‘Brothers’ “Bakit mo pinunit ‘yung notebook niya?!” Galit na tanong ni Kazu kay Art habang hawak-hawak ang kamao niya. “Parang notebook lang? Susuntukin mo na ako? Inis na tanong ni Art at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya. Napa-upo nalang si Kazu sa sofa at sinapo ang mukha niya. Bakit ba kasi hindi nila sabihin sa akin ang buong kwento kung bakit sila nandito!? Isip ni Kazu. “Hindi lang ‘yun basta-bastang notebook, Art! That was the notebook that her Dad gave her!” Nakita naman ni Kazu na bigla nalang nanlaki ang mata ni Art, pati ‘yung apat, maliban kay Harvin ay nabigla rin. “G-Galing sa Dad niya?” Tanong ni Mike sabay bato ng lollipop niya sa trash can. “Oo. Ano? Nakokonsensiya na kayo?” Tanong ni Kazu pero hindi sila sumagot kaagad at nagkatinginan pa sila

