BEING HIS SLAVE WIFE . CHAPTER 12 ~ANDANA POV~ Maaga akong gumising para magluto ng almusal dahil alam kung hindi ako papayagan ni Levian at saka namimiss ko narin magluto tuwing umaga. Maingat ang galaw ko habang bumaba ng hagdan at tumungo sa kusina . Alas Singko pa lang ng madaling araw kaya tulog pa din si Manang.. Binuhay ko ang stove saka nagluto ng sinangag na may itlog.. Kinuha ko rin ang Ham at Toccino sa Ref bago niluto.. Nagtimpla ako ng isang kape at isang gatas para saakin. Nakitang kung nagmamadaling bumaba ng hagdan si Levian at nang makita ako nito ay nakahinga ito ng maluwag .. " Akala ko ay Umalis ka ! " Malamlam nitong sabi .. Iniisip ba nyang iniwan ko na sya. Kung noon ngang sinasaktan nya pa ako ay hindi ko sy nagawang iwan ngayon pa kaya. Ngumiti ako sa kanya

