Visible Chapter 37 “Anong nangyayari kay Leader?” si Suga. “Oo nga, kanina pa sya hindi umiimik” si Jimin. “Baka wala sa mood” si Rapmonster. Nasa dance studio sila noon para mag-practice ng sayaw. Pero walang-imik na nakaupo lang sa isang sulok si Jungkook habang nakayuko. “Kanina pa sya hindi makausap, ano kaya ang nangyari?” si Jin. “Oy! Taehyung! Nandyan ka na pala! Kanina ka pa hinihintay!” si J-hope na nakitang pumasok si Taehyung sa kwartong iyon. Pero agad nanlaki ang mga mata nila nang makita ang pasa na nasa mukha nya. Agad nila itong nilapitan maliban kay Jungkook na nanatiling nakayuko. “Oy! Anong nangyari dyan?!” si Suga. “Nakipag-suntukan ka ba ha?” si Rapmonster. “Tsk” ang sabi nya lang saka tinanggal ang pagkakahawak ng mga kasama nya sa kanya at nahiga sa sofa

