CHAPTER 7

1123 Words
ANDANA POV Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko Dahan dahan akong bumangon at napa aray ako ng sumakit ang gitnang hita ko .. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto at doon ko napagtantuhan ang nangyari .. Napatakip ako sa mukha ' f*****g Shitt. Marupok talaga ako' bulong ko sa aking isipan . Bumangon ako habang nakabalot ang kumot sa katawan ko tiningnan ko ang oras at alas syete na binalingan ko naman ang kama at wala na akong katabi ,, ibig sabihin ay nakaalis na sya papunta sa trabaho... Dumiretso agad ako sa kwarto ko pagkatapos kung magbihis .. Naliligo din ako bago bumaba ,, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi ,, namumula ang mukha ko sa tuwing sumasagi yun sa isip ko. Argggghhh! Habang naglilinis ay hindi mawala sa isip ko si Levian Ano kayang ginagawa nya sa company? Nandoon ba si Clarisse? Magkasama ba sila? Hindi ako makapagfocus dahil sa naiisip ... Aaminin kong lalong lumalalim ang pagmamahal ko kay Levian sa mga dumadaang mga araw kahit na iba ang trato nya sakin.. Handa akong manatili hanggang kaya ko .. Alam kong magbabago sya Alam kong nadala lang sya ng galit nya! Lumabas ako ng Mansyon at pumunta sa gilid ng pool at sinawsaw ko ang paa ko sa tubig ,,, Napangiti ako dahil natupad ang pangarap ko na maikasal kaya lang sa maling panahon at pagkakataon.. Napaisip ako ! Kung sakali mang aalis ako gusto kong maiwan syang masaya at buo.. At alam kong hindi yun mangyayari hanggang hindi nahuhuli sina Papa.. Handa ba akong iwan sya? Kaya kobang umalis sa Piling nya? Well kaya ko.. Kung ako na mismo ang susuko pero sa ngayon kaya ko pa! Kakayanin kopa.. __ " Manang magluluto po ulit ako ngayun !" masigla at masaya kong saad kay Manang habang nagagayat ng rekado.. " Mukhang masaya ka iha! Hala ! Sige ikaw naman ang magluto" Iniwanan mona ako ni Manang dahil magpapahinga sya kaya ako na ang gumawa ng dinner namin.. Inihanda ko na sa lamesa ang mga pagkain at kumakanta pa ako sa saya habang ginagawa yun.. Alam ko kasing sasabay ulit saakin si Levian kumain.. Narinig ko ang tunog ng busina kaya patakbo akong lumabas at binuksan ang gate .. Pinanood kong pumasok at iparada nya ang kotse.. Nakangiti ako ng makitang bumaba sya ng sasakyan akala ko papasok na sya pero nagkamali ako umikot sya sa passenger seat at binuksan ito.. Doon kitang kita kong bumaba si Clarisse na may malawak na ngiti sa labi. Hinapit ni Levian ang bewang ni clarisse at sabay na pumasok sa loob ,, nakanganga akong sumunod sa kanila. " Levian! Kumain kana" Aya ko ng makapasok kami sa loob , " No need! Kumain nako" Malamig nitong saad. " Hmm, Sorry Andana pero kumain na kasi kami kanina ni Levian " Nilibot nya ang paningin sa mga niluto ko. " Ipakain mo nalang yan sa Mga aso baka sakaling kainin pa " Humalakhak pa ito. Napakagat labi ako at pinipigilang umiyak sa harap nila. " Okay lang! Itatabi ko nalang muna" Saad ko at lumapit sa mga hinanda ko patalikod kung pinunasan ang takas kung luha. " Okay! Let's go honey ,, " Hinila na ni Clarisse si Levian pataas kaya doon na ako umiyak .. Walang tigil ako sa pag iyak habang nagliligpit.. Napakasaya ko pa mandin kanina pero naglaho nanaman .. Habang paakyat ako ng hagdan ay hindi maiwasang tumingin sa gawi ng kwarto ni Levian! Sigurado akong may ginagawa nanaman sila! Mula rito ay kinig na kinig ko ang halinghing ni Clarisse.. Umiiyak akong pumasok sa silid ko at doon ipinagpatuloy ang pag iyak. Akala ko may ibig sabihin ang nangyari kagabi ! Nakalimutan kong parausan nga lang pala ako! Ang tanga tanga ko para maramdaman ito,, __ KINABUKASAN ay maaga akong gumising para umpisahan ang trabaho ko dito sa bahay ,, nagluto ako at naglinis . " Iha! May kasama bang babae si Levian kagabi?" tanong ni Manang para bumalik sakin ang nangyari kagabi.Marahan naman akong tumango at kinagat ang ibabang labi. Napabuntong hininga naman si Manang bago umiling iling. Kita kong bumaba sina Levian At Clarisse . Nagmamadali akong naghanda ng pagkain para sa kanila , nanginginig ang kamay ko habang dala dala ang pagkain at tahimik na nilapag sa harap nila. " Hmm! Maayos naman pala itong KATULONG MO!" Ini emphasized nya talaga ang salitang katulong para ipamukha sakin na ganun ako. Hindi naman kumibo si Levian at nagpatuloy lang sa pagkain habang akoy nanonood lang sa dalawa , Napapatalikod ako pag nakikita ko silang nagsusubuan para silang mag asawa kung titingnan.. " I'll go! Uptairs, may nakalimutan lang ako" pag papaalam ni Levian kay Clarisse . " Okay! I wait you here honey! " malanding sagot ni Clarisse. Bumaling naman ang tingin sakin ni Clarisse bago ngumisi . " Ipagsalin mo nga ako ng tubig " maarte nitong utos., napakuyom naman ang kamao ko, nasa harap na nya ang tubig pero gusto nyang ako pa ang magsalin. Peke naman akong ngumiti at nagsalin ng tubig bago iabot sa kanya pero aksidente ko yung nabitawan kaya nabuhusan sya ng tubig. " WHAT! THE HELL , ARE YOU STUPID? LOOK WHAT YOU'VED DONEE!" Malakas nitong sigaw saakin habang dinuduro duro ako. " S-Sorry, hindi ko sinasadya" yumuko ako at kinagat ang ibabang labi. " What happen here? " Nanginig ako ng marinig ang baritonong boses na iyon. " Iyan kasing babaeng yan tinapunan ako ng tubig dahil nagseselos saatin" Pagsusumbong ni Clarisse. " Sorry hindi ko naman sinasadya" paghingi ko ng paumanhin. " LIAR! SINADYA MO !" Sigaw ni Clarisse kaya napayuko ako at kinagat ang ibabang labi. " Mauna kana sa sasakyan ! Susunod ako" utos ni Levian at padabog na umalis si Clarisse. " Anong ginawa mo?" Malamig nitong tanong . " Wa-" malakas nitong hinampas ang lamesa kaya napaigtad ako sa gulat. " Wag na wag mo akong ipapahiya ,, Wala kang karapatan sa lahat!" Sigaw nito at dinuro ako " Asawa lang kita sa papel at wala kang karapatan,, Kaya kung ako sayo manahimik ka at gawin ang trabaho mo" Mariin nitong sabi kaya tumango tango ako habang umiiyak. " Wala kang karapatan sa kung anong gagawin ko , lalo na kay Clarisse , walang wala ka sa kanya ! You are only a trash for me , Basura kalang" Padabog itong umalis kaya naiwan akong umiiyak. Basura lang ako para sa kanya! Basurang hindi pinapahalagahan ng mga katulad nya , dahil para sa kanya isa lang akong nakakadiring nilalang.. Napapikit ako at tumingala at doon bumuhos ang luha ko. Kailangan paba nun? Kailangan pabang ipamukha sakin na wala akong karapatan. . END OF CHAPTER 7
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD