Alexandro’s Point of View Pagkatapos ng mahabang araw sa shop, naisipan kong dumaan sa karinderya ni Athena para maghapunan. Wala naman akong ibang gustong kainin kundi ‘yung luto niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkain o dahil gusto ko lang siyang makita ulit. Pagdating ko roon, nagulat ako sa dami ng tao. Hindi ito ‘yung tipikal na tahimik na karinderya kung saan sanay akong kumain. Punuan ang mga lamesa, at may ilan pang nakatayo sa gilid, tila naghihintay ng mauupuan. Napansin ko agad na mukhang abalang-abala si Athena. Pawisan siya, pero kahit gano’n, maganda pa rin siya sa paningin ko. Naghanap ako ng mauupuan pero walang bakante. May ilang babaeng nakita kong nakatingin sa akin, parang inaasahan nilang lalapit ako sa kanila, pero hindi ko sila pinansin. Ang atensyon ko l

