‘Cliché’ “Free? Free from what? Free from who?” Tanong ni Xia kay Art at lumingon naman si Art sa kanya at tinuro nito ang mga kaklase nila. “From them,” sagot ni Xia at umupo na kaya wala nang magawa si Xia kundi ang umupo nalang din. Xia wasn’t letting her guard down dahil baka palabas nga lang ‘to ni Art. Tahimik lang si Xia sa buong klase hanggang sa uwian na at talagang naninibago siya sa routine. Walang nambubully sa kanya. Ang tahimik ng classroom nila. Inisip niyang dapat masaya na siya pero ‘yung feeling na hindi na siya kinukulit ni Art ay nakakapanibago. Lumingo-lingo nalang si Xia at hindi na inisip ‘yun. ✥✥ Kinuha kaagad ni Art ang cellphone niya nung mag-ring ito. “Art?” “Yes, Duke?” Sagot niya dito. “Cancel the search for Xie.” Kumunot naman ang noo

