyang amo, ang kanyang personal bodyguard.
"Tell me , May masakit ba? I will catch that man if you -" naputol na wika ni Rex
"Don't worry kuya, I'm okay..... " nakangiti nitong sagot na napapaisip sa lalaking nakabangga sa kanya kanikanina lamang....
"I feel something.... no.... there something in his eyes na napakalungkot.... mga matang walang kabuhay buhay." naibulong nalang niya sa sarili.
Pumasok na sila sa loob at sinundan na lamang siya ni Rex sa kanyang likuran.
May sumalubong sa kanya at inihatid ito sa nakareserbang table para sa apatang tao. Malapit ang table na ito sa kanyang mga magulang.
Pinaghila ng binata ang dalaga ng upuan. At agad namang pumunta sa malapit na table kung saan nakakasama niya ang apat.
Siya si Rex Canto, a 22 years old young man. Personal bodyguard ng dalaga. Nagtataglay din ng kagwapuhan na kahit sinung kababaihan ay napapahabol ng tingin. Makisig na binata. Tahimik at seryuso.
Maya maya ay may humalik sa kanyang pisnge.
"You look so fragile honey, fabulous!!! nakahit sinong mapapatingin ay malulusaw sayong ganda at kung lalapitan ka ay tiyak na matatakot!" pagsalubong na wika ni Mita Mira.
"Hmmmm you know that I hate wearing this kind of clothes Mita. I love wearing a simple dress." malungkot ang boses niyang sagot rito. "Isa pa wala talagang magtatangkang lalapit sakin kasi may humaharang na ohhhh... " sabay nguso sa mga guard niyang nakabihis bisita at kasalukuyang nagmamasid habang may tinutunggang kupita ng wine.
"Yeah! Yeah your right! Ilang lang talaga kaming nakakalapit sayo. " sagot nitong tumataas pa ang kilay at kumukumpas ang mga daliri. " I saw you when you got in, kaya naman iniwan ko na ang kausap kong papang na napakagwapo. "
Mita Mira is Mr. Arim Sanchez who is one of an asset ng Lolo niya pag dating sa negosyo, a professional gay SA larangan ng industriya. Nag dederick sa mga shooting ng pelikula na kapag lumabas ay hit na hit sa masa. A singer ngunit piniling maging alalay ni Jewel sa ibang bagay. Tagapangalaga sa mga okasyon ng dalaga, sa make up at sa mga damit na susuutin dahil sa laki ng offer. Mentor din niya ito sa personal music lesson.
Maya maya dumating na ang dalawang mag ooccupy ng upuan. Si Mr. Ralp Thompson na may katandaan na at siyang nangangalaga ng kanyang Hotel at si Ms. Trishia Limb na sumusubaybay sa kanyang academics mula pagkabata.
"Good evening Miss. You look stunning tonight and you must enjoy the night" ani ni Mr. Ralp. " I was around when I saw you". dagdag pa nito.
"Thank you Uncle. Akala ko po naman ako na ang nauna sa grupo natin,,,, Im late na pala... " sagot naman niya dito ng nakangiti. Nakasanayan na niya itong tawaging uncle bilang pag galang at hindi na iba sa kanya ang matanda.
"Mr. Thompson is right. Ang ganda ng alaga ko" papuri ng kanyang Proffesor na si Trishia Havier .
"Thank you.... But I know nalusot ka lang ate Trish kasi mas late ka sakin.... " sagot niyang nakanguso.
"Yeah... sorry.... traffic. You know.... " sagot naman nitong nakangiti.
Nagsimula na ang party. Usual tulad ng dati wala namang pinagbago. Wala paring pahinga pagdating sa usaping business. Maraming nagtatangkang kumausap sa magulang ko at lolo para alukin na maginvest sa kanilang company. May ibang satisfy sa paglapit at may iba ding luhaan.
Mayroon accostic band na pang soft melodiya at marami ng sumasayaw.
May binatang lumapit sa kanilang table. Anak ito ng isang Senator. Si Mr. George Reyes. Balibalita na ang binatang ito at may magandang negosyo at may pangalang iniingatan.
"Hello everyone, I saw a lady who catch my attention, this is the first time I saw her in this kind of party." wika ng binata na nakatutok kay JeweI.
"I wanted to know the name of this lady,.... I am George Reyes. Can I dance with you? " paanyaya ng binata sa lalaki at inilahad ang kanyang kamay.
Maagap namang kinuha ni Trishia ang kamay ng binata na ikinagulat ng lalaki.
"Hello young man. That lady is not available for this moment. " at binulungan niya ito na ikinagulat ng lalaki.
"Im Trishia Havier , who would love to dance with you. " sabay tingin kay Jewel at nagpakawala ng kindat dito.
Nakita niyang pumunta na ang mga ito sa gitna. Naisip ni Jewel na may utang nanaman siya sa dalaga. Ngunit ang isang box ng pizza ay enough ng kabayaran para sa kanya dahil ito ang lage hinihingi kapalit ng mga bagay bagay na di inaasahan.
Sa kabilang table naman ay si Rex na lamang ang laman. Ang apat ay nasa paligid lamang. Napahinga ng maluwag ang binata ng makita na kinuha ni Trishia ang atensyon ng taong lumapit.
Marami ng kababaihan ang lumapit sa tabi ni Rex upang kunin ang pansin nito. Ngunit laging malamig ang sagot nito kaya walang tumatagal.
Si Mr. Ralp naman ay nagpaalam sa kanila dahil may gustong makipag usap dito ng private.
Ang tanging kasama na lamang niya sa table ay ang Mita Mira niya na di sya pwedeng iwan at baka mawalan ito ng trabaho dahil sa mahigpit na pinag uutos ng lolo nitong wag siyang iiwang mag isa.
Napansin niyang may kausap ang kanyang lolo na nakaagaw ng kanyang pansin.
Iyon ang lalaking nakatisod sa kanya. Parang nakikiusap ito na bigyan siya ng pansin sa mga oras na yun.
Napansin din niyang nakainum na ang kanyang lolo. At kung anung puwersa ang humahatak sa kanya upang pasimpleng lumapit sa mga ito. Inaya nito si Mita Mira upang di mahalata. Gusto niyang marinig ang pinaguusapan ng dalawa.
Napansin ito ni Rex kaya maging siya ay umalerto. Kilala niya ang kanyang alaga. Maaaring may gawin ito kung kaya 't dapat nasa tabi siya ng dalaga.
Tuluyan ng nakalapit sila Jewel at Mita Mira sa likuran ng kanyang lolo. Mula sa tagiliran ng babae ay siniguro niyang nahahagip ng kanyang mata ang lalaki. Gayun din ang maagap na pag sunod ni Rex.
At nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ng kanyang lolo.
"You want me to believe in you? huh? young man? Look at you..... Look at you, you look like a trash ..... You waste the wealth of your family. " panunutya ng kanyang lolo sa lalaki.
"Sir, all you need to do is trust me. I will asure you that I can bring your investment soon twice. Please....! " pagsusumamo naman ng lalaki na makumbensi ang kanyang lolo.
"You really f*uck my night young man. Hindi mo na ko tinigilan until here. Did you really want my yes? If you really do na kaya mo na.... na nakamove on ka na..... I dare you to sing a song-hmmmm-what is that..... by moyra -" paghahamon ng matanda sa binata habang iniisip ang title ng kanta ng biglang----
" Oh my it was PAUBAYA! " wika ni Mita Mira na biglang nagsalita sa likuran na hindi naman ikinapihit ng katawan ng matanda.
Natutop ni Mita Mira ang kanyang bibig dahil sa sumagot siya ng di nag iisip. Napataas naman ang kilay ni Jewel kay Mita Mira sabay napangiti. Wala namang mababakas na reaksyon sa mukha ni Rex at nagawa pang uminom ng alak sa kanyang kupitang hawak.
" Oh yes, its paubaya by Moyra. Make a boy version of that song young man, if you got the sympathy of us here you have my YES." pagkawala nito ay nilaklak ang lahat ng laman ng kanyang kupita.
"I'm gonna enjoy this night just because of you, go! " malaautoridad na wika ng kanyang lolo.
" What's happening here? halatang ang dami na nga nyang nainum at pinagtripan ata itong lalaking ito. Nagrequest pa talaga oh my!!!!! Kawawa naman...." bulong niya sa kanyang isip at napahilot siya sa sentido.
Nakita niyang dumilim ang mukha ng kanyang kausap at sabay na umalis. Akala niya magwawalk na ito ngunit tumungo ito sa guitarist na katatapos lamang tumugtog. May ibinulong ito at binigyan narin sya ng space sa entablado at inabot ang mikropono. Nag sipag handa narin ang mga kasamahan sa banda.
Jewel's POV
"s**t!!!! Seriously? Ganito na ba katindi ang pangangailangan nya?!" bulalas ko kay Mita Mira. Di nya maintindihan ang nararamdaman inis hindi para sa lolo kundi para sa lalaki. Parang ibinababa na nito ang kanyang sarili.
"I need to do something!" pagkawika ay dali dali akong pumunta sa may likurang bahagi ng entablado. Di ko mapigilang kunin ang isang mikropono pero may kusang umabot nito sakin. " Mita Mira, thank you. "
"Show me your voice honey, wag mo akong ipapahiya, We cover you up! " sabay kindat nito sakin.
Dim ang paligid. Hinatak ako ni Rex sa may kadiliman bahagi na di puntahan ng karamihan upang maiiwas sa anu mang kahaharapin. Nakita kong di nagustuhan ni kuya Rex ang gagawin ko.
Nagsimula nang tumugtog ang peyisa para sa awitin. Nagsimula na syang umawit at maririnig mong kabado ito ngunit mararamdaman mong may hinanakit siyang inilalabas.
(Young man)
Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan nong ako at di na naging sapat
Ba't di mo sinabi nong una pa lang?
Ako ang kailangan, pero di ang mahal.
Halos mawala na sya sa lyrics dahil wari ko'y nagbabadya nang magbago ang boses niya.... Parang iiyak?..... Anu ba ang pinagdadaanan niya? Kaya naman ako na ang sumalo ng kanta....
(Jewel)
Saan nagkulang ang aking pagmamahal?
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't di ko nakita na ayaw mo na
Ako ang kasama, pero hanap mo sya
Titig na titig sakin ang kuya Rex habang inaawit ko ito. Nang matapos ako at masarap ko syang nginitian at nakita kong umiwas ng tingin ito sa akin
Iniisip ko na maaaring nakabuwelo na ang lalaki. Pero kailangan ko parin syang alalayan. At sabay naming inawit ang CHORUS nito.....
(Jewel and Young man)
At kung masaya ka sa piling nya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kaniya
Huwag kang paluhain at alagaan ka nya....
Tahimik ang paligid. Maaaring maraming nagtataka kung saan nagmumula ang isang tinig. Muli siyang aawit....
(Young man)
Saan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing nababanggit na mahal mo ako?
Ba't di ko inamin na mayrong iba
Ako ang kayakap, pero isip mo sya
May pinaghuhugutan talaga ang lalaki.... At natutuwa na akong sumaliw sa awitin niya. Sana sa pagkakataong ito ay nadamayan ko sya.
(Jewel and Young man)
At kung masaya ka sa piling nya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kaniya
Huwag kang paluhain at alagaan ka nya....
(Jewel)
Ba't di ko naisip na mayrong hanggan?
(Young man)
Ako yung nauna, pero siya ang wakas
(Jewel and young man)
At kita naman sa yong mga mata
Kung bakit pinili mo sya
Mahirap labanan ang tinadhana
Pinapaubaya...... Pinapaubaya.....
Sa puntong ito umalis na kaming tatlo sa madilim na bahagi.
(young man)
Pinapaubaya...... ko na sa kanya........
Nakiisa na kami ng Mita Mira at kuya Rex sa madla at bumalik sa aming table. Muli akong pinaghila ng upuan ng kuya Rex at kinuhaan ng tubig.
Maririnig mo ang palakpakan ng mga bisita sa paligid at sila ay nakatayo. Muling nagliwanag ang paligid. Nakita kong kausap na ng lolo ko ang lalaki at nakipagkamay na ito rito.
Di na ako lumapit dahil nakitaan ko narin naman ang lalaki ng ngiti sa labi. Maaring nakuha na nito ang loob ng aking lolo.
Nahagip naman ng mata ko ang kuya Rex ko at ate Trishia na nakatingin sa akin. Ngumiti ang mga ito.
Natapos ang gabing iyon ng nakakapagod. Nagpaalam na ko sa magulang ko na mauuna na akong umuwe at mismong sa condo ko na ako dideretsho. Pumayag naman ang mga ito. Huli kong nilapitan ang aking lolo.
"Lolo your too much drunk, May be that's enough for tonight...baka makasama na sa kalusugan mo yan.... And Im gonna go narin po. Happy Birthday again sabay halik ko sa pisngi.
"I am so proud of you hija! You save that man huhh!!! Apo talaga kita. Hope its gonna be allright!!! Go home and take a rest. " sabay nitong pinatong ang kamay sa aking ulo at ginulo ito. "
Nag peace sign nalang ako at nagpaalam na kong aalis.
Sabay na namin linisan ng ate Trishia at kuya Rex ang party ni Lolo ng makapagpaalam ako kina Uncle Ralp at Mita Mira na nagsisimula palang magenjoy.
"Kuya Rex , ihatid muna natin ang ate Trishia please.... Salamat. " pakisuyo ko kay kuya.
"Walang problema. " sagot naman niya.
Nakatulog ako sa byahe dahil sa pagod. At nagising nalamang ako na nasa sariling silid na ako. Nakadamit pantulog. Napangiti nalang ako.