Alexandro’s POV Pagkarating ko sa talyer matapos ang isang buong araw ng paglalaro sa damdamin ni Athena—o mas tamang sabihin, pagpapaselos sa kanya—ay napangiti ako habang inaalala ang inis niyang mukha. Damn, she’s too adorable. Hindi ko inakalang aaminin niya nang direkta na ayaw niyang makita akong nagpapacute sa ibang babae. Kahit pa sabihin niyang hindi siya nagseselos, her actions spoke louder than her words. Magsisimula na sana akong magtrabaho sa isang motorbike na kailangang ayusin nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad kong kinuha iyon sa bulsa, at nang makita ko kung sino ang tumatawag, hindi ko maiwasang mapailing. Gramps~ Napangisi ako. Ngayon lang ulit siya tumawag matapos ang ilang buwan. Kapag ang matandang ‘to ang tumatawag, siguradong may mahalaga siyang pa

