"Hindi, a. Siyempre hindi. Gusto ko ngang siguraduhin kung masaya ka ba kaya ako nagtatanong." I stared at him. Sa lampas bente kuwatro oras na nagkasama kaming dalawa. Natutunan ko na kung gaano siya kapunong-puno ng kalokohan kaya naman hinintay ko na naman ito magpakita hng kahit na anong hints na ginu-good time niya na ako at hindi ko naman talaga kailangangang sagutin ang mga tanong niyang iyon. "Ikaw. You surrendered your entire teenage years, your entire youth, most probably, for everything that you have right now. Masaya ka ba sa naging desisyong mong iyon?" "Hindi palagi." Uminom ito ng beer. Pinisa niya iyong lata nang maubos na nito ang laman. Dalawang salita lang ang sagot na binigay niya sa akin pero sapat na iyon para humanga ako. His answer made me realize that the

