Hazel's Point of View Akala ko sa pagkakasabi niya ng 'ituloy mo' ay magpapaka-martyr siya. But thank God, hindi iyon ang ibig sabihin niya. Ang gusto niya ay ituloy ko ang laro hanggang sa mahanap ko ang papalit kay Gelo. After that scene, hindi na kami pumasok. Nagstay lang kami doon hanggang sa magsidatingan na ang mga ibang estudyanteng kakatapos lang ng mga klase nila. "Let's go?" nakangiti ito sa akin habang sinasabi niya iyon. Ngumiti ako sa kanya at tiningnan ang mga mata niya pero tulad ng lagi niyang ginagawa ay umiiwas ito ng tingin sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at, "Hazel...'wag sa mata, pakiusap." I sighed when I heard him say that. What did I do to this guy? Anong ginawa ko sa lalaking ito na walang ibang ginawa kung hindi pasayahin ako at sundin ang lahat ng gust

