‘Confession’ Tapos na ‘yung exams nina Xia kahapon pero may PE pa sila ngayon kaya kailangan niya pang pumunta sa school. “X-Xi. Uhh. Anong baon mo sa school?” Bahagyang kumunot ang noo ni Xia dahil sa tanong ni Xie. Hindi naman kasi ito nagtatanong kung ano ang babaunin ni Xia sa school dahil alam naman nitong hindi siya nagbabaon. “Wala naman akong bina—” “Ahh, okay.” Napaawang lang ang bibig ni Xia dahil hindi man lang siya pinatapos ni Xia. Kinuha nalang ni Xia ang bag niya at inayos ang PE uniform niya. Bumaba na siya at tiningnan kung ano ang nakahanda para sa breakfast. Ham and bacon. Umismid lang siya dahil dito. Padabog niyang nilagay ang bag niya at padabog na kinuha ang cereals tsaka padabog na kinuha ang fresh milk sa ref tsaka padabog na umupo at padabog na nilapag

