Alexandro’s Point of View Maagang dumating ang umaga, ngunit sa akin, isa lang itong panibagong araw ng pagpapanggap. Dapat ay nagtatago pa rin ako sa dilim, dapat ay nasa loob ako ng opisina, nagpaplano kung paano lilinisin ang kalaban sa organisasyon. Pero hindi—narito ako sa isang simpleng talyer sa kanto, nagpapanggap bilang isang mekaniko. Ginusto ko ‘to. O mas tamang sabihin, kinailangan kong gawin ‘to. Hindi pa ako maaaring lumapit kay Athena bilang kung sino talaga ako. Alam kong matatakot siya sa tunay kong pagkatao, kaya kailangan kong magpanggap bilang isang hamak na mekaniko—isang taong walang bahid ng dugo sa mga kamay. Kaya heto ako ngayon, naka-sando at may grasa sa katawan, kunwari’y abala sa pagpapalit ng langis ng sasakyang may sira. Pero kahit anong pilit ko

