Alexandro Visonti’s Point of View Alas-dos ng madaling araw. Madilim ang paligid, tahimik ang lungsod, ngunit sa loob ng isang pribadong kwarto sa isang mataas na gusali sa Maynila, ako ay nakaupo sa harap ng isang malaking screen, pinagmamasdan ang detalyadong ulat na ipinasa sa akin ng mga tauhan ko. Benedict Devereux… Ngumisi ako nang bahagya, puno ng panunuya. Akala niya siguro matalino siya. Akala niya kaya niyang hanapin si Athena gamit ang mga kakilala niya sa ilalim ng lupa. Tanga. Wala siyang kaalam-alam na ako mismo ang dahilan kung bakit kahit anong pilit niya, hindi niya mahahanap si Athena. "Halimaw siya, pero ako ang Diyos sa impyernong ito," bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang sinindihan ang isang tabako. Ang impormasyon tungkol kay Athena? Pinatay ko n

