Hazel’s Point of View
Spell NGANGA…A-K-O!
Nanaginip ba ako? O baka binabangungot?
Bakit…
Bakit may bumabang diyos galing langit?
“UY!”
“Ah-hehe. So..sorry. Ano nga p-pala 'yun…?” Ay, anu ba yun. Nakakahiya.
Nagulat ako lalo nang bigla niyang pinat niya ang ulo ko.
“Ikaw talaga! Ang cute mo pa rin.”
Kyaaah, Ang init ng pisngi ko.
“Kumusta na, ‘Zel?” Siya pa lang ang tumawag saking ZEL.
“A-ayos lang. Ikaw?”
“Tahimik mo naman. Tara! Tayo!” Dahil nga gulat pa ako di ako tumayo kaya ang ginawa niya hinila niya ako.
“S-san tayo pupunta?”
“Sa canteen.” Nagsmile siya. Bakit ang ganda ng ngiting iyon?
“Ah..”
Hawak hawak niya ang kamay ko….dahil ng hinihila niya ako. Pero kahit ganon….Holding hands pa rin 'to.
Pinagtitinginan kami ng mga ibang estudyante. Ano pa bang aasahan kong reaction nila? Eh, itong heartthrob na toh….hawak hawak ang kamay ko.
“Upo ka lang diyan. Wait for me here,” he winked at me.
Habang hinihintay ko siya rinig na rinig yung mga bulungan.
“Bakit niya kasama si Gelomylabs?”
“Oo nga… Why?”
“Diba may girlfriend si Gelo?”
“Guys. Wag nyo na lang bigyang malisya, malay niyo friends lang sila.”
“Siguro nga, magkaklase pa naman sila.”
“Friends lang ang mga yan, ano ka ba! Look at her, she’s so simple. Walang siyang panama kay Raiza.”
Marami pa silang binubulong.
Sino ba ako? Ako lang naman si Hazel Romero na simple. Hindi ako matatawag na nerd dahil malayo ang characteristics ko dun, I don’t wear eyeglasses. Hindi ako matalinong-matalino. Pero nasa honor naman.
Wala akong panama kay Raiza Shao Alvarez. Maganda siya, mabait, friendly and genius. At…Boyfriend niya si Gelo Fernandez.
“Zel. For you.” Inabot niya saken yung isang styro.
“A-ano 'to?”
“Palabok, remember nung una kitang tinreat? Iyan ang kinain natin.”
Yung kinain namin kaya nagka-allergy ako? Kakainin ko ba?
Nakakahiya naman sakanya kung tatanggi ako.. pero baka…..
“Alam mo bang nakipagsiksikan pa ako para makabili niyan, laging nauubusan ng palabok na iyan eh," natutuwang sabi niya. Nakonsensya naman ako.
“Ah. G-ganon ba? Thank you.” nakayuko kong sabi.
Tinitingnan ko lang yung hawak kong styro. At pinag-iisipan ko pa kung kakainin ko ba. Ayoko ng ma-ospital dahil sa allergies ko.
“Ayaw mo ba?” biglang tanong niya.
“H-hindi ha. Gusto ko nga eh. Pero kasi---“
Kinuha niya saken yung styro, binuksan niya yun at saka sinubuan ako.
“Subuan na kita, mukhang nahihiya ka eh.” Sabi niya saken.
I gulped.
I don’t know what to do.
“A-ako na lang.”
“Ako na,”he insisted.
No choice kaya tinanggap ko na.
“Masarap ba?” Nag-nod na lang ako.
Ayun, thrice niya akong sinubuan. Gusto pa nga niya ubusin ko kaso pinigilan ko na talaga siya. Nakakahiya kaya, lalo kaming pinagbubulungan eh.
Nakatingin lang siya saken habang inuubos ko itong palabok. Masarap yung palabok kaya walang problema saken ang lasa pero pano yung allergy ko?
Nang naubos ko na, itinayo niya ako ulit.
“U-uy.. San tayo pupunta?”
“Bibili kita ng icecream?” Ayon, nagpahila ako ulit.
Lumabas kami ng school kahit bawal, sa back gate naman kami dumaan. May malapit ng Ice cream parlor sa school kaya dun niya ako dinala.
“Anong flavor ng sayo, ‘Zel?”
“Kahit ano, okay lang.” Nagsmile na ako sakanya. Medyo hindi nako naiilang.
“Miss, may ‘Kahit ano’ flavor kayo?” Huh?
Tiningnan ko siya ng clueless, tumawa lang siya ng mahina.
“Joke, Miss may couple ice cream pa ba?” tanong niya. Anong COUPLE ice cream?
“Meron pa, Sir.” kinikilig na sabi nung babae.
--
Medyo natagalan yung pagserve nung icecream. Special daw e.
Nung ubos na namin yung ice cream namin. Yes, nagshare kami sa isang icecream.
“G-gelo, time na. Tapos na ang break natin.”
“Time na ba? Arrgghh. Dito muna tayo please?”
“P-pero pano yung class naten?”
“Ngayon lang naman e.”
“Ano pa bang magagawa ko? Pero yung bag ko,"
Pero baka makita ni Ma’am yung bag ko at mahalatang nag-cut kami.
“Sinabihan ko na sina Gab.” Si Gab, isa sa mga kabarkada niya.
“Dito lang tayo?”
“San mo gusto…Mall?”
“Hindi pwede, class hours pa, bawal.” Mukhang nag-iisip pa ito.
“Edi, magpalit tayo ng damit?”
“Wala akon---“
“Akong bahala sayo…”
Isinakay niya ako sa car niya. Yup, nagdadala siya ng car. Student’s license daw gamit niya.
Tumigil kami sa isang condominium building. I didn't know he owns a unit here. Alam ko kasi ay sa bahay nila siya umuuwi.
Sumakay kami ng elevator. May naabutan kaming dalawang babaeng nag-uusap.
“Hey, look at them,” sabi nung isa. Pero di sumagot yung isa nakatinginlang samen.
“They are not bagay. Look at her, eew.”
“Shut up, Angelica!” suway nung isa. At tumingin sakin with an apologetic smile. I smiled back na lang.
“Pshh.”
Tumingin na lang ako sa ibaba. Nakakahiya kasi.
Si Gelo kaya? Hindi ba siya nahihiya na kasama niya ako?
Masyadong malayo ang agwat niya saken simula sa looks and popularity. Sa social status parehas lang naman kami.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
“Hmp!” Narinig ko yung pagreklamo nung Angelica Joyce.
Pagkabukas ng elevator ay lumabas na kami.
Hawak pa rin niya ang kamay ko habang palabas kami. Lumabas rin yung dalawang girls.
Huminto si Gelo sa paglalakad.
“By the way, don’t be rude to her," tinuro niya ako, "She's my future girfriend,” then he smirked.
Ako? NGANGA!
Sila? NGANGA!
--
Pumasok kami sa condo niya. Wow. White and black. Ang linis.
“Ikaw lang mag-isa rito?” tanong ko.
“Yep. Minsan lang ako pumupunta dito.”
"Ahh… Ba’t mo pala ako dinala dito?”
“Kukuha sana tayo ng pamalit ng damit. Pero parang nawalan ako ng ganang mag-mall.” Huh? Bakit? Ikinahihiya mo ba ako?
“Sorry, kung nahihiya ka kasi kasama mo ko," nakayukong sabi ko.
Tiningnan lang niya ako.
Then…
Tumawa siya ng pagkalakas-lakas, “Hindi kita ikinahihiya, pinoprotektahan lang kita.”
Pinoprotektahan lang kita….
Kinilig na naman ako.
“Ang cute mo talaga kapag nahihiya ka.” Kinurot pa niya ang cheeks ko.
“A-ARAAAY!” Medyo natigilan ako. Nakasigaw ako sa harap niya? Uh? Pano ko nagawa yun.
“Ang cute mo ring sumigaw!”
Hiyang hiya na ako. Huhu!
--
Nag-movie marathon kami. Pinanuod namin ang “Petrang Kabayo” At “Praybeyt Benjamin”
Ilang beses ko ng pinanuod ang mga movie ni Vice Ganda pero nag-enjoy pa rin ako… Iba kasi kung kasama yung taong laging nagpapasaya sayo.
Nang dumating sina Gab sa condo nila dun lang kami tumigil sa panunuod. Hinihatid nila Gab yung mga gamit namin na iniwan namin sa school kanina.
First time kong mag-cut.
Hinatid ako ni Gelo sa bahay namin, nung una…ayaw ko pero ano pa bang magagawa ko.
“Ang laki pala ng bahay niyo, Zel.”
“Hindi akin yan, kina mama yan.” Tumawa lang si Gelo nang mahina.
“Salamat ah..” sabi niya.
Lalabas na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko.
“Sayo nga ako dapat magpa-thank you. Hindi namankita close friend pero sinamahan mo pa rin ako. Nag-enjoy talaga ako….” At hindi ko ineexpect ang susunod niyang ginawa…..
He kissed me.
He really did.
He kissed my lips.
He really did.
I can’t breathe.
I really can't.
“Alam mo bang malungkot ako? Salamat dahil pinasaya mo ako….. Sana magtuloy tuloy na toh. Can I %^@%^#%@^#...”
Hindi ko na narinig yung sinabi nya….
Lumabas ako ng kotse.
Bakit?
Hindi ko kinaya ang kilig na nararamdaman ko. Pakiramdam ko, sasabog na ako. Kailangan kong makasigaw.