“What the héll were you thinking, Felicity?” Dumagundong ang boses ni Daxon pagkapasok na pagkapasok nila ng babae sa kotse. Kakatapos lang ng family dinner at nagpaalam na siya agad at nagsinungaling na may kailangan pang asikasuhin, dahil hindi niya talaga matagalan ang pagmumukha ng mga Romualdez, lalong-lalo na si Felicity na sumira ng gabi niya. Kunot-noo niya itong tiningnan—halos mag-isang linya ang makakapal nitong kilay. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na may gano’ng pabor kang hiningi sa ama mo?” “Kapag sinabi ko ba, papayag ka? I am sure that you’d only get mad at me,” tugon nito. “We need to live together, Daxon. We have to know each other more and—” “I already told you that I won’t be marrying you,” matigas niyang sabi rito. Walang emosyon niyang tinitgan ang mga mata nito. “

