‘The Promise’ Buong araw na iniiwasan ni Xia si Kazu and Kazu was getting frustrated just thinking about it. Nilingon ni Kazu ang upuan ni Xia pero nakayoko lang ito habang hawak-hawak ang cellphone niya. Kazu can’t stand it. Gusto niya ‘yung pinapansin siya ni Xia. “Art. Si Duke,” sabi ni Warren kaya nawala kaagad ang tingin ni Kazu kay Xia at tumingin kay Art na tumayo. Kumunot naman ang noo ni Kazu nung marinig niya ang salitang ‘Duke’. Hinawakan ni Kazu ang braso ni Art kaya tumingin ito sa kanya. Art was silent. Tiningnan naman ni Kazu si Harvin na natutulog, si Mike na kumakain ng lollipop at si Kevin na nakatunganga lang. “Sasama ka ba o hindi?” Tanong ni Art kay Kazu at inalis kaagad ni Art ang kamay ni Kazu sa braso niya kaya tumayo na si Kazu at sumunod na kay Art.

