Twenty-two thousand six hundred and seventy five pesos. Iyon na iyong total na presyo na kailangan kong babayaran. Clear naman na iyong laman ng isang cart at iyong kalahati ng pangalawan. Feeling ko ay papalo pa ng lampas thirty thousand ang kailangan kong bayaran dahil ang kalahating laman ng pangalawa kong cart ay puro mga karne at ibang frozen goods na pang-ulam at pang-snack. Habang naririnig ko nang naririnig ang pagdagdag sa bill na kailangan kong bayaran. Paulit-ulit naman ako ng bilang sa cash na aking bitbit. 35 thousand lang ang cash na dala ko. Kung sakaling lumpas doon ang total bill ko sa grocery. Nakakahiya man pero wala na akong ibang choice kung hindi ang manghiram ng cash kay Haden. I don't have my debit card with me. Wala rin akong planong gamitin ang credit card k

