Hazel’s Point of View
Tahimik lang kami sa biyahe. Pero si Braiden pasulyap-sulyap sakin. Hahaha. Ang cute cute talaga ng isang toh. Kapag hindi ako nakapag-pigil, iuuwi ko talaga toh! Hihihi. Bakit ba kasi wala akong kapatid?
“H-hm…Gelo, thank you.” Pagpapasalamat ko bago ako lumabas ng car nila. Tinanguan lang ako nito, ni hindi man ngumiti.
“Ate Love…” Biglang nagsalita si Braiden, akala ko ba nakatulog ang isang toh? Hahaha, ang cute. Nags-sleeptalk siya.
“Gelo…wait lang ha.” Bumaba ako kaagad at saka binuksan ang front seat.
“Ang cute cute talaga ni Braiden, pwede ko ba siyang isama? Hehe. Joke.” Hinalikan ko lang sa noo ang super cute na tulog na bata.
“Sige, salamat ulit.” Isasara ko na sana ang door ng car nang magsalita ito…
“Ako ba walang kiss? Eh ako ang nagdadrive dito, ang layo pa naman ng bahay mo. Nakakapagod—“
“Hindi mo na kailangan magselos. Mas cute ka para sakin ha? Good night, Gelo.” Sabi ko at saka kiniss siya ulit sa cheeks. At saka ako patakbong pumasok ng bahay namin.
Ewan ko ba pero nung nakita kong parang nagseselos siya kay Braiden….nawala na ang hiya ko sakanya. Nagiging mas kumportable na ako sakanya. Wala ng ilang-ilang na tulad ng dati.
--
“Hija…” May narinig akong katok mula sa labas. Bakit kaya?
“Wait lang po, ma… Nagbibihis lang po.”
“O sige, bilisan mo lang ha? Nandito na ang MGA sundo mo.”
Huh? Mga? Sino naman kaya?
Dahil sa na-curious ako, minadali ko na ang pagsusuot ng mga uniforms ko.
Pababa pa lang ako ng hagdan ay naririnig ko na yung tawanan nung mga tao sa baba. Parang naririnig ko ang tawa ni Gelo ha?
“Oh hija, nandiyan ka na pala. Kumain ka muna.” Tugon ni mama habang nakaupo na sila sa Dining.
“Ate Loveeee!!!” Malakas na tawag sakin ni Braiden habang tumatakbo palapit sa akin.
Lumuhod ako ng kaunti para maabot niya ako. Hinalikan niya ako sa cheeks.
“Ang ganda mo talaga, Love. Hihihi.” Nilapit nito ang bibig niya saakin. “Tingnan mo niyan si Kuya, Ate Love….nagseselos na naman.” Bulong nito.
Kinurot ko na lang ang ilong niya. At saka ko siya binuhat. Bakit ang bigat nito? Haha. Chubby kasi….kay ang cute cute cute..
“Good morning, ma.” Bati ko kay mama, at saka humalik sa cheek nito.
Lumapit ako sa upuan kanina ni Braiden para ibaba na ito.
“Braiden naman, look at your Ate, nabibigatan na sayo.” Biglang singit ni Gelo habang nakangiti saken. Lumapit naman ako kay Gelo at saka humalik sa cheek niya. Alam kong nakakadami na ako, hayaan niyo lang na lang ako! XD
“Kuya! Hahahaha! You’re blushing na naman! Wahahaha! You’re in love na!” –Braiden.
Ahyysht! Pasalamat ka Braiden at cute ka kung hindi nakuuu!
“Gelo, hijo…Boyfriend ka ba ng anak ko?” Ampupu! Anong tanong yan, ma?
“HINDI PO AH!” Sabi ko.
“Hija, hindi ikaw ang tinatanong ko.” Tumingin it okay Gelo, “Hmm?”
“Hindi pa po…Pero malapit na po.” Sagot ni Gelo. Manligaw ka muna, dude, bago mo sabihin yan. Psh.
“Pero…nanliligaw ka na ba, hijo?”
“Hindi pa po.”
“Bilis-bilisan mo lang hijo, baka maunahan ka pa ng kapatid mo.” Biro ni mama dito.
“Haha, wala pong pag-asa si Braiden, Tita. Ako ang gusto ni ‘Zel eh.” What?! Pano niya nalaman? Hindi na lang ako nagsalita kahit kilig na kilig na ako.
“Noo! Love, likes you but she loves me, I’m right diba Ate Love?” Umupo ako sa tabi ni Braiden.
“Of course! Ikaw lang ang mahal ko.” Sabi ko habang nakatingin kay Gelo. Nagseselos na naman siya? Haha.
“I told you, Kuya!”
Natawa na lang ako at saka kumain na.
--
“Una na kami, Tita.” Pagpapaalam ni Gelo kay mama bago idrive ang car nito.
This time katabi ko si Gelo tapos nasa likod naman si Braiden na naiinis. Naunahan na naman daw siya ng Kuya niya. Haha! Haba lang ng hair ko. =D
“Zel… natatandaan mo pa ba nung first time kitang ihatid sa bahay niyo? Nung nag-cut tayo ng class?”
“Hmm?”
“Nung bago ka lumabas ng car…may sinabi ako pero mukhang hindi mo narinig.” Sabi nito habang nagmamaneho pa rin.
Pinilit kong inaalala kung may sinabi siya. Ah! Oo, may sinasabi siya non kaso talagang hindi ko na napigilan ang kilig ko kaya lumabas na ako sa car niya.
“Meron ba?” Pa-inosenteng tanong ko. Baka itanong pa niya kung bakit biglaan ang paglabas ko nun. Baka mapaamin ako ng hindi oras ah. XD
“Oo, meron… Itatanong ko sana nun kung pwede ba kitang ligawan…” Seryosong sabi nito.
Totoo ba toh? Parang anumang oras ngayon malalaglag na ang panga ko.
“Hazel….may pag-asa ba ako kung liligawan kita? Can I court you?”
Ayan, nalaglag na nang tuluyan ang panga ko.