BEING HIS SLAVE WIFE . CHAPTER 44 ~CASSIANA/ANDANA POV~ Mabilis ang pagmamaneho ko ramdam ko rin ang pawis na tumutulo sakin dagdagan mopa ang nanginginig kong braso. Muli kung sinulyapan si Levian na nawalan na ng malay . Subrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa nangyayari . Halos hindi ako magkanda ugaga sa pagpapark ng kotse sa harap ng hospital . Tinakbo ko ang loob ng ospital upang humingi ng tulong. " Help me for emergency. Nasaksak ang kasama ko nasa kotse pa sya " Tumango ang nurse at nagsama pa ng iba na may dalang stroller . Binuksan ko ang fronseat ng kotse at sila na ang nagbuhat kay Levian. " Sorry Ma'am you're not allowed here!" Wala akong nagawa kundi ang maupo sa waiting area habang nakatingin sa pinto ng ER hindi parin mawala ang panginginig ng mga kamay ko.

