‘The Joker’ “Yes. I’ll check it later. Nasa school pa kasi ako.” Binaba na ni Kazu ang tawag. Tsk! Why do they keep on bugging me? Isip niya at akmang ilalagay na niya sana ang cellphone sa bulsa niya pero bigla nalang may bumangga sa kanya dahilan para mahulog ang cellphone niya. Magtatanong pa sana siya kung sino ‘yung bumungga sa kanya pero natigilan agad siya nung makilala niya ito. “Xia?” Tanong niya pero dumaan si Xia sa harap niya na parang lutang pa kaya kinuha kaagad ni Kazu ang cellphone niya at hinawakan ang balikat ni Xia pero tinabig niya lang ang kamay ni Kazu. Kumunot kaagad ang noo ni Kazu dahil hindi naman ‘yun ginagawa ni Xia sa kanya. “Don’t touch me!” Sabi pa ni Xia at binilisan ang lakad niya hanggang sa makarinig si Kazu na may nagtatawanan sa likuran niy

